Pumasok ako sa kuwarto ni Jade at humilata sa kama nito. Bahagya kong pinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim. Napasinghap ako sa amoy ng kuwarto nito, ganito ang signature ng amoy ni Jade. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang niyakap ko ang unan ni Jade. Hindi ko pa rin matanggap na iniwan niya ako nang ganun-ganun lang na para bang wala akong saysay sa kanya. Bakit pa ba kasi hindi pa ako nasanay. I should have known that Jade will always be Jade at hindi na ito kailan man magbabago.Ang hindi ko lang matanggap ay nakayanan nitong ipagpalit ako kay Hansel.
Nagdesisyon akong hintayin si Jade mismo sa loob ng kuwarto niya. I want him to confront at pagbayarin sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin. Dahil sa kanya hindi natuloy ang date namin ni Jackson dahil pinili kong makasama siya subalit siya itong pumiling humanap ng iba.
I check my phone, alas diyes na nang gabi at hindi pa nakauwi si Jade. Mas lalong nagatungan ang inis at galit na naramdaman ko. Ilang ulit kong chineck ang phone ko, nagbabaka-sakali na may text mula kay Jade subalit puro kay Jackson at Caroline iyon. Halos umusok na ang ilong at tainga ko sa matinding pagkayamot. Sabik na sabik na akong masampal si Jade at magulpi habang magmamakaawa ito sa akin.
Hinayaan ko na ang sarili ko na hilain ng antok hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti na akong dinala sa kabilang mundo.
Naalimpungatan ako dahil may yumakap sa likuran ko. Nagkukunwari akong tulog at hinayaan ko at pinapakiramdaman iyon.
"Good night Sunrise." Bulong ni Jade at hinalikan niya ang pisngi ko bago tuluyang humiga sa tabi ko at yakap-yakap niya ako. Para kaming perfect couple na sweet na sweet sa isa't isa.
Hindi mapigilan ng luha ko at kusa iyong pumatak. Sumisikip ang dibdib ko; nanginginig ang kalamnan ko, at nagtagis ang mga ngipin ko habang pumapasok sa isipan ko ang ungol ni Hansel habang nagmemake-love silang dalawa ni Jade. Nakaramdam ako ng selos at galit na tila ba sasabog ang dibdib ko sa anumang oras.
Kinalas ko ang braso ni Jade na nakapulupot sa baywang ko at bahagyang umupo.
"Silese!" Untag ni Jade habang napatingin sa akin.
"Wala kang hiya! Wala kang hiya!" Sigaw ko at sinampal-sampal ko ang dibdib niya. Hindi ko mapigilan at tuluyan na akong napahikbi nang malakas.
"What's wrong Sunrise?" Aniya at napaupo na rin ito sa kama. Akmang hahawakan sana nito ang mukha ko subalit tinabig ko agad. Nandidiri ako sa kanya. Nakipagtalik siya kay Hansel.
"What's wrong, Jade? Why don't you just ask it yourself!? Para mapagtanto mo ang kasalanan mo sa akin!" Sinampal ko ang mukha niya at halos bumaliktad iyon. Napahawak siya sa mukha nito habang walang reaksyong nakatingin sa akin. Kinagat niya ang labi nito at nakabakas sa kanyang mga mata ang pagtataka. Damn! Stupid! You are slow idiot! Gusto kong magmura sa harapan niya dahil hindi niya ako naiintindihan. Am I this too vague para di nito mapansin.
"Iniwan mo ako doon Jade! Ano gusto mo? Magsasaya ako kasi iniwan mo ako? Anong tingin mo sa akin! A girl you can pick up when there's nothing left to choose? Tapos bigla, boom! Iiwan mo ako sa ere kong makahanap ka na ng iba? Paano ako Jade? Mas maganda ba si Hansel kumpara sa akin!?" Muli kong sinampal ang mukha niya.
"You don't know how it hurt me Jade! You don't know what I felt! Nasasaktan ako! Dahil nagseselos ako! Nasasaktan ako satuwing may kasama kang ibang babae. Nagseselos ako kay Hansel! Hindi ko maintindihan kong bakit Jade pero hinayaan mong masaktan ako."Tumingin ako sa kanyang mga mata habang panay ang patulo ng mga luha ko. Tuluyan na akong nilukob ng nararamdaman ko para sa kanya.
"I'm sorry Sunrise!"
"Huwag mo akong hawakan! Don't you ever touch me using your filthy han-!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong siniil ng halik. Halos tuluyan akong malagutan ng hininga sa halik nitong iginawad sa akin. Mapusok na halik ang pinagsaluhan namin. Ilang minuto bago kami kumalas sa isa't isa. Hinawakan niya ang mukha ko at tinititigan sa mata.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Любовные романы"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...