Maaga pa lang ay nasa restaurant na ni Jessie si Jiena. Kaharap niya ito habang nakaupo sila at ngayon ang araw para magpaalam siya ng pormal rito. Ayaw man niyang iwan ang trabaho niya sa reataurant ay hindi na niya makakaya pang pagsabayin ang pagiging intern sa LINE at ang part time job niya sa restaurant ng dalaga kaya kinailangan niyang mamili ng isa.
Nahihiya man ay nilakasan na niya ang loob niya para na rin sa pangarap niya. Desidido talaga siyang tuparin iyon para na rin sa pangarap nila ng papa niya at magagawa lang niya iyon kung makakapasok siya sa LINE bilang photographer.
"Pasensya na kung biglaan, hind-"
"Ayos lang," narinig niyang sabi nito sa kanya. Tinignan niya ito at nakita niyang nakangiti itong pabalik sa kanya. Magkahalong lungkot at panghihinyang naman ang nararamdaman niya ngunit dahil sa ideya na hindi na siya makakapagtrabaho pa sa restaurant nito ngunit alam niyang kailangan niya iyong gawin. Alam niyang malaki ang kapalit ng pagbitaw niya sa trabaho na nakakasanayan na niya at iyon ay dahil sa pangarap niya.
"A-ayos lang talaga?"
"Ang sabi ko, hindi mo na kailangan pang mag-alala. Naiintindihan ko kung bakit kailangan mong magresign at hinding-hindi kita pipigilan na gawin ang gusto mong gawin. Lalo na kung para naman sa sarili mo at sa pangarap mo." Nakangiting sabi nito sa kanya.
Nakahinga siya ng maluwag nang sabihin iyon ni Jessie, alam niya naman na mabait ito pero hindi pa rin niya inasahan na maiintindihan siya nito lalo na at alam niyang mahihirapan itong humanap ng biglaang kapalit niya.
"Sa maniwala ka at sa hindi, naiintindihan kita Jiena. Hindi lang sa parte ng trabaho o kung bakit ka nagresign kundi pati na rin sa klase ng mga pinagdadaanan mo."
"Anong ib-"
"Hindi man tayo parehas ng pinagdaanan, maniwala kang naiintindihan kita. Alam ko yung pakiramdam na hindi mo alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay sa'yo nangyayari ang lahat ng mga bagay na pinagdadaanan mo. Yung mga bagay na kahit anong tanong mo ay mahirap hanapan ng sagot."
Nanatili siyang nakatingin kay Jessie habang nagsasalita ito. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap pero dama niya ang sinseridad nito.
"Believe me when I say that Sandeul and I also had the wierdest yet craziest beginning pagdating sa relasyon namin. At naiintindihan ko kung paano maging kakaiba, kung paanong magpatuloy kahit hindi mo na maintindihan kung anong nangyayari. I was once a lost soul too, Jiena. Katulad ni Yuri."
"L-lost soul?"
Tumango ito tsaka siya nginitian bago muling magsalita. "Oo, Sandeul and I had the most unbelievable beginning, marahil ay iyon din ang dahilan kung bakit naiintindihan ka ni Sandeul. Dahil siya mismo, alam niya yung nararamdaman mo." Tapos ay naramdaman niyang hinagilap nito ang mga kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"Paano-"
"Mahabang kwento," natatawang sabi nito. baka abutin tayo ng maghapon kapag sinabi ko sa'yo ang lahat ng nangyari, but to make the story short, Sandeul and I met in the most unexpected ways at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung paanong nangyari ang lahat ng iyon."
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things