Little Things: Five

165 29 110
                                    

Kasalukuyan nakaupo si Gongchan pati na rin ang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan. May ilang beses na silang nagtatagpo ng babaeng katabi niya pero hindi niya man lang alam ang pangalan nito. Ang tanging alam lang niya tungkol dito ay ang pagiging maingay nito at ang hanggang ngayon ay ang ginagawa nitong pagsingil ng pera sa kanya.

"Hindi mo pa rin ba ako babayaran?" Mahinahong sabi nito sa kanya. Tila nagsawa na itong bulyaw bulyawan siya katulad noong ginawa nito sa silid niya noong isang araw. Nakita niya pang bumuntong hininga ito na tila ba nawawalan na ng pag-asa na makasingil sa kanya.

"Miss, una sa lah-"

"Jiena, yun ang pangalan ko." Sabi nito sa kanya. Ni hindi siya nito tinignan at nanatili na nakatingin sa ibang direksyon. 

"Okay fine. Jiena na kung Jiena," sabi niya rito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong pagkakautang sa'yo. Hindi kita kilala at noong nagpupumilit kang singilin ako sa kwarto ko sa hotel na tinutuluyan ko ay iyon ang unang beses na nakita kita." pumihit siyang paharap dito upang tignan ito at kausapin habang nakatitig sa mga mata ng babae.

"So please lang, tigilan mo na ang kakasingil sa akin. Okay?" Maging siya ay nauubusan na rin ng natitirang pagtitimpi para sa babaeng ngayon lamang niya nakita.

Bakasyon niya ito, dapat ay namamasyal at namamahinga siya ngunit kabaliktaran ang nagyayari sa kanya dahil sa babaeng katabi niya ngayon. Ilang araw na rin siyang hindi matahimik dahil sa iniisip pa rin niya ang lahat ng sinabi ni Madam Shi sa kanya.

Gulong gulo na pati utak niya, naisip niyang kung pinayagan lamang siyang umuwi nila Shinwoo at Sandeul matapos niya itong kausapin ay hindi na niya dadanasin pa ang ganito. Hindi na niya pagtitiisan pang makita ito na ginugulo siya halos araw-araw.

Muli ay narinig niya itong bumuntong hininga.

"Wala ka talagang balak na bayaran ako." mahinang bulong nito.

Hindi niya alam kung bakit pero parang malungkot ang mga mata nito, maging ang boses nito ay kanina pa mahinahon. Iba sa nakasanayan niyang palaging pasigaw na pagkausap nito sa kanya. Ilang araw pa lamang silang nagkakakilala pero para bang hindi siya sanay na mahinahon siyang kinakausap ng dalaga. Na hindi ito sumisigaw habang kausap siya.

"Anong sinabi mo?"

"Wala! Aalis na ako. Wala naman akong mapapala sa 'yo." Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kahoy na bench na kinauupuan nilang pareho.

Akma na sana itong aalis at hindi na muling nagsalita pa nang pigilan niya ito at hawakan sa isa nitong braso. Mabilis niyang napansin ang napakababa nitong enerhiya mula pa kanina, maging ang pagiging tahimik nito ay hindi rin maipagkakaila habang nakaupo sila sa isang upuan na nasa tahimik na bahagi ng isang park. Nagsimula na namang magulo ang isip niya matapos nilang magkausap ni Madame Shi.

Nagpasya siya na magtungo sa bahay nito upang linawin sana ang mga nauna nitong sinabi ngunit sa huli ay kabaliktaran lamang ang naging resulta ng ginawa niyang iyon. Imbes mabawasan ay lalo lamang nadagdagan ang pagkalito sa isip niya.

Matapos nitong sabihin sa kanya na si Jiena ang susi sa lahat ng mga alalahanin niya ay hindi na natigil ang pagtakbo ng kung anu-anong isipin sa utak niya.

Natigilan si Gongchan habang pinagmamasdan ang babaeng ngayon ay hawak niya na sa kamay. Nakatingin naman ito sa kanya at mukhang pinatatakhan ang ginawa niyang pagpigil sa pag-alis nito. May ilang saglit din na nagtama ang kanilang mga mata, bigla ay tila nawala ang lahat ng tao sa paligid nila ng mga sandaling iyon at para bang sila lang ang nasa lugar, na sila lamang dalawa ang magkasamang nasa Park.

Hanggang sa ilang malalakas na pagbusina ang narinig niya. Napalingon si Gongchan sa direksyong pinanggagalingan ng tunog na naririnig niya. Matinis iyon at nanunuot sa tenga niya habang papalapit ng papalapit sa kinaroroonan nila. Maagap ang naging pagkilos ni Gongchan lalo na nang makita niya ang isang bisikleta na mabilis na umaandar papalapit sa kanilang dalawa ni Jiena.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon