"Ang ganda diba?"
Wala sa loob na napalingon si Jiena sa pinanggalingan ng boses na narinig niya, agad naman niya itong nakilala ngunit tila ba hindi niya alam ang magiging reaksiyon niya sa pagbati nito.
Sa huli ay isang ngiti na lamang ang pinakawalan niya rito at saka niya muling ibinalik ang tingin sa kanina pa niya tinitignang mural. Nakatayo siya sa harapan nito habang tinitignan ang larawang nakapinta roon at iyon ang tagpong naabutan ni Mariko.
Papasok na sana siya sa trabaho kanina nang may bigla siyang naalaala at sa huli ay natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa tapat na ng gate ng Holy Angels Orphanage.
Sa kabila ng pagpigil sa kanya ni Miru at ni DK ay para bang may kung anong naguudyok sa kanya na alamin kung ano ba ang mga piraso ng mga alaalang nakikita niya. Kahit na ilang beses na siyang kinausap ng mga ito, lalo na ni Miru ay para bang may nagtutulak sa kanyang alamin ang lahat at magpatuloy. Gustuhin man niyang tigilan na ang nasimulan niya ay hindi niya na ito magagawa pa dahil sa mga alaala na nag-uumpisang bumalik sa isipan niya.
"Jiena, makinig ka naman. Iwasan mo na ang lugar na iyon at kapag nakita mo pang muli ang mukto ni Yuri, sabihin mong tama na. Sabihin mo na ayaw mo na at titigil ka na."
"Pero Mir-"
"You have your own life ahead of you. May maayos ka ng trabaho, wala ka ng masyadong iniintindi kaya bakit pilit mong ginagawang komplikado uyang buhay mo dahil lang sa isang multo."
"Hindi lang naman dahil kay Yuri kaya ginagawa ko ang mga bagay na ito."
"Kanino pa aber? Dahil kay Gongchan? Jusmiyo naman, Jiena. Hundi mo ba naiisip kung anong pwedeng mangyari sa iyo dahil sa mga ginagawa mo? Mapapahamak ka lang diyan,kaya tumigil ka na."
"Hindi na pwede."
"Ano bang pinaglalaban mo?"
"Wala akong pinaglalaban, guto ko lang matapos ko ang lahat ng nasimulan ko. Gusto kong tukungan si Yuri at gusto ko ring malaman ang kinalaman ng ampunan na iyon sa akin, ang koneksyon ng lugar na iyon sa akin at bakit may mga hindi ako maalala. May kutob ako pero kailangan ko munang makasiguro."
"Bahala ka, ang tigas ng ulo mo. Pero binabalaan kita, oras na mapahamak ka dail sa mga pinaggagagawa mo, ako mismo ang gagawa ng paraan para matigil na iyang kabaliwan mo."
"M-Mariko?"
Tumango lang ang katabi niyang dalaga bago bumaling sa mural na nasa harapan nilang dalawa. Tahimik rin nitong pinagmasdan ang nakapinta sa pader at titig na titig ito roon.
"Sinabi ni sister Marta na nandito ka raw kaya pinuntahan na kita. Hinahanap ka rin ni Micmic, tinatanong niya kung kailan ka ulit babalik para makipaglaro sa kanya."
Siya naman ang bumaling ng tingin kay Mariko habang ito ay nananatiling nakatitig sa mural. Kahit saang anggulo ito tignan ay naroon ang pagkakahawig nito kay Yuri, magkamukha talaga sila pero hindi niya iyon makumpirma dahil gusto niyang manggaling iyon mismo sa dalaga. Gusto niyang marinig mula rito na kapatid niya si Yuri, ang kaluluwang nakikita at humingi ng tulong sa kanya.
Hindi niya na namalayan kung gaano na siya katagal na nakatitig dito, napukaw lamang iyon nang hawakan siya ni Mariko sa balikat at doon siya tila bumalik sa reyalidad.
"Jiena, ayos ka lang ba?"
Sa halip na sumagot ay nag-iwas siya ng tingin. Maaring magkamukha nga sina Yuri at Mariko ngunit magkaiba sila ng awra, hindi maipaliwanag ni Jiena kung bakit ngunit para bang may kakaiba sa dalagang kaharap niy.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things