Little Things: Sixty-One

68 4 0
                                    

Pwede ka nang gumising.

Pwede ka nang dumilat...

Jiena.

Jiena.

"Jiena, gising ka na? Sandali, tatawag ako ng doktor."

Ang natatarantang tinig na iyon ang namulatan ni Jiena nang magmulat siya ng mga mata. Puti, halos puro puti lamang ang nakikita niya, maging ang matinis na tunog ng kung ano man na nasa tabi niya.

Mayamaya pa ay may mga taong hindi niya kilala ang pumasok at dinaluhan siya. Kahit nanlalabo ang mga mata ay sinikap niyang kilalanin ang mga iyon ngunit nabigo lamang siya, tanging kay Miru lang ang mukhang pamilyar sa kaniya at dahil nahihilo pa ay ipinikit na lamang niya ang mga mata niya.

Kumalma na ang paligid, wala na ang mga nagkakagulong tao na kanina labg ay pinalilibutan siya. Ang naroon na lamang aybsi Miru, si Auntie Shin niya at si Momo.

"Jiena!" Mangiyak-ngiyak si Auntie Shin niya nang makita siyang nakadilat. Walang mapagsidlan ang saya nito na kulang na lang ay paliguan siya ng halik sa sobrang tuwa.

Gayundin sina Miru at Momo na malapad rin ang ngiti habang nakatingin sa kanya.

"A-ano bang nagyayari sa inyo? Para namang nanalo kayo sa lotto."

"Gaga ka, tinakot mo kaming lahat. Ang akala namin hindi ka na namin makakasama ulit."

"Ano bang pinag-"

"Kagigising mo lang, mula sa mahabang pagkakatulog mo. Tinaningan ka ng doktor mo, kapag hindi ka raw gumising within the week, we might have to give you up."

"T-teka? Mahabang pagkakatulog? Doktor? A-ano bang nagyayari?"

"Naaksidente ka, you were in coma for six months. At hindi namin alam kung kailan ka gigising, hindi rin masabi ng doktor kung kailan ka gigising. Depende daw iyon sa iyo, kaya lagi ka naming kinakausap."

"Paano akong naaksidente? Huwag mo nga akong niloloko, Miru. Nasaan si Gongchan, si Yuri ano nang nangyari sa kanya? Naparusahan na ba si Sammy Park? Kailangan siyang maparusahan para matahimik si Mariko. Kail-"

"Hep! saglit lang, anong pinagsasasabi mo? Sinong Yuri? Mariko at Sammy Park? Ang kilala ko lang sa mga nabanggit mo ay si Gongchan. At wala pa siya, mamaya pa siya pupunta." Tapos ay nagtataka itong tumingin sa kanya. "Teka, kilala mo si Gongchan?"

"Oo, bakit?"

"Paano? I mean, hindi ko alam na magkakilala na kayo noon bago ka maaksidente, hindi ko naman iyon nakwento noon."

Nagsimulang maguluhan si Jiena sa mga sinasabi ni Miru. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito, walang malinaw na pumapasok sa utak niya hindi niya maintindihan ang mga sainsabi niti dahil ang tanging naaalala niya ay ang mga alaala sa isip niya.

Si Mariko at ang kambal nitong si Yuri. Si Gongchan at ang grupo nitong B1A4 at si Sammy Park na CEO ng Sunshine Entertainment. Naaalala niyang nabanggit niya noon kay Miru ang tungkol sa mga ito kaya naman ipinagtatakha niyang hindi nito kilala ang mga nabanggit niya.

"Magpahinga ka muna, Jiena. Uuwi ko muna si Momo, babalik ako mamaya." paalam ng Auntie Shin niya sa kanya binilinan nito si Miru at lumabas na kasama ang batang si Momo.

Siya namang pasok ng isang lalakeng nakaputi na agad niyang nakilala.

"Sandeul!"

Tumango-tango lamang ang lalaki pagkarinig nito sa pagtawag na ginawa niya.

"Jiena, it's a good sign na nakakakilala ka na ng mga tao. It means that you're your body is reacting very well sa treatment at walang masyadong epekto sa iyo ang pagkakaaksidente mo. After ng therapy sessions mo, pwede ka nang umuwi."

"Huh? Kailan ka pa naging doktor at kailan ka pa ganyan magsalita?"

"Pero doktor talaga ako. Ako ang doktor mo."

Lalo lamang siyang naguluhan.

