Little Things: Thirty-Seven

52 7 0
                                    

Nagpabalik balik sa paglakad sa harapan niya ang isang bulto ng taong ngayon ay unti-unti niyang kinakabisa ang pigura. Pati na rin ang itsura at ang mga kilos nito ay isa-isang minememorya ni Jiena. Gusto niyang may mangyari sa sarili niyang pag-iimbestiga, gusto niyang malaman kung totoo ngang may kinalaman ito sa gusto niyang malaman. Kailangan niyang makakuha ng sagot sa lahat ng mga tanong niya at sa mga bagay na makakapagpalinaw sa lahat.

"What can I do for you?" nakangising tanong nito sa kanya, tumigil ito sa paglakad sa harap niya at umupo sa katapat niyang upuan.

Naging pamilyar na siya sa lugar na iyon, sa opisina ni Sammy Park na dalawang beses na niyang napupuntahan. Kung isasama man sa bilang ang pagkakapadpad niya sa lugar na iyon sa isa sa mga panaginip niya.

Walang halos ipinagbago ang opisina nito, naroon pa rin ang magarbong mga kagamitan na naglalarawan ng estado nito sa buhay. Mayaman at makapangyarihan, ang reputasyon nitong naghuhumiyaw at nagsasabing magagawa nito ang kahit anong naisin nitong gawin sa kahit sino man.

Naroon pa rin at nakapatong sa ibabaw ng mesa nito ang pangalan ng taong matagal na niyang gustong kausapin at tanungin. Nananatiling nakaupo si Jiena habang sinasalubong ang mga tingin ng CEO ng SUNSHINE Entertainment pabalik sa kanya.

Sammy Park, ano ang kinalaman mo sa pagkamatay ni Yuri? Anong dapat kong malaman sa iyo?

"Miss..."

"Jiena, iyon na lang po ang itawag niyo sa akin."

"Jiena, anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Mahinahon ang pagkakabanggit nito sa pangalan niya ngunit sapat na iyon upang makaramdam ng hindi maipaliwanag na kilabot si Jiena.

"N-nabanggit po kasi sa akin si opisina namin na naghahanap daw po kayo ng talents,"

"Bakit mag-aapply ka ba?" Natatawang tanong nito sa kanya. Hindi napapalis ang tingin ni Sammy Park sa dalagang si Jiena at ganoon rin ang ginagawa ng dalaga.

Huli na para umatras pa siya at ngayon niya mas higit na kailangan ang lakas ng loob na inipon niya para sa araw na ito. Kunwari ay sumabay siya sa pagtawa ni Sammy Park, kinukuha niya ang tiwala nito upang hindi siya pagdudahan at mas naging maingat siya sa mga bagay na sasabihin o isasagot niya sa matanda. Ayaw niyang ngayon pa lang ay mabulilyaso na ang plano niya.

"Gusto ko nga po sana, kaso po ay photography talaga ang hilig ko, kaya pass ho ako diyan sa alok niyo. Pero may kakilala akong kailangan ng tulong niyo."

"I thought you'd love the idea of making it big as a star. Ibang field pala ang hilig mo. I can help you with that as well, kung sasabihin mo lang na gusto mong tulungan kita."

Kunwari ay natawa si Jiena sa tinuran ni Sammy Park. Hindi pinahalata ang pagkadisgusto sa mga sinabi nito at doon niya naalala ang mga sinabi sa kanya ni DK noong tinanong niya ito tungkol sa CEO ng SUNSHINE Entertainment.

"He's not the right person to mess with. Mahirap kausap ang isang iyon at delikado kapag natipuhan ka niya. He has a reputation at hindi iyon maganda, kaya kung ako sa iyo Jiena, makinig ka at huwag kang mag-imbestiga ng sarili mo lang." Punong-puno ng pangungumbinsi ang mga sinabing iyon ni DK sa kanya.

Naaalala niya ring seryoso ang mukha nito habang pinagsasabihan siya, tanda na hindi talaga biro ang sitwasyong pinapasok niya.

"H-hindi na na ho, hindi para sa akin ang pag-aartista. May iba po akong gustong gawin, pero ang tungkol sa kaibigan ko, magagagwan niyo po ba ng paraan?"

Tila naman nag-isip ito at tinitimbang ang mga sinasabi niya, kinakabahang nanalangin si Jiena na sana ay naniniwala ito sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang ay wala naman talagang nagpapatulong sa kanya, basta na lamang niyang naisip ang ideya na iyon at nagbabakasakaling kakagatin ito ng matanda. At saka na lamang niya poproblemahin kung sino ang ipapakilala niya ritong kaibigan niya na gustong mag-artista. Ang importante sa kanya ngayon ay ang mapaniwala si Sammy Park at ang makuha ang atensyon at tiwala nito.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon