"Mabuti naman at naabutan kita."
Ang nakangiting mukha ni Hongbin ang nabungaran ni Jiena paglabas niya ng LINE Magazine building, nakasandal ito sa pula nitong kotse habang nakangiting nakatingin sa kanya na para bang kanina pa nito inaabangan ang paglabas niya.
"A-anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya gayong wala naman itong abiso na pupuntahan siya nito para makipagkita.
Noong araw na iniligtas siya nito sa muntikan na niyang pagkakasagasa at ihatid siya nito sa bahay nila ni Miru ay kinuha nito ang number niya. Binigay niya naman iyon dahil na rin sa hindi na ibang tao si Hongbin sa kanya at dahil na rin sa utang na loob niya rito.
"Nagyayaya sina Sandeul-hyung at Jessie sa restaurant nila. Send off party para kay Shinwoo-hyung bago siya pumasok sa army next week. I offered to fetch you dahil sigurado akong hindi ka na naman pupunta kung ikaw lang mag-isa."
Naalala niyang bigla ang text ni Jessie sa kanya kaninang tanghali tungkol sa dinner na gagawin sa restaurant ni Sandeul. Smilling face lang ang nireply niya rito at ganoon rin ang isinagot nito sa kanya. Pero tama si Hongbin, marahil kung siya lang mag-isa ay mag-aalangan siyang magpunta dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya sa mga ito.
"Let's go?" kumilos si Hongbin upang buksan ang pintuan sa passanger's seat na sinasandalan nito kanina, niluwagan pa nito ang pagkakabukas noon at inilahad ang kamay upang anyayahan siyang pumasok doon.
Tumalima siya at sumunod tapos ay ito naman ang umikot sa gawi ng driver's seat. Sumakay ito roon ngunit bago pa tuluyang paandarin ang sasakyan ay tinulungan muna siyang ikabit ang seatbelt niya. Bahagyang kimabahan si Jiena nang mapagtanto niyang malapit lamang ang pagitan nilang dalawa, wala siyang nagawa kung hindi ang umiwas ng tingin. Mabilis namang naayos ni Hongbin ang seatbelt niya, ngumiti pa ito matapos umayos ng pagkakaupo at sinimulang paganahin ang makina ng kotse nito.
Wala nang nasabi si Jiena at naging tahimik lamang siya sa buong biyahe, mabuti na lamang at labinglimang minuto lamang ang itinagal noon at mabilis silang nakarating sa restaurant ni Sandeul.
Nang makapasok ay agad siyang nakita ni Jessie, nilapitan siya nito at hinila papunta sa mesa kung saan ito naroon kanina, hindi pa sila tapos na magdekorasyon. Ayon dito ay alas siete pa naman sila magsisimula, manggagaling pa sa WM sina Shinwoo at Gongchan kaya naman si Sandeul lang ang katulong nitong nag-aasikaso para sa okasyon.
"Mabuti naman at maaga kayo, may makakatulong kami ni Jessie." nalingunan ni Hongbin si Sandeul sa likuran na kalalabas lang ng opisina nito. Nikapitan siya nito at inakbayan habang sabay nilang tinitignan sina Jessie at Jiena na nag-uusap sa mesa hindi kalayuan sa pwesto nila.
"Nasaan ang iba?"
Imbis na sagutin ay may rumehistrong lungkot sa mukha ni Sandeul at hindi iyon nakaligtas sa kanya, doon lang niya naalala na recently ay ini-announce na ang pag-alis nina Jinyoung at Baro sa WM. Bigla siyang nakaramdam ng lagka-guilty dahil doon. "P-pasensya na hyung, nawala sa is-"
"Ayos lang," nakangiting sabi nito sa kanya sabay tapik sa balikat niya. "Kahit kami, hindi rin naman makapaniwala na we would end up like this."
"May dahilan naman siguro kung bakit nangyari ang lahat ng iyon, but still I do understand where you're coming from. I mean, If that happens to us baka malungkot din ako nang husto." May halong pakikisimpatya ang tono ni Hongbin habang sinasabi iyon kay Sandeul.
Alam niya kung anong klaseng samahan ang meron ang mga ito at ni sa hinagap ay maiisip niya na darating ang araw na maghihiwa-hiwalay ang grupong malapit na rin sa puso niya.
"Enough about that," mayamaya pa ay muling sumigla ang boses ni Sandeul tulad nang kung paano talaga ito makipag-usap. "Ikaw? How are you?"
"Ayos lang naman ako," nakangiting sabi niya sabay tingin sa gawi nina Jessie at Jiena.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things