"Teka,"

"Jiena, ayos ka lang ba? Ano bang pinagsasabi mo?"

Maging si Miru ay nagaimula na ring maguluhan sa nangyayari. Sa huli ay nagkatinginan na lamang silang dalawa habang takang-taka at gulong-gulo sa isa't isa.

Nang hapon ring iyon ay kinuwento niya kay Miru ang lahat. Nakinig lamang ito at tila hindi naman makapaniwala habang nagkukwento siya. Simula umpisa hanggang matapos siya sa pinakahuling detalye. Wala siyang hindi sinabi sa kaibigan niya para malinawan ito.

"Imposible," bulalas nito sa kanya.

"Bakit?"

"Pagkatapos ng aksidente ko, hindi ka na ulit nagising, you were declared in coma. Walang Yuri, Mariko at Sammy Park akong nakilala o dumalaw sa iyo rito at ang B1A4 na kilala ko... ay ang sikat na grupo sa kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon. Wala ring Sammy Park. Kaya imposible, sobrang imposible iyang mga kinukwento mo." pahayag nito sa kanya habang halatang naguguluhan pa in sa mga sinabi niya.

"Si Gongchan, paanong nan-"

"Surprise!"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay biglang bumukas ang pintuan ng silid niya. Iniluwa noon ang isang hindi pamilyar na lalaki na noon lang niya nakita.

"Gongchan!"

Napatitig siya sa kaibigan tapos ay sa lalakeng bagong dating nang marinig ang pangalang tinawag rito ni Miru.

Pinakatitigan niya ng husto ang lalake  bago muling binalingan ng tingin si Miru na nasa harapan niya.

"G-Gongchan? Siya si Gongchan?"

"Oo, siya nga."

Hindi siya si Gongchan, iyong ang gusto niyang sabihin. Malayong-malayo iyon sa lalakeng kilala niya. Ang itsura, mga ngiti at ang pares ng mga mata. Ibang Gongchan ang nakilala niya at ang nasa harapan niya ngayon. Mas maliit ito at mas malaman ang pangangatawan, mukha naman itong mabait pero hindi kasing-amo ng mukha ng Gongchan na nakilala niya ang dating nito.

"P-paano tayo nakilala?"

"Ah, isang araw na dadalawin ko iyong kaibigan ko na na-confine dito eh napadaan ako rito sa kwarto mo. Nakabukas iying pinto at nakita kita na nakahiga habang tinatawag ang pangalan ko."

"A-ang sabi mo nasa coma ako?" Muli siyang bumaling kay Miru.

"Iyon din ang alam namin, pero nang tanungin namin si Dr. Kim ang sabi niya ay may cases daw talaga na nakakapagsalita or nakakagawa ng sounds ang pasyenteng in coma. Simula rin ng araw na iyon, pinakiusapan namin siya," sabay tingin sa lalakeng si Gongchan. "na kung pwede eh dalaw-dalawin ka."

"S-salamat,"

Sa halip na malinawan ay lalo lamang siyang naguluhan. Hindi na siya kumibo pa hanggang sa magpaalam si Miru at Gongchan. Nakiusap rin siya sa mga ito na iwan muna siyang mag-isa at iyon naman ang ginawa ng dalawa.

"Gusto kita, Jiena."

Nagdilat ng mga mata si Jiena nang marinig ang tinig na iyon ni Gongchan, ng Gongchan na nakilala niya, ng lalakeng hindi niya alam kung totoong nakilala ba niya talaga o bunga lang ng pagkakahimbing niya ng matagal.

Ilang araw pa ang lumipas, maging si Auntie Shin niya ay nagsabing wala sa mga pangalan nina Yuri at Mariko ang pamilyar rito. Maging ang Gongchan na kilala nito ay ang parehong Gongchan na ipinakilala ni Mariko sa kanya noong nakaraang araw.

Nagsimula siyang magduda kung totoo nga ba ang lahat ng napagdaanan niya. Kung totoo ba si Yuri at Mariko, maging ang Gonchan na nakilala niya. Sinasabi ng lahat na walang totoo sa mga iyon at lahat ay parte lamang ng isang mahabang panaginip na dulot ng pagkaka-coma niya.

Hanggang sa makalabas siya ng ospital at makauwi. Balik sa normal na siya, sa normal na Jiena bago pa mangyari ang lahat.

Bago pa mangyari ang mahabang panaginip niyang iyon.

Panaginip lang ba talaga iyon?

-----







Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon