Little Things: Twenty-Three

82 12 33
                                    

"Ayos ka lang ba?"

Tuluyang natigil ang malalim na pag-iisip ni Jiena nang marinig ang boses ni DK kasabay ng marahang pagtapik sa mesa niya. Hindi niya alam kung may ilang minuto siyang nakatulala lang at para bang may malalim na iniisip.

"O-oo naman,"

"Kanina pa kita tinitignan, ang lalim naman ata ng iniisip mo at nakatulala ka diyan." Nangingiting sabi niyo sa kanya.

Umayos siya ng pagkakaupo at muling pumangalumbaba, hindi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Gongchan sa kanya noong mag-usap sila. Hindi niya lubos maisip na nakapag-usap sila ng maayos ng hindi naiinis sa isa't-isa.

"Gusto kong maintindihan lahat ng nangyayari, gusto kong masagot ang lahat ng tanong sa isip ko. Kung totoong ikaw nga ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko, pwede ko bang hilingin na manatili ka sa tabi ko?"

"T-teka lang,"

"Aaminin ko na noong umpisa ay hindi ako naniniwala sa'yo, sa mga sinasabi mo. After all, how can a dead person talk to someone na buhay pa. Pero narealize ka na tama sina Sandeul-hyung at Chinee, paano kung ikaw ang makakatulong sa akin." Malamlam siyang tinignan ng binata habang hawak pa rin nito ang kamay niya. "I tried to dwell on this pain alone, sinubukan ko rin ang umusad pero hindi ko magawa. Everytime I tried to pull myself up, I ended up falling down and tearing myself apart."

Bigla naman ay nakaramdam si Jiena ng kaba, sinubukan niyang bawiin ang kamay niya na hawak ni Gongchan ngunit hindi siya nito binitawan, humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kanya na para bang ayaw siya nitong pakawalan. Marahan iyong hinila tapos ay may inilagay ito sa palad niya.

Nagtatakang tinignan ni Jiena kung ano iyon, natigilan siya dahil isang pamilyar na bagay ang inilagay nito sa palad niya at iyon ay ang bracelet na binigay sa kanya ng papa niya, ang mismong bracelet na matagal niya ng hinahanap at buong akala niya ay nawala niya.

"P-papaanong napunta sa'yo 'to?" Mabilis niyang tinignan si Gongchan nang mapagtanto niyang kanya ang bagay na inabot nito sa kanya. Buong akala niya kasi ay na naiwala niya na iyon kung saan dahil hindi na niya ito makita pa.

"Nalaglag mo 'yan noong huling beses na magkita tayo sa Japan. Si Sandeul-hyung ang nakakita niyan at sinabihan niya akong ibalik ko 'yan sa'yo. Noong pinuntahan naman kita sa bahay ni Madame Shi, ang sabi ni Momo ay umalis ka na raw kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na maisauli 'yan."

Binitawan na ni Gongchan ang kamay niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang palad niya upang tignang muli ang bracelet na ibinigay nito. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil sa pagkabalik ng pinakaimportanteng bagay na iyon sa kanya.

"S-salamat," maiksing sabi niya kay Gongchan.

"Ako ang dapat na magpasalamat sa'yo. Somehow, that bracelet of yours did something good to me. May maganda rin palang naidulot 'yong pagsampal mo sa akin." Natatawang sabi nito sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil nga hindi ko naibalik iyan sayo, pinasya kong suotin muna. Hindi ko alam kung bakit at paano pero simula noon, hindi na ako ulit nanaginip ng masama. Yung mga panaginip ko na hindi ako pinapatulog, bigla na lang nawala. Subconciously you are helping me, Jiena. Dapat noon ko pa iyon narealize."

Otomatikong napatingin si Jiena sa bracelet na hawak niya. Simula ng isauli ito ni Gongchan sa kanya ay hindi na niya maiwasan ang mapaisip sa mga sinabi nito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jiena na siya namang nakakuha ng atensyon ni DK. Kumilos ito upang itinulak ang swivel chair na kinauupuan nito patungo sa pwesto niya. Tapos ay hinawakan nito ang noo niya na para bang dinadama kung may lagnat siya.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon