Little Things: Eighteen

93 15 28
                                    

"Hoy, Channie!"

Otomatikong napa-angat ng mukha si Gongchan habang naglalakad pabalik sa practice room ng grupo nila. Hinanap niya kung sino ang tumawag sa kanya at nakita niyang naglalakad pasalubong sa kanya si Chinee.

"Hoy?" sabi niya rito habang naglalakad pasalubong din sa dalaga.

"Bakit? May reklamo ka?" naka-angil na tanong nito sa kanya.

"Chinee, hindi porket anak ka ng may-ari ng kompanya ay pwede mo ng tawagin ng hoy ang lahat tao na makakasalubong mo. Tsaka mas matanda pa rin ako sa'yo baka lang nakakalimutan mo."

"Hala! Wag kang magfeeling, ang matanda sina Kuya Dongwoo at Jinyoung, pero ikaw? No way, isa pa ang liit lang ng agwat ng edad natin 'no."

"Mas matanda pa rin ako sa'yo, hindi ka dap-" hindi na natapos pa ni Gongchan ang sasabihin niya dahil hinawakan ni Chinee ang magkabilang pisngi niya tapos ay ibinaling pakanan at pakaliwa ang mukha na na para bang may sinisipat ito roon.

"A-anong ginagawa mo Chin?" Buong pagtatakhang tanong ni Gongchan sa dalaga. Wala siyang ideya sa kung anong ginagawa nito ng mga sandaling iyon pero isa lang ang alam niya, naguguluhan siya sa ikinikilos nito at sa ginagawa nito sa kanya.

"Tinitignan ko lang kung nasampal ka ulit." Maiksing tugon nito. "Nasaan si Jiena?"

Mabilis niyang pinalis ang kamay ni Chinee na nakahawak sa mukha niya, pagkaraan ay hinaplos ang bahaging hinawakan ng dalaga kanina. "Hindi ako nasampal ulit at umalis na siya para bumalik sa restaurant ni Jessie."

"Sayang, akala ko pa naman nasampal ka niya ulit." May panghihinayang na sabi nito sa kanya.

"Why do I have this feeling na parang gusto mong sampalin ulit ako ni Jiena?"

"If you'll act like a jerk again just like what you did before? Malamang i-cheer ko pa siya para sampalin ka." natatawang sabi ni Chinee sa kanya. Maya-maya pa ay sumeryoso ang mukha nito habang tinitignan siya. "But seriously, Channie are you really okay now?"

"Oo naman, mukha pa rin bang hindi?"

"Honestly? You look a lot better now compared before. Pero hindi pa rin namin maiwasan ang mag-alala after everything you tried to do, you know... that hurting yourself thing, doon kami natatakot." Halatang iniiwasan ni Chinee na mabanggit ang mga sensitibong bagay na nagawa niya dati pero dahil s Chinee anga ang kausap niya, alam niyang she has her way of telling him that one way or another.

Naintindihan naman ni Gongchan ang ibig nitong sabihin, alam niyang labis rin ang naging pag-aalala nito dahil sa mga nangyayari sa kanya dahil palage iyong binabanggit ni Shinwoo sa kanya. Kinuha niya ang kamay ng dalaga bago siya ngumiti rito upang bigyan ito ng assurance na ayos na siya.

"I'm fine at sinabi ko na sa inyo na hindi ko na uulitin pa ang mga iyon."

"Dapat lang, dahil kapag inulit mo pa iyon ako na mismo sasampal sa'yo para matauhan ka. O kaya sasabihan ko si Jiena na sampalin ka ulit." natatawang sabi nito sa kanya. "Eh teka, speaking of her. Bakit bigla kayong nawala kanina? Nag-away na naman ba kayo? Is it true na nakikita niya talaga si Yuri?"

"Pati ba naman iyon alam mo?" bulalas nito habang umiiling-iling. "Napakadaldal talaga ni Sandeul-hyung."

"Si Baro ang nagsabi sa akin at hindi si Sandeul, grabe ka. Kapag chismis si Sandeul agad?" pagtatama ni Chinee sa sinabi nito. Nagpatuloy siya sa pag-iling dahil sa nalaman niya. Wala talagang maitatago ang dalawang iyon kay Chinee. Palibhasa magkakasundo talaga sila

"About that," bumuntong hininga muna si Gongchan bago nagpatuloy. "I want to believe na totoo ang sinasabi niya. Na nakikita niya nga si Yuri at nakakausap. Dahil may mga tanong ako na hindi pa nasasagot at alam ko na si Yuri lang ang makakapagbigay ng mga iyon."

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon