-----
"Post Traumatic Stress Disorder o PTSD, iyan ang tawag sa kondisyon mo Gongchan." Mahinahong sabi ng doctor sa kanya habang nakatitig ito sa mga mata niya.
Dahil na rin sa paulit-ulit na pangungulit nina Shinwoo at Sandeul sa kanya ay nagpasya na siyang sumama rito upang magpatingin. May ilang ulit siyang kinumbinsi at kinakausap ng mga ito na magpatingin, dahil sa hindi na raw maganda ang pinapakita at kinikilos niya. Nababahala na raw ang mga ito sa kanya kaya naman bandang huli ay sumang-ayon na lamang siya.
Hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, minsan ay para siyang nakalutang o di kaya ay hindi niya alam ang mga ginagawa niya. Minsan naman ay parang may bumubulong sa kanya na mga boses at madalas ang masasamang pananigip niya lalo na tuwing gabi. May mga araw na hindi siya makatulog ng maayos ngunit inisip niyang normal iyon dahil sa trabaho niya. Hindi niya pinansin ang mga bagay na iyon at sa halip na pagtuunan ay isinawalang-bahala na lamang niya ang lahat. Hanggang sa ngayong araw.
"Anong ibig sabihin non doc? Anong PTSD?" Singit ni Shinwoo upang tanungin ang doctor na kaharap nila.
Halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala at hindi maipaliwanag ang ekspresyon nito lalo na ng marinig nila ang sinabi ng doctor sa kanya.
"As you can see he had suffered from a traumatic event in his life. And obviously, he is still suffering and experiencing the aftermath of what happened before. He is too vulnerable and anything can happen so we have to be careful." Pagsisimula nito.
Kay Shinwoo na ito nakatingin at hindi na sa kanya dahilan para lalo siyang malito sa mga sinasabi nito. Hindi niya maintindihan ang ipinapaliwanag nito sa kanila at wala ni isa sa mga sinasabi nito ang pumapasok sa utak niya.
"What was that even mean doc? What is PSTD? Gaano ito kaseryoso? Is that the reason why he is what he is lately?" Muling tanong nito.
Nanatiling tahimik lamang si Gongchan habang pinakikinggang mag-usap ang dalawang kaharap niya. Maging si Sandeul ay tahimik lang ring nakikinig ngunit bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala para sa kanya.
"PSTD or Posttraumatic Stress Disorder is one serious mental disorder. The patient who is suffering from this kind of sickness are most likely those who have undergone or witness traumatic events in the lives, that helps triggered this condition. Symptoms may include disturbing thoughts, feelings, or dreams related to the events, mental or physical distress to trauma and even alterations in how a person thinks or feels." Walang ninisang nagsalita at ang lahat ay nananatiling nakikikinig lang sa sinasabi ng doktor.
Nagpatuloy ito sa pagsasalita at pagpapaliwanag sa kanila sa kung ano nga ba ang kondisyon niya. "Base sa mga sinasabi ninyo sa akin na nakikita at napapansin ninyo sa mga kinikilos ni Gongchan, I would like to say that he is suffering from PTSD." Tumingin ito sa laptop na nasa ibabaw ng mesa nito at tila may binasa roon, tapos ay muli itong bumaling ng tingin kay Gongchan bago muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things