Little Things: Thirty-Eight

47 3 2
                                    


"Hija, napadalaw ka ulit?" Masayang bati sa kanya ni sister Marta nang makita siya nitong nakaupo sa sofa ng waiting room.

Napagmasdan niyang muli ang maaliwalas nitong mukha na animo'y palaging nang-iimbita, na para bang palagi kang welcome tuwing makikita ka niya.

"O-opo. M-may gusto lang po akong itanong, kung ayos lang."

Umupo ang madre sa tabi niya at saka inilapag ang baso ng juice na dala nito para sa kanya. Lalo lamang nabuo sa isipan niya ang ideya na noong isang gabi lamang niya naaalala. Pinakatitigan ni Jiena ang mukha ni sister Marta, mula sa isipan niya ay para bang bumabalik ang lahat ng mga bagay na matagal nang nangyari sa kanya. Mga bagay na pansamantala niyang nalimutan at ngayon ay unti-unting nagmumulat sa kanya.

"May... may nakilala po ba kayong Linda Shin nuon na nag-ampon ng isang bata na nanggaling dito mismo sa ampunang ito?"

Saglit na natigilan ang madre nang marinig ang tanong niya, nag-isip ito saglit at tila ba pilit na inaalala ang pangalang binanggit niya. Naghintay siya at tiniis ang antisipasyon sa isasagot nito. Kung maaalala pa ni sister Marta ang mismong pangyayaring tinatanong niya rito ay tatama ang lahat ng nasa isip ni Jiena.

Matapos ng ilang sandali ay binalingan siya nito at saka siya tinitigan sa mga mata. Alam na niya kung ano ang sagot base sa ekspresyon ng mga mata nito ngunit gusto niyang makasiguro, uulitin pa sana niyang muli ang tanong nang magsalita itong bigla.

"Linda Shin? May ginang noon na nag-ampon ng isang batang babae mula sa ampunang ito, ang huling balita ko ay nasa Japan na siya naninirahan kasama ang batang iyon na ang pangalan ay..."

"Jiena Kim,"

"T-tama. Jiena Kim nga, sampung taong gulang lamang ang ang kawawang paslit na iyon nang iwan siya ng tiyahin niya rito. Tahimik at madalas ay walang imik, gustong laging nag-iisa. Teka hija," natigilan si sister Marta nang tila ba naiisip nito ang pamilyar na pangalan ng batang binanggit nito kanina. "Jiena rin ang pangalan mo hindi ba? Huwag kong sabihing i-ikaw ang batang iyon?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay iniabot rito ang isang brown envelop, kinuha iyon ng madre mula sa kanya at agad na binuksan. Lalo namang nagulat ito nang makita ang papel na inilabas nito mula roon. Mga records at papeles ng opisyal na pag-ampon sa kanya ni Madame Shin. Bagay na ito mismo ang nagpadala mula sa Japan nang hingin niya ang kopya nito.

"I-imposible,"

"S-sister,"

"I-ikaw na si Jiena?"

Marahan siyang tumango upang tugunin ito. Inaasahan niya na malalaman niya ang totoo at makukumpirma ang hinala niya ngunit hindi niya inasahan ang mararamdaman niya. Para bang may isang bahagi niya ang nabuksan sa pagkakaalala niya sa bahaging iyon ng buhay niya.

Sa bahaging kahit siya ay hindi na niya maalala.

Huli na nang maisip mapagtanto niya ang nangyari pagkatapos. Naramdaman na lamang niya na mahigpit na siyang yakap ni sister Marta. Isang pamokyar na yakap na huli niyang naramdaman noong sampung taong gulang pa lamang siya.

"Hija,"

"S-sister,"

"Ang laki mo na," kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi niya. Maluha-luha siya nitong pinagmasdan habang ang mukha ay may ekpresyon na hindi pa rin makapaniwalang nagkita silang muling dalawa. "Bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Sister, hindi ko po alam kung anong nanagyari. Kung paano kong nakalimutan ang lugar na ito at na minsan ay naging bahagi ako nito."

"Papaanong mo-"

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon