"Damn! Ah! Shit." Paulit-ulit kong mura habang hinampas ko ang manubela. Kahit anong gawin ko sa kotse, ayaw umandar, saglit lang tumunog at biglang huminto. Tiningnan ko ang relo at ilang minuto na lang, mahuhuli na ako sa klase. First time in history na malalate ako. Wala naman itong sira kahapon, sa katunayan nga bago ko lang ito pinaayos. Talagang pinaglalaruan ako ng tadhana. At kung magbiro nga naman ay hindi nakakatawa.
Nakita kong lumabas si Jade buhat sa mansyon. Nakabihis na ito at nakasabit sa likod ang bag pack. Hindi niya inayos ang buhok niya dahil buhaghag habang nakasuot ng sunglass. Sa ayos niya ay mapagkakamalan siyang artista.
Lumabas ako sa kotse. "Jade!" Sigaw ko. Huminto siya at lumingon sa akin. Lumapit ako sa kanya.
"Sira ang kotse ko." Utas ko at nahihiyang sabihin sa kanya kung ano talaga ang pakay ko.
"Hindi ako mekaniko. Do I look like one?" Pinasadahan ko siya mula ulo hanggang paa.
"No. You look like a demigod." I see it. I see a smile formed on his lips.
"Sabihin mo na Silese."
"Okay.. Puwede bang sumabay?"
Tinanggal nito ang suot na shade at dumungaw sa mukha ko.
"I have no choice." At kinindatan niya ako dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Hoy! Pumasok ka na!" Sigaw niya nang makita niya akong nakapako sa kinatatayuan ko. Yes, natulala ako sa ginawa niya. Nang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Pinagbuksan niya ako, for the first time. Palihim akong napangiti.
"What's wrong with you? You are smiling?"
"Ako? Smiling? Nako wala-wala! Ahh. May nagtext lang." Gatul-gatol kung palusot.
"Text?" Tanong niya habang pinaandar nito ang kotse. "Sino?" Nagkunot ang noo niya.
"Si Jackson." Bigla kong tugon ni hindi ko pinag-isipan.
"Give me your phone."
"Why?"
"I'm going to delete his number! You keep on texting him even you've just known him in a short of time. You flirt with him. Nakakatanggap siya ng bati sayo mula umaga hanggang gabi. Pero ako ni kailan at ni kahit minsan ay hindi mo nagawang e text. I guess you really don't have my number. You don't even ask for it." Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy na nagsasalita. Palihim akong napangiti sa narinig ko. He is jelous dahil hindi ko siya tinetext. Nagseselos siya sa pinsan nito.
"Why are you smiling?" Naiinis niyang tanong nang makita niyang tumakas ang ngiti sa labi ko. Then he smirks. I laugh so hard. Hindi ko makontrol ang sarili ko.
"Stop laughing!" Saway niya at tila nahihiya. Marahil narealize nito kung ano ang pinagsasabi niya.
"Stop laughing Silese!" Naiinis niyang sigaw. Tinakpan ko ang mukha ko at humalakhak. Halos mawalan na ko ng hininga.
"I said don't laugh." Hinawi niya ang kamay ko mula sa pagsalikop ng mukha ko.
"Ano ba! Kung gusto kong tumawa, tatawa ako! Walang makakapigil sa akin!" Pagkukunwari kong galit. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod sa kanya at hulakhak nang mahina.
"You really laughing." Mahina niyang wika pero hindi na niya ako ginulo. Hinayaan na lang niya ako.
Pagkatapos, inayos ko ang sarili ko at tumingin sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Nakabusangot lang 'to. Hindi ko napansin na malapit na pala kami. Paghinto lumabas kami buhat sa kotse. Nakatingin ang lahat ng estudyante nakatambay roon.
BINABASA MO ANG
Stepbrother's Play (SPG)
Romance"This could not be Jade! I'm your sister!" "No! You are not! You are my stepsister but I don't like it! Hindi ba talaga puwedeng magmahalan tayo, Silese? Noong una ka palang tumuntong sa mansyon namin, alam ko na agad na ikaw ang babaeng mamahalin k...