Little Things: Forty-Nine

36 3 0
                                    

"Anong ibig sabihin ng mga larawang iyan?"

Napaangat ng tingin si Jiena nang marinig ang boses ni DK na umalingawngaw sa buong opisina nila. Wala siyang kasama kanina habang tahimik na nagbabasa ng ilang article sa internet kaya naman hindi niya narinig ang pagpasok nito. Nakita na lamang niya na kasabay ng pagsasalita ni DK ay ang paglapag rin nito ng ilang mga larawan sa mesa niya.

"Are you out of your mind?" Bulalas nito sa kanya.

Hindi na siya nakatingin pa sa binata at sa halip ay napako ang tingin niya sa mga larawang marahas nitong inilapag sa mesa niya. Maging ang seryosong tono ng boses nito ay hindi rin nakaligtas sa tenga niya at agad niyang natunugang hindi maganda ang mood nito.

"S-saan mo nakuha ang mga ito?"

"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang mga iyan. Ang tanong ko ang dapat na sinasagot mo. Hindi ka pa rin ba tumitigil? You're still chasing after him?"

Ang tinutukoy niya ay si Sammy Park at ang mga larawang kuha niya mismo ang nakalapag ngayon sa mesa niya na hindi niya alam kung saan nito nakuha.

"Alam mo naman ang rason ko." Mahinang sabi niya habang sinisinop ang mga larawan ni Sammy Park na kuha niya mula sa pagsunod-sunod rito. Ang ilan sa mga iyon ay larawan nito kasama ang ilang mga batang babae na ayon sa mga nakalap niyang impormasyon ay ilan sa mga bago nitong potensyal na biktima.

"That's bullshit, Jiena. Sinabihan na kita na huwag mong lalapitan ang taong iyan. Delilado siya, pwede kang mapaha-"

"Bakit walang naglalakas ng loob na isuplong siya kung mapanganib siya? Bakit malaya pa rin siya? At bakit walang nag-iimbestiga sa mga katiwalaan niya. Kung alam na ng lahat kung anong klaseng tao siya, bakit wal-"

"Jiena,"

"Kung talagang delikado siyang tao, bakit hanggang ngayon ay malaya pa rin niyang nagagawa lahat ng gusto niya? Ilang batang babae pa ba ang dapat niyang mabiktima para kumilos tayo?"

"Maimpluwensiya siya at makapangyarihan. Marami siyang koneksyon at lahat iyon ay hindi mag-aatubili na protektahan siya sa oras na magkagipitan. Oo tama ka na marami na siyang nabiktima at posibleng nabibiktima pa pero no one dares to get him kasi alam nila kung anong klaseng tao siya. He won't back down from anything, Jiena. Lalo na sa iyo at kapag nalaman niyang ginagawa mo ito, he might go after you."

"He'd powerful and influential, kaya ba hahayaan na lang nating mang-abuso siya ng mga inosenteng tao?" Ayaw niyang makipagtalo kay DK pero hindi niya palalampasin ang mga sinasabi nito.

"This is still about Yuri, right?"

"Gusto ko lang maitama ang matagal nang mali."

"Hindi ikaw ang dapat na gumagawa niyan. Ang imbestigahan siya at kwestiyunin siya sa mga ginagawa niya, trabaho iyon ng mga pulis. Stay out of his sight, Jiena. Please!"

Halatang nagbago ang tono ng boses ni DK matapos sabihin ang mga salitang iyon.

Hindi na lang siya kumibo para matapos na ang usapan nila pero sa isip ni Jiena ay wala ang salitang pagsuko sa bokabularyo niya. She's been silently investigating everything about Dammy Park, ang mga maanomalya nitong transaksiyon at maging ang mga ilegal na aktibidad nito tulad ng human trafficking at ilang under the table na negosasyon sa iba't-ibang mga organisasyon ay nahalungkat niyang lahat.

Lalo lamang lumakas ang kutob niya na may kinalaman nga ito at ito mismo ang nag-udyok kay Yuri na kuhain ang sariling buhay nito.

"Jiena, naiintindihan mo ba ako? Pader ang binabangga mo kaya pwede ba, quit playing games and just focus on your job."

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon