"A-anong ibig niyong sabihin?"
Dinig ni Jiena ang boses ng isang babae na alam niya ay nasa malapit lang. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang bahagyang nakapinid na pinto sa dikalayuan.
Nilapitan niya iyon at nilaparan ang pagkakabukas noon bago tinignan kung doon ba galing ang boses ng babaeng nagsalita kanina. Mula sa kinaroroonan niya ay nakita niya ang isang lalake na sa tingin niya ay nasa lampas kwarenta na ang edad at ang isang naman ay dalagang nasa labing-pito o labing walong taong gulang, magkaharap ito habang nakaupo sa isang sofa at tila ba masinsinang nag-uusap.
"Hindi naman mangyayari ang lahat ng gusto mo ng walang kapalit, Yuriko. Sa panahon ngayon, wala ng libre sa mundo." Nakangising sabi ng isang di-katandaang lalake sa dalagang kaharap nito na ngayon ay nakilala niyang walang iba kundi si Yuri.
Hindi alam ni Jiena kung ano ang nangyayari, saglit pa ay nakita na lang niya ang sarili na nakatayo na di kalayuan sa mga ito dahilan upang malaya niyang marinig ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Nagpatuloy ang pag-uusap nila Yuri at ng lalake na para bang hindi napapansin ng mga ito na naroon siya. Sinubukan niyang tawagin ang pangalan ni Yuri ngunit hindi siya nito naririnig.
Nakita niyang ngumisi ang lalakeng kausap nito. Hindi alam ni Jiena kung bakit pero may kakaiba siyang pakiramdam sa pinag-uusapan ng dalawa. Na para bang may nagsasabi sa kanya na may mali sa paraan ng pagkausap ng lalake sa dalaga.
Napansin niyang inilibot ni Yuri ang paningin nito sa paligid at ganoon rin ang ginawa niya, bumaling-baling ang mga tingin niya hanggang sa madako iyon sa mesa hindi kalayuan sa kung nasaan sila. Nabasa niya mula roon ang pangalang SAMMY PARK at sa ilalim noon ay ang salitang CEO at sa dingding naman ay may nakalagay na SHINE Entertainment.
Muli naman niyang ibinalik ang tingin niya sa direksiyon nina Yuri at ng kausap nito, nakita niyang hinawakan ito ng lalake sa braso bago bahagyang hilahin ito papalapit. Bahagya itong nagpumiglas upang makawala sa pagkakahawak ng lalake ngunit sadyang mahigpit ang pagkakagawak nito sa dalaga kaya wala rin itong nagawa.
"A-ano pong g-ginagawa ninyo? A-ano po bang ibig niyong sabihin?"
Sa halip na sagutin ang tanong ni Yuri ay nakita ni Jiena na pagak itong tumawa bago muling tinignan ang kaharap. "You still don't get it, do you, Yuriko?"
"Pwede po bang pakidiretso na lang po ako kung anong ibig noyong sabihin, hindi ko po kasi kayo maintindihan."
May biglang hindi magandang naramdaman si Jiena pagkakita niya sa ginagawa ng lalake, pilit pa rin kasi nitong hinihila ang braso ni Yuri at iyon ang tagpong hindi niya matagalan. Parang may inis na nagsisimulang bumangon sa dibdib niya para sa lalakeng pilit na inilalapit ang sarili sa dalaga. Sinubukan niyang lumapit sa mga ito, ilang ulit na tinawag ang pangalan ni Yuri upang kuhain ang atensyon ng mga ito ngunit kahit anong tawag niya ay walang silbi.
Nagsimulang balutin ng takot ang ekspresyon ng mukha ni Yuri at kitang-kita niya iyon mula sa pwesto niya, saglit pa ay bumaling sa kanya ang tingin ng dalaga. Hindi maintindihan ni Jiena kung ano ang sumunod na nangyari, para bang bigla ay nagpalit sila ng pwesto ni Yuri dahil kamay na niya ang nakikita niyang hawak ni Sammy Park at kaharap na niya nito habang siya naman ay nakaupo sa pwestong kanina lang ay inookupa ni Yuri.
Nagpalinga-linga siya sa paligid, wala na si Yuri at tanging sila na lang ng lalakeng kaharap ang tao sa silid. Ang kaninang inis na nararamdaman ni Jiena ay napalitan ng kaba. Kaba na alam niyang ngayon ay para na sa sarili na niya.
"Nothing's free in this world, Yuriko. Lalo na sa klase ng mundong pinasukan mo at kung gusto mong tumagal, kailangan mo ng koneksyon. Kailangan mo ng mga bagay na alam nating pareho na kayang-kaya kong ibigay sa'yo."
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things