"May kilala ka bang Sammy Park?" Wala sa loob na tanong ni Jiena kay DK. Kasalukuyan silang nasa opisina nito at inaayos ang ilang litratong napili ng editor-in-chief nila para sa ipa-published na anniversary issue ng LINE Magazine sa susunod na buwan.
Otomatikong natigilan si DK pagkarinig nito sa tanong niya. At sa itsura pa lang nito ay alam niya na may alam ito sa kung sino ba ang lalakeng tinanong niya kanina.
"Paano mo siya nakilala? Nagakausap kayo?" nagtatakang tanong nito. Itinigil ni DK ang ginagawa at hinarap siya upang maayos silang makapag-usap. "Tell me, did he come to you too?"
"Bakit niya naman gagawin iyon? Sino ba talaga siya, DK?"
"Answer my question first," sabi nito sa kanya habang seryoso siyang tinitignan. May kakaiba sa reaksyon ni DK na siyang dahilan kung bakit napapaisip si Jiena. Bibihirang pagkakataon na nakikita niyang seryoso ang binata at ito ang isa sa mga pagkakataong iyon. Lalo tuloy tumindi ang kagustuhan niyang makilala angSammy Park na nasa panaginip niyang kasama ni Yuri.
"H-hindi, hindi ko nga siya kila-"
"That's good," putol ni DK sa lahat pa sana ng sasabihin niya. Hindi na siya nito pinatapos pahkasagot niya sa tanong nito. Muli nitong inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga larawan na para bang walang pag-uusap na naganap sa pagitan nila.
"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko."
"Tungkol saan?" Walang lingon na sabi nito sa kanya. "If you're asking about that person, 'wag ka na lang magtanong, 'wag mo ng alamin pa kung sino si Sammy Park at kung magkita man kayo at makilala mo siya, umiwas ka na lang."
"Paano ko ngang malalaman na siya iyon kung hindi ko siya kulala,"
"Huwag ng masyadong maraming tanong, Jiena." Saway nito sa kanya.
"P-pero ba-"
"He is the type of person you don't want to mess up with. Kaya wag mo nang alamin pa kung sino siya. He has a reputation at hindi maganda iyon." May himig ng pagpapaalala at pagbabanta ang boses na iyon ni DK. Lalo namang nabubuo sa isip ni Jiena ang isang hinala ngunit kailangan niyang makasigurado. Kailangan niyang makasiguro na tama ang iniisip niya.
Nang hapong iyon ay pinasya niyang dalawin si Jessie sa restaurant nito. Matapos niyang umalis para magtrabaho sa LINE ay iyon ang unang beses na pupuntahan niya ang dalaga na hindi niya maipagkakailang naging malapit na rin ito sa kanya. Mabait si Jessie at ni minsan ay hindi nito pinaramdam sa kanya na empleyado lang siya nito. Naramdaman niya lalo ang sinseridad nito sa kanya nang makapag-usap sila bago siya umalis sa restaurant, kaya naman hindi niya maiwasan ang hangaan ito.
Si Jill lang ang nadatnan niyang tao roon pagdating niya, may kausap itong tila ba pamilyar sa kanya at maya maya pa ay sabay itong bumaling sa direkasyon niya. Ngumiti si Jill at ang kasama nito pagkakita sa kanya, wala sa loob na napangiti na rin siya. Tama ang hinala niyang pamikyar ang lalakeng kausap ni Jill at wala iyong iba kundi si Hongbin.
"Jiena, napadalaw ka?" masayang bati sa kanya ng dalaga. Niyaya siya nitong umupo sa bar counter, katabi ng stool na inuupuan ni Hongbin. Naupo siya sa tabi ng binata na ngayon ay umiinom ng orange juice mula sa baso sa harap nito.
"Kakamustahin ko sana si Jessie. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita, nandiyan ba siya?"
Bago pa man makapagsalita si Jill ay sumabad na si Hongbin at nakisali sa usapan nila. "If you're here to see her you might want to come with me. May dinner sa restaurant ni Sandeul at naroon ngayon si Jessie pati na rin ang iba pa. I'm sure they'll be happy to see you." Nakangiting sabi nito sa kanya.
"Huh?" Gulat na sabi niya sa pagyaya nito sa kanya. Kung may isang bagay man siyang kinatutuwa sa lalakeng kausap niya ay iyon ang nakakahawa nitong ngiti pati na rin ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Katulad pa rin iyon noong unang beses na magkakilala at magkita sila matapos siya nitong tulungan na magdistribute ng pagkain sa isang shoot ng B1A4. Kahit iyon ang unang beses na pagkikita nila at nalaman niyang sikat na singer din ito ay hindi niya ito nakitaan ng kahit anong yabang.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things