Pagkatapos naming sumakay ng iba't ibang rides. Kumain muna kami at nagpahinga. Nakaupo kami sa bench habang pinagmasdan ang mga taong dumaraan. Unti-unti lumaganap ang kadiliman. Sinalubong ng iba't ibang kulay ng ilaw ang pagsikat ng gabi. Habang dumarami naman ang mga tao rito sa peryahan. Mas lalong lumakas ang halakhakan. Maraming mga batang naghahabulan at ang iba ay nagtangis marahil naligaw at naiwan.Hinahambalos ng hangin ang mukha ko. Kaya napayakap ako sa aking sarili. Tumikhim si Jackson kaya napatingin ako sa kanya. Hinubad nito ang kanyang coat at binigay sa akin.
"I think you need it more."
Napatingin ako sa kanya at biglang sumagi sa isipan ko si Jade. Kung sakaling siya si Jade, mag-aalok din ba ito ng jacket niya o bibigyan niya ako ng yakap. I wonder. Palihim akong napailing at pinilig ang isipan. Kahit anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Malabong magiging kami ni Jade dahil tinuturi ko na siyang kapatid.
"Nasabi ko na ba sa iyo na ang ganda mo?" Nginitian niya ako at kinindatan. Humibla ang panginginig ng tiyan ko at marahil pinamulahan ako.
I roll my eyes. Bigla siyang tumawa nang malakas. He reminds me of Jade the way he laughs.
"Stop laughing!" Hinampas ko ang balikat niya.
"Seriously, you are beautiful."
"Oh sige na nga! Matagal ko ng alam."
"Lets go. Punta tayo sa bar? Dance?"
Inabot ko ang kanyang kamay at hinawakan nang mahigpit. "Sure."
Ilang minuto kaming bumiyahe patungo sa bar. Sa wakas at nakarating din kami; agad sumalubong sa amin ang dagat ng mga taong nagsasayawan at naghahalakhakan. Kumikislap ang iba't ibang kulay ng ilaw. Nakasilay ang bawat ngiti, may umiiyak sa ibang sulok habang ang iba'y nag-uusap.
Umupo kami sa isang bakanteng mesa. I will tell you hindi na ako baguhan dito. Pumupunta ako rito kasama si Caroline.
"What's yours Silese?" Tanong ni Jackson.
"Vodka."
"Waiter!" Tinawag niya ang waiter at agad naman itong lumapit. Hinayaan ko siyang mag-order habang inaliw ko ang aking sarili sa panonood ng mga taong sumasayaw. Napahinto ang tingin ko sa isang lalaking tila nakatingin sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakadimlight lang pero panatag ang kalooban ko na si Jade iyon. I know him very well. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Saglit kong kinusot ang mga mata ko at pagdilat ko'y wala na siya roon. Is it only my imagination? Pinilig ko ang aking ulo. "Shit!" Bulong ko sa aking sarili. Talagang nababaliw na ako sa hindi malamang dahilan. Bakit ako nagkaganito? Bakit palaging si Jade ang naiisip ko? Bakit?
"Are you okay?" Tanong ni Jackson habang matamang na nakatitig sa akin.
Tumango ako. "I'm okay."
Pagkarating ng drinks na inorder namin, hindi na ako nag-aatubili pa. Agad kong sinalakay at naglulong sa alak. Gusto kong makalimutan si Jade kahit sa ilang sandali.
"Silese. You drink too much." Saway sa akin ni Jackson habang pinigilan niya akong tunggain ang basong hawak ko.
"I want more Jack." Bulong ko. Hinayaan niya ako. Matamang lang siyang nakatingin sa akin na tila may iniisip. Madalang tumutungga ng alak.
"Jack." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Lumunok siya ng laway habang nakatitig pa rin sa akin. Sa tinatagal kong tingin sa kanya ay nakikita ko sa mukha niya ang mukha ni Jade habang taimtim na nakatingin sa akin. Ngumiti siya at ngiti ni Jade ang nakikita ko.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...