Pirming nakatitig si Gongchan sa babaeng kanina lang ay halos bingihin siya sa kakasigaw sa kanya sa telepono. Ang parehong babae na animo'y parang sirang plakang nagsasabi ibalik daw niya ang pera nito.
Tinignan niya ang babaeng ngayon ay magkasalubong ang mga kilay habang binabato siya ng matatalim na tingin. Nakahalukipkip at tahimik ito na nakaupo sa sofa, sa living room ng hotel suite niya at tila ba nag-aabang lang na magsalita siya.
"Spill it out!" sabi niya rito dahil may katagalan din itong nanahimik. Mula ng papasukin niya ito ay hindi na ito muling nagsalita pa at diretsong umupo sa sofa kahit hindi naman niya inimbita.
Doon naman niya naalala kung paano siya nito hinawi nang mabungaran niya sa harap ng pintuan matapos na pagbuksan niya.
"Ibigay mo na kasi yung pera ko, kung ayaw mong maeskandalo tayong pareho dito."
Wala na siyang nagawa pa kung hindi pagbuksan ito dahil na rin sa ilang beses nitong pag-doorbell. Nakadagdag pa sa irita niya ang tila ba kawalan nito ng galang gayong hindi naman sila magkakilala.
Hindi na sana niya ito papatulan dahil wala siyang oras at marami na siyang iniisip ngunit nabigla siya nang kumilos ito at biglang hinablot ang kwelyo niya. Wala na siyang nagawa nang halos maglapit ang mukha nila ng babaeng galit na galit sa kaniya. For a second or two he was dumbfounded at nagpakurap-kurap lang siya ng mga mata sa harap nito.
"Akin na kasi!"
Hanggang sa hindi na ito nakatiis pa at nagsimula na ulit na magsalita.
"Kanina ko pa sinasabi sa 'yo na pera ko lang ang kailangan ko." sabi nito mayamaya pa, diretso siya nitong tinignan na para bang sigurado ito sa lahat ng sinasabi nito sa kanya.
Na nasa kanya nga ang hinahanap nitong pera.
"How on earth did I owe you money? I can't remember seeing you before or owing you anything, so how sure are you of what you're saying right now?"
"Aba! At nagmamaang-maangan pa tong loko na 'to." Mahinang bulong ng babae pero rinig naman niya. Inirapan pa siya nito bago muling nagsalita.
"Look! I don't have time to play your games, just give me back my money and I'll leave you in peace."
"Miss, I don't know you and I don't owe you money as far as my memory serves me right. So why don't you just get the hell out of my room before I call the security." May halong pagbabanta na ang tono niya, maging ang pasensiya niya na maiksi na ay lalo pang umiiksi habang nakikita niya ang dalaga.
Tinignan siya nito tapos ay tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Kumilos ito upang duruin siya na lalo namang nagpairita sa kanya.
"Try me! Nakakaloka ka. Ikaw na nga tong may kasalanan ikaw pa itong malakas ang loob na magsalita ng ganyan. Ipakaladkad mo ako kung kanino mo gusto wala akong pake." pagmamatigas pa ng babae. "Ibalik mo 'yong pera ko."
Saglit na sinipat ni Gongchan ang itsura ng babaeng kanina pa sumusubok sa natitirang pasensiya niya. Mukha naman itong disente at mukha namang naiintindihan nito ang sinasabi niya pero bakit hindi niya maintindihan kung bakit nagpupumilit ito.
At kung bakit sinasabi nitong may utang siya rito.
"How many times do I have to tell you that I don't owe you anything. I don't know you, so just leave!"
"Alam mo, ayoko sa lahat yung pinaglololoko ako. Ayoko kitang kausap, baka yung kasama mo mas matino pang kausap kesa sa 'yo."
Kumilos muli ang babae at pasalampak na umupo muli sa sofa. Natigilan naman si Gongchan sa sinabi nito dahil wala naman siyang ibang kasama sa kwarto at mag-isa lang siyang nagcheck-in kanina. Ipinagtakha niya ang sinabi nito dahilan para magpalinga-linga siya sa paligid.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things