Little Things: Sixteen

90 15 29
                                    

"What makes you think you are eligible to be our official photographer? Honestly, except for the fact that you are good at capturing angles of your subject I can't see more from any of these." Isa-isa uling pinasadahan ng editor in chief ng LINE Magazine na si Mrs. Sanchez ang fortfolio ni Jiena bago ito muling tumingin sa kanya. Nabasa niya ang pagkadismaya sa mga mata nito matapos nitong tignan ang mga gawa niya at isara ang binder ng mga litratong nasa harapan nito.

"Pero hin-"

"Jiena, we are a lifestyle and showbiz magazine. We need fresh and competent ideas. No offense meant but from what I see, these photos don't have something in it. They're just pictures, nothing more." Malumanay naman ang pagkakasabi ng kausap niya ngunit ramdam ni Jiena ang mga salitang iyon na para bang mga mumunting kutsilyong tumatarak sa kaloob-looban niya.

Marahan niyang kinuha ang binder na nasa mesa, tumayo siya at nagpaalam rito tsaka umalis sa opisina ng babae. Hindi na niya kailangan pang idepensa ang sarili niya, malinaw namang hindi ito interesado na bigyan siya ng pagkakataon para patunayan ang kakayahan niya.

Hindi na siya nagsalita pa, sa halip ay marahan siyang naglakad patungo sa pintuan. Ramdam niyang nakatingin pa rin ito sa kanya ito, na para bang pinagmamasdan ang pagkabigo niya. Na tila ba hinihintay nitong magsalita siya o magmakaawa man lang na tanggapin siya. Pero hinding-hindi niya iyon gagawin. Hindi siya magmamakaawa para sa isang bagay kahit na gustung-gusto niya pa ito.

Hanggang sa makarating siya sa restaurant ni Jessie ay hindi pa rin maitago ni Jiena ang labis na pagkabalisa dahil sa pagkabigo na natanggap niya kanina. Hindi naman iyon ang unang beses na matanggihan siya ng mga pinapasukan niya, sa katunayan nga ay ilang beses na siyang na-reject noon lalo na sa mga part time jobs niya, ngunit hindi iyon kasing sakit ng rejection na naranasan niya ngayon. Iba pala ang pakiramdam ng matanggihan ka sa bagay na gustung-gusto mo mismong gawin. Hindi maipaliwanag ang sakit na ibinibigay noon sa puso niya habang iniisip pa rin niya ang mga sinabi ng editor in chief ng LINE Magazine.

'Ayos ka lang ba, Jiena?' May narinig siyang tinig sa bandang kanan niya. Alam ni Jiena na wala siyang kasama ng mga oras na iyon dahil abala ang lahat sa function na gagawin mamaya sa restaurant. Si Jessie ay kasama ang pinsan nito na siyang katulong nito sa pagpapatakbo ng restaurant habang ang ibang staff naman ay abala rin sa kani-kanila nilang ginagawa.

Tinignan niya ang tabi niya at nakita niya roon si Yuri. Katulad niya ay malungkot rin ang ekpresyon na mababasa mo sa mga mata nito, tila ba nakikisimpatya ito sa pagkabigo na nararamdaman niya.

"Wag ngayon, Yuri."

'Iniisip mo pa rin ba yung sinabi ng kausap mo kanina, 'wag mo ng intindihin pa iyon.'

"Madaling sabihin 'yan para sa'yo dahil wala ka naman sa sitwasyon ko." Wala sa loob na sabi niya rito.

'May mas malala pa ba sa sitwasyon na meron ako, Jiena?' Buong lungkot na sabi nito sa kanya. Binalingan ni Jiena ng tingin si Yuri na noon ay malamlam ang mga matang nakatitig sa kanya. Doon lang niya napagtanto ang ibig nitong sabihin, ang tinutukoy nito ay ang kagustuhan nitong makausap si Gongchan ngunit hindi nito magawa. Wala itong magawa upang makausap ang lalake dahil sa hindi pa rin siya pumapayag na gamitin nito ang katawan niya.

Gusto man niyang bawiin ang sinabi niya ay hindi na niya magawa pa. Nakaramdam siya ng guilt habang tinitignann ang ngayon ay malungkot pa ring si Yuri. Hindi niya gusto makapanakit ng damadamin ng ibang tao o sa kaso ni Yuri ay mas tamang sabihin na hindi niya gustong manakit ng damdamin ng isang multo.

Ang malas ko ata talaga, sabi niya sa sarili niya. Naisip niyang mukhang wala siyang ibang pagpipilian kundi ang kausapin si Yuri na may ilang araw na rin niyang hindi pinapansin at kinakausap matapos nitong pumasok sa katawan niya ng walang paalam noong magkasakit siya.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon