Little Things: Thirty-Three

57 7 19
                                    


Natatarantang nagtungo si Jiena sa ospital na sinabi ni Sandeul. Nag-alangan pa siyang sagutin ang cellphone niya kanina sa pag-aakalang si Gongchan ang tumatawag ngunit nang mapagdesisyunan na sagutin iyon ay boses ni Sandeul ang bumungad sa kanya.

"Jiena, si G-Gongchan. Isinugod namin siya sa ospital. Pwede ka bang pumunta?" Nahalata niya agad ang pag-aala sa tono ng boses nito kaya hindi na siya nagdalawang isip pa.

"S-sige." Kasabay noon ay ang pagbangon ng hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib niya.

Mabilisp pa sa alas kwatro na iniwan niya ang mesa niya at agad na nagtungo sa ospital na sinabi ni Sandeul na pinagdalan nila kay Gongchan.

Room 415
Gong Chansik

Sapat na ang mga nabasa niya sa tinapatan niyang pintuan upang masiguro na nasa tamang silid siya. Hindi na siya nag-abalang kumatok, sa halip ay mabilis niyang pinihit ang door knob ng pintuan sa harap niya at basta na lamang binukasan iyon.

Gulat at nagtatakang mga ekspresyon ang sumalubong sa kanya. Mula sa kinaroroonan ni Jiena ay malinaw niyang nakikita ang limang lalake na halatang nagulat sa biglaang pagpasok niya ng wapang paalam.

Nakaupo niyang nakikita si Gongchan sa isang hospital bed na nasa gitna ng silid at nakadikit ang headboard sa dingding, may swero ito sa kanang kamay ngunit mailab doon ay wala na siyang iba pang napansing kakaiba rito. Nasa magkabilang gilid nito sina Baro at Sandeul samantalang sina Jinyoung at Shinwoo naman ay nakaupo sa sofa at abalang nagbabasa.

"Oh! Jiena." nakangiting bato sa kanya ni Sandeul nang makabawi ito sa pagkagulat na dala ng pagpasok niya.

Isa-isang tinignan ni Jiena ang mga tao sa silid habang marahang naglalakad papalapit sa mga ito. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkapahiya sa inasal niya kaya nag-alangan siya kung lalapitan pa niya ang mga ito.

"A-ayos ka lang ba? Bakit parang hinihingal ka?" Si Baro naman ang sumunod na nagsalita at nagtanong sa kanya, doon lamang napansin ni Jiena na hinahabol niya ang hininga niya dahil sa pagtakbo niya mula lobby hanggang sa 4th floor kung nasaan ang silid ni Gongchan.

"Tumakb- teka lang, a-anong nagyayari?"

"Ikaw ang dapat tanungin namin kung anong nangyayari? Bakit humahangos ka at hinihingal?"

"Bakit nakaupo na ang isang iyan?" sabi niya pa sabay turo kay Gongchan.

"Bawal ba akong umupo?" nagtataka namang sabi nito habang nakatingin sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang si Jiena nang mapagtanto na wala naman sa panganib si Gongchan at mukhang ayos lang ito. Pagkatapos ay tinignan niya ng masama Sandeul na patay malisya na itinuloy ang pagkain ng dragon fruits.

Tumigil lamang ito sa ginagawa nang mapansin na lahat ng tao sa silid ay nakatingin na sa kanya, "T-teka, bakit ganyan kayo makatingin?"

Kinuha nito ang plato na naglalaman ng mga nabalatan at nahiwa ng dragon fruits sa pag-aakalang kukuhanin ito ng mga katabi at saka inilapag iyon sa mesa malayo sa mga kasama. Naiiling na lang ang iba samantalang siya ay nananatiling nakatingin pa rin dito.

"Ah!" Mayamaya pa ay sabi nito na para bang may naalala. Ngumiti ito sa kanya at pinagsaklob ang mga kamay na pqrang humihingi ng pasensya.

"Bakit? Anong sinabi mo sa kanya, Sandeul?" singit ni Jinyoung nang saktong magsasalita na sana siya.

"Tinawagan ko siya para sabihing sinugod natin si Gongchan dito sa ospital, bigla na lang nawala yung linya niya kaya hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko." Nagpapaliwanag na sabi nito sa lahat.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon