Little Things: Eleven

102 17 35
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Gongchan sa nakikita niya, nasa harapan niya si Jiena. Totoong nakikita niya ang dalaga.

Pero bakit?

Anong ginagawa niya sa lugar na ito?

Iyan ang mga tanong na nasa isip niya habang nakatitig dito.

A part of him wanted to ask her those questions but a bigger part of him wanted to approach her and apologised to her for what happened three months ago. Pero paano niya pa magagawa 'yon kung mabilis siya nitong tinalikuran at nilayasan na para bang may nakakahawa siyang sakit.

Na parang hindi siya nito kilala.

Nakarating na si Gongchan kung nasaan ang ibang miyembro ng grupo nila, may naka-schedule silang fan meeting at siniguro niya sa mga ito na makakarating siya. Habang nakaupo at naghihintay na tawagin sila sa stage ay hindi niya maiwasan ang mapaisip.

Sigurado si Gongchan na nakita siya ni Jiena, at nakikilala siya nito. Halata iyon sa klase ng tingin na ibinato nito sa kanya bago ito umalis kanina, ang nakakapagtaka lang ay kung bakit bigla itong lumayo nang makita siya. Ang plano niyang kausapin ito ay tila ba nawala dahil mabilis itong naglaho sa paningin niya. Habang kausap niya sina Baro at Sandeul ay sinabi niya sa mga ito na nakita niya si Jienna maging ang ginawa nitong pag-iwas sa kanya.

"Nagtanong ka pa talaga kung bakit nilayasan ka niya kanina, Gongchan?" natatawang tanong ni Baro sa kanya habang nakaupo sila sa harap ng salamin sa dressing room nila. "Ang alam ko ay PTSD ang sakit mo at hindi amnesia, how come nakalimutan mo kung bakit ganoon sa'yo si Jiena?"

"Have you forgotten what you did the last time you saw each other?" Si Sandeul naman ang nagsalita, alam niya ang ibig nitong sabihin.

Ang tinutukoy nila Sandeul at Baro ay ang mga huling salitang binitiwan niya na narinig ng dalaga noong huling magkita sila.

"Bakit Gongchan? Are you expecting her to hug you or give you a kiss once na magkita ulit kayo? Kung ako nga si Jiena, baka nasampal pa ulit kita eh." natatawang dugtong ni Sandeul, nakita pa niyang nag-apir ang dalawang kaharap tanda ng pang-aasar sa kanya.

Sa halip na sumagot ay hindi na lang niya pinansin ang pang-aalaska sa kanya ng mga ito, sa halip ay minabuti niyang iwan ang dalawa para puntahan sina Jinyoung at Shinwoo. Nasa backstage na ang mga ito at naghahanda na dahil anumang oras ay maaari na silang tawagin.

Ilang oras ang lumipas at natapos ang fan meeting nila ng bandang alas-sais ng gabi. Marami pa ring fans nila ang nagpunta kahit na sobrang lamig ng panahon at iyon ang pinagpapasalamat nilang lima. Ang dami na ng pinagdaanan nilang lima ay nananatili pa rin sa tabi nila ang mga tagahanga nila na hindi sila iniiwanan. Kahit anong pagkakamali ang gawin nila ay nandiyan pa rin ang mga ito at handa silang suportahan.

Nagkamali noon si Baro dahil sa eskandalong kinasangkutan nito, ni Yesha at ni Kalih ngunit hindi iyon naging dahilan para magbago ang mga ito. Noong nakaraang taon naman ay siya naman ang sinubok dahil sa nangyari kay Yuri na hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya.

Akala niya ay matatapos na nag lahat para sa kanya but his fans and their letters somehow encourage him to continue. They never left his side kahit pa noong pinagbintangan siya ng ilang reporters na siyang dahilan ng pagpapakamatay ng dalaga.

"Ayos ka lang ba?" Kasabay ng mga salitang iyon ay ang paghawak ni Shinwoo sa mga balikat niya. Tinignan niya ito bago ngumiti at tumango.

"Hyung, ilang ulit mo nang tinatanong sa akin yan ngayong araw. Pati sila Baro at Sandeu-Hyung ay ganon din," tukoy niya sa iba pang miyembro na abala sa pag-aayos ng gamit nila. "Okay lang ako. Ayos na ako kaya wag na kayong mag-alala."

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon