"Hello Jiena."
Napalingon na lang siya ng marinig ang masayang bati sa kanya si DK. Pagkakita niya sa maaliwalas nitong mukha ay hindi na niya naiwasan pa ang mapangiti pabalik dito. Simula noong una silang magkita hanggang sa ngayon na araw-araw niya itong kasama ay palagi itong nakangiti. Na para bang wala man lang itong iniindang problema. Minsan nga ay naisip niyang tanungin ito dahil parang ang gaan lang ng buhay para sa kanya.
"H-hello." Pabalik na bati niya sa bagong dating na si DK. Paupo pa lang ito sa upuan nito di kalayuan sa kinauuouan niya nang mapahinto ito upang tignan siya.
Nagtatakang tinanong niya ito kasabay ng pagseryoso ng ekspresyon nito bago muling ngumiti. Mananahimik na sana siya ngunit narinig niya itong nagsalita na siya namang nakakuha ng atensyon niya.
"May kakaiba sa'yo." Maya-maya pa ay sabi nito. Itinuloy ng binata ang naudlot nitong pag-upo ngunit hindi nito inalis ang tingin sa kanya.
"M-may problema ba?"
"Tell me the truth, Jiena. I want you to be honest with me," sabi nito sa kanya habang seryoso siyang tinignan. "Nakakakita ka ba ng mga kaluluwa?"
Naubo siya at tila nasamid ng marinig ang tanong ni DK. Eksakto kasing painom siya ng tubig nang magtanong ito, pinilit niyang lunukin ang tubig bago pa niya ito maibuga at saka niya ito nagtatakang tinignan. Tinignan niya si DK na para bang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin nito.
"You can see things that not everybody can see, am I right?" Seryosong sabi nito.
Nagtataka niyang muling tinignan si DK kasabay ng pagkunot ng noo niya. Sinikap niyang ibahin ang usapan sa pamamagitan ng pag-iba niya ng topic ngunit pilit namang ibinabalik ni DK ang usapan tungkol sa tanong nito kanina.
"Tell me, tama ako hindi ba?"
Tingin lang ang isinagot niya rito. May ilang ulit pang muli niyang iniligaw ang usapan nila ngunit mukhang disedido si DK na masagot niya ang tanong nito sa kanya. Ang kanina kasing nakangiting mga mata nito ay napalitan ng pagkaseryoso, maging ang mga ngiti nito ay napalis nang simulan nitong alamin ang tungkol sa gusto nitong malaman.
Dahil na rin sa pagiging pursigido ng binata ay wala na siyang nagawa pa kundi ang harapin ito at sagutin ang tanong nito kanina. Isinarado niya ang laptop niya kung saan naroon ang mga sample ng larawan na kuha nila noong shoot ng B1A4, ang mga larawang iyon ang ipapasa nila sa Editor-In-Chief upang pagpilian ng kung ano ang ilalagay nila sa magazine issue ng grupo sa susunod na buwan.
Huminga pa siya ng malalim bago harapin si DK na halata namang naghihintay na sa isasagot niya. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kanya na bihira nitong gawin. Kadalasan kasi ay maloko ito tuwing mag-uusap sila, sa loob ng sandaling panahon ay ni hindi sila nag-usap nito ng kasing seryoso katulad ng kung paano sila mag-usap ngayon. Mukhang wala na siyang magagawa pa kundi ang sagutin ito.
"T-tama ka," mahinang sabi niya rito.
"Tama ako saan?"
"Sa sinabi mo na nakakakita ako ng kaluluwa, na hindi lang basta ordinaryo ang kakayahan ko. Tama ang lahat ng iyon."
"Alam ko," deklara nito.
"Paa-"
"Madalas kong makita na may kasama kang babae. Day one pa lang, nakita ko nang kasama mo siya."
"N-nakikita mo si Y-Yuri?"
Sa halip na sumagot ay tumango lang ito. Hindi niya alam ang magiging reaksiyon niya mula sa nalaman niya kay DK. Bukod sa kanya ay wala na siyang iba pang kilalang nakakakita kay Yuri, kahit pa nga si Gongchan na nakakausap lang nito sa tuwing papasok sa katawan niya ang dalaga ay hindi rin ito nakikita kaya ganoon na lang ang oagkagulat niya nang sabihin ni DK ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things