Little Things: Twenty

103 17 35
                                    

Nakatulala...

Yan ang itsura ni Jiena nang abutan siya ni Miru habang lumalabas ito ng silid nito matapos siyang marinig na sumigaw. Nakabalunbon pa ang tuwalya sa ulo tanda na katatapos lang nitong maligo at lumabas ng banyo.

Humahangos siyang nilapitan ni Miru habang siya naman ay mistulang lutang ang itsura. Nakatanga siya kay Miru habang papalapit ito sa kanya ngunit hindi na niya ulit magawa pang magsalita.

"Anong problema? Bakit ka sumisigaw? May sunog ba, Jiena? Anong nangyari sa'yo?" Sunod-sunod at halos natatarantang tanong nito sa kanya.

"Miru,"

"Ano?"

"Miru,"

"Ano nga 'yon, Jiena. Magsalita ka nga! Anong bang nangyari sa'yo at bakit ka sumigaw kanina?" Bakas sa boses ni Miru ang pag-aalala habang tinitignan siya, tila ba iniinspeksyon nito ang katawan niya at tinignan kung napano ba talaga siya.

"Miru,"

"Jiena, sinasabi ko sa'yo isa pang tawag mo sa pangalan ko sasampalin talaga kita." May halong pagbabanta ang tono at ang kaninang nag-aalalang itsura nito ay malapit nang mapalitan ng pagkainis ng dahil mismo sa kanya.

"Sobra ka!" Doon na siya tila natauhan.

"Ako pa ang sobra, Jiena?" Reklamo nito sa kanya. "Ako pa talaga? Sino ba itong sumisigaw na lang bigla?" Matigas na sabi nito sa kanya. "Alam mo bang nasa kalagitnaan ako ng paliligo ko? Ni hindi pa nga ako nakakapag shampoo ng buhok ko tapos bigla kong narinig yang sigaw mo, ang buong akala ko ay kung napapano ka na kaya lumabas kaagad ako ng banyo. Tapos paglabas ko rito, sasabihin mo lang ng paulit-ulit ang pangalan ko at hindi ka magsasalita! Ngayon sino sa atin ang sobra?"

Ang haba na ng nilitanya sa kanya ni Miru ngunit wala pa rin siyang maisagot dito. Parang may bumara sa lalamunan niya matapos ang pagsigaw niya kanina dahilan para pakiramdam niya ay naubos ang boses niya dahil sa pagsigaw niyang iyon at ngayon ay hindi na niya magawa pang magsalita.

"Hoy Jiena!"

"H-huh?"

"Anak ka ng kamote, ano ngang nangyari sa'yo? Ipapaospital na ba kita? Bakit ka sumigaw kanina?"

"Miru," dahan-dahan niyang nilingon ang kaibigan na hanggang ngayon ay nagtatanong pa rin sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa kanang pisngi niya, tulala pa rin siya habang ginagawa iyon na siya namang lalong kinalito ni Miru. "Nananaginip ba ako? Gising naman ako hindi ba?"

Sinubukan naman nito na bawiin ang kamay na hawak-hawak niya ngunit hindi niya ito hinayaang magtagumpay. "Tumawag