Epilogue

132 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang ilang araw hanggang sa maging ang mga buwan ay tila ba 'sing bilis lang nito na nagpapalit. Tuluyan nang nabalik sa normal ang buhay niya na kahit siya ay hindi na rin matandaan kung iyon ba talaga ang dating buhay niya.

Kung iyon ba talaga ang buhay na meron siya.

Sa kabila ng lahat ay pinili niyang magpatuloy, marami pa ring tanong sa isip niya pero mas pinili niya ang umusad, ang magpatuloy. Tulad ng nakwento sa kanya nina Miru at Auntie Shin niya ilang araw matapos niyang magising, ay itinuloy niya ang naudlot niyang plano, nag-apply siya bilang photographer sa isang magazine.

Hindi naman nagtagal ay natanggap siya rito at nakilala doon si...

"DK, and I supposed you know what to do?"

"Huh?" ang DK na iyon ay ang parehong DK na nakilala niya noon sa sinasabi ni Miru na mahabang panaginip niya.

"I mean, na-orient ka na naman siguro ni Milly ng nga gagawin mo? We'll have a photoshoot today and you'll be my assistant. Okay kanlang ba doon?"

"O-oo, ayos lang iyon sa akin."

Matapos siya nitong kausapin at i-brief sa mga dapat niyang gawin ay nagtungo na sila sa location ng photoshoot nila. Wala siyang alam sa unang project niyang iyon maliban sa isang grupo ng mga singer mula sa isang sikat na agency ang kukunan nila. Para iyon sa anniversary issue ng magazine nila at ang naturang grupo ang magko-cover rito.

Outdoor ang location ng photoshoot nila at bilang assistant si DK ay abala siyang tumutulong sa staff nila upang ayusin ang mga gamit nito.

"Jiena, akin na iyong isang camera. Mali itong nakuha ko." Malakas na sabi nito dahil nasa kabilang side sila ng location. Agad niyang kinuha ang tamang camera na pinapakuha nito at hinatid iyon sa binata, hindi pa siya tuluyang nakakalapit dito ay napahinto na siya nang makita ang lalakeng kasalukuyan nitong kinukunan, muntin na niyang mabitawan ang camera na hawak niya, mabuti na lamang at mabilis na nakalapit si DK sa kanya at sinalo iyon.

"Ayos ka lang? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong lalake?" nanunuksong sabi nito sa kanya.

Tinitigan niya nang husto ang lalake bago mabilis na nag-iwas ng tingin matapos itong bumaling sa gawi niya.
Mabikis siyang naglakad papalayo habang sapo ang dibdib niya dahil sa kaba.

Imposible...

Imposible, Jiena.

Natapos ang photoshoot nang hindi na siya nagtangka pang lumapit kay DK at sa limang lalakeng kinukunan nito.

Parang mga mukto ito at aprisyon sa paningin niya, sa loob ng ilang buwan na pilit niyang kinalimutan ang mga nangyari sa panaginip niya ay ito naman at isa-isa nang nagkakatotoo at isa-isa niyang nakikilala ang mga taong naroon.

Una si DK, tapos ang buong B1A4, si Gongchan.

Siya nga ba? Siya nga ba talaga, Jiena? O pinaglalaruan ka na naman ng isip mo.

"Jiena,"

Natigilan siya sa ginagawa niyang pag-aayosnng gamit nila. Hindi siya maaring magkamali, kilala niya kung kanino ang boses na iyon. Hinarap niya ito habang pinipigilan ang sarili na salubungin ito ng yakap.

Sa loob ng ilang buwan matapos niyang magising ay ipinaintindi sa kanya nina Miru na hindi totoo ang lahatnng nagyari at panaginip lamang ang lahat ng iyon. Natutunan niyang tanggapin ang katotohanan na wala talagang totoo sa lahat ng nangyari hanggang sa dumating ang araw na ito.

Nakatayo sa harapan niya ang binatang natutunan na niya ituring na espesyal kung saan mang mundo sila nagkakilala. Ang lalakeng nagparamdam sa kanya na pwede kang magmahal anumang oras o kahit sino pa.

Ang binatang hindi na niya magawang kalimutan kahit pa sinasabi ng lahat na hindi siya totoo.

"Kilala mo ako?"

"Nabanggit ni DK sa akin na may bago siyang assistant, sinabi niya ang pangalan mo at pamilyar iyon sa akin kaya minabuti kong lapitan ka." sabi nito sa kanya habang hindi napapalis ang tingin mula ng magtama ang mga mata nila.

"It's you."

"A-anong ib-"

"Mabuti at nagkita tayo, I've been wanting to see you."

"A-anong ib-"

Bago pa siya matapos sa tanong niya ay hinapit na siya nito payakap, eliminating the space between them.

"Hi."

"H-hello."

At wala nang iba pang salita ang lumabas sa kanilang dalawa. Sapat na ang yakap na iyon para maintindihin niya ang lahat. Para ma-realize niya.

Hindi man totoo ang lahat ng nangyati, isa lang ang alam ko, na sa puso ko...

alam kong totoo siya.

-----

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon