Bago pa man siya makapagsalita ay isang malakas na sampal na ang ipinadapo ni Jiena sa pisngi niya, dahilan upang mabaling ang mukha niya sa lakas ng ginawa nito. Hindi na siya nakapagsalita pa nang marinig niya ang tinig ni Jiena na halatang puno ng inis at galit.
"Para 'yan sa lahat ng sinabi mo kanina. At sana nga ay wag na tayong magkita pa."
"What?" Halos naiinis na sabi ni Gongchan nang may ilang ulit na niyang napansin na pabalik-balik ng tingin sa kanya si Sandeul, para bang nag-aalangan itong para kausapin siya.
"Ayos ka na ba talaga?" tanong nito sa kanya.
"Mukha bang hindi, Hyung?" Muli niyang tanong dito nang tila nanunukat ang mga titig ng mas nakatatandang miyembro sa kanya.
Nakabalik na siya sa Korea at nagsimula na ring magtrabaho matapos ang halos isang buwan niyang bakasyon niya sa Japan. Pinilit na niyang sumama kina Shinwoo pabalik kahit pa ang gusto ng mga ito ay maiwan pa siya at lubusin ang bakasyong binigay ng management sa kanya. Matapos ng ilang pakikipag-argumento, sa huli ay napapayag niya rin ang mga ito na isama siya pauwi.
"Seeing you now? Mukha namang mas ayos ka na ngayon kumpara noong nakalipas na tatlong buwan. I mean mas visible na maayos na ang kundisyon mo kesa noong bago ka umalis at noong nasa Japan ka."
Hindi na siya nagsalita pa, nagpatuloy na lang siya sa pagbasa ng script na gagamitin niya para sa commitment nila. May shoot sila ngayon ng commercial at eksena na niya ang kukunan kaya naman inaaral niyang maiigi ang gagawin pati ang mga linya niya.
Napaisip siya sa sinabi ni Sandeul at iyon ang napansin niya. Mas maayos na ang pakiramdam niya ngayon, kumpara no'ng mga nakalipas na buwan, mas nakakatulog na siya ng mahimbing sa gabi at nabawasan na ang masasamang panaginip niya. Hindi na rin niya madalas maramdamang kinakapos siya ng hininga lalo na sa tuwing mag-isa lamang siya.
Wala sa loob na napatingin siya sa bracelet na suot niya.
"Nasa iyo pa rin pala 'yan?" Muling basag ni Sandeul sa katahimikan nila.
Napatigil siya sa pagbabasa ng script at tinignan niya ito na sakto namang nakatingin rin sa pulsuhan niya. Tahimik nitong tinitignan ang silver na bracelet na suot niya na para bang may gusto pa itong idagdag sa sinabi nito kanina.
Tumango naman si Gongchan bilang tugon, kasabay noon ang pagbalik ng alaala niya sa kung paano napunta ang bracelet na iyon sa kanya.
"Ibalik mo yan kay Jiena, Gongchan. Alam mo naman na siguro ang dapat mong gawin, hindi ba?" Seryosong sabi ni Shinwoo sa kanya matapos nitong kunin ang isa niyang kamay at ilagay roon ang isang silver bracelet na may disenyo na bituin bilang palawit.
"Bakit ako ang kailangang magbalik nito?" Pagpoprotesta niya sa nakatatandang miyembro nang marinig ang sinabi nito.
"Sino pa ang inaasahan mong gagawa niyan?After what you did, don't you think you owe her an apology? Wag ka ng marami pang tanong and just do it," sabing muli ni Shinwoo sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang dito.
Matapos ang insidenteng nangyari sa hotel suite niya noong araw na sampalin siya ni Jiena ay hindi na niya ito nakita pa. Naalala pa niyang pinuntahan niya ito sa bahay ni Madame Shi ngunit si Momo lamang ang nadatnan niya roon.
"Momo, nasaan si ate Jiena mo?" Magiliw niyang tanong sa bata habang kausap ito.
"Wala na po siya," matipid na sabi naman nito sa kanya. "hindi na po siya babalik."
Muli niyang tinignan ang bracelet na nasa pulsuhan niya matapos maalala ang mga sinabing iyon ni Momo. Hindi na niya muling nakita pa si Jiena matapos ang nangyari noon at ang pagsampal ito sa kanya, hanggang sa makabalik na siya sa Korea, wala na siyamg naging balita pa sa dalaga kung hindi ang sinabi lang ni Momo sa kanya, na hindi na ito babalik pa.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things