"Sigurado ka bang kaya mo na? Ang sabi ng doctor ay hindi mo naman kailangan lumabas kaagad. Magpahinga ka hangga't maka-recover ka." panay ang awat ni Miru sa kanya dahil sa pagpupumilit niyang makalabas na ng ospital.
Mag-tatatlong araw na buhat nang magising siya matapos ang aksidenteng kinasangkutan niya na hindi pa rin niya alam kung paano nangyari. Hindi pa rin malinaw sa kanya kung paano siyang nakalabas sa lugar kung saan siya dinala ng mga kumuha sa kanya, maging kung paano siya nakatakas sa mga ito. Wala siyang matandaan sa kung paano siyang na-hit and run ganoon rin sa kung paano siya nakarating sa ospital.
Naghilom na rin ang ilang mga pasa niya at tanging ang sugat na lang niya sa noo ang tanging iniinda kaya naman lalong lumakas ang kagustuhan niyang lumabas na ng ospital.
"Okay na ako, lalo lang akong naghihina kapag nandito ako." pagmamatigas niya kay Miru.
Panay naman ang pigil nito sa kanya na hinarangan pa ang dadaanan niya upang pigilan siya sa gusto niyang gawin. Ngunit sa huli ay hindi na siya nagpaawat pa. Nasa ganoon silang tagpo nang abutan sila ni Gongchan na kapapasok lang ng pinto at may dalang paper bag mula sa restaurant ni Sandeul.
"Anong nangyayari rito?" nagtatakhang tanong nito habang inilalapag ang mga dala sa mesa na di kalayuan sa kamay niya.
"Mabuti naman at dumating ka, kausapin mo iyang babaeng iyan. Nagpupumilit na lumabas kahit na wala pang sinasabi ang doctor." Sabi ni Miru kay Gongchan at saka ito dumiretso sa may pintuan.
"Saan ka pupunta?" Habol naman ni Jiena sa kaibigan.
"Magpapahangin, naii-stress na ako sa iyo." Iyon lamang at tuyan na nitongbisinara ang pintuan pagkalabas doon.
Tinignan ni Gongchan ang dalaga na wala namang nagawa kung hindi ang muling sumalampak paupo sa kama nito. Wala sa loob na nilapitan niya si Jiena at saka mabilis na niyakap ang dalaga na siya namang ikinagulat ng huli.
"B-bakit?"
"Akala ko nawala ka na, akala ko mawawala ka rin sa akin. N-natakot ako, natakot akong baka ma-"
Nanginginig ang boses niya maging ang mga kamay niya humahaplos sa sa likod ng dalaga. Nanariwa sa isip niya iyong unang beses na makita niya si Jiena matapos itong isugod sa ospital. Ang alaala ng duguan at nanghihina nitong katawan ay nagdudulot pa rin sa kanya ng hindi magandang pakiramdam. Ang tagpong iyon kung saan wala siyang magawa para tulungan ang dalaga ay lalo lamang nagpapabigat sa kalooban niya kahit pa ngayon maayos na ito.
"I'm sorry," paghingi ng paumanhin ni Jiena nang marahil ay maramdaman nito ang panginginig niya.
Umiling siya at saka ito binitawan, pinagpantay niya ang mga mukha nila at naupo siya sa kama paharap dito, malungkot ang mga matang tinitigan ang mukha ni Jiena na kahit pa nakapagpahinga na ay mukha pa ring hapo at pagod.
"Dito ka muna at magpahinga para makabawi ka." nakikiusap ang tono ng boses niya.
Kilala niya si Jiena at alam niya kung gaano katigas ang ulo nito, pero.kailangan niyang pigilan ito sa balak nitong umuwi lalo na ngayon na hindi pa nahuhuli ang may gawa ng pagkaka-aksidente nito.
"Hindi ako pwedeng manatili na lamang dito. Marami pa akong kailan-"
"Mas importante pa sa kaligtasan mo?"
Natigilan ito nang bahagyang tumaas ang boses niya. Agad naman niyang binawi iyon at sinubukan huminahon para hindi matakot ang dalaga.
"M-may kutob ako kung sino ang may gawa nito sa akin."
"Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang iniisip mo? Believe me, noong unang araw pa lang na makita ka namin pagkatapos mong dalhin dito ay ginusto ko nang sugurin 'yong taong iniisip kong gumawa sa iyo nito, pero hindi ko ginawa."
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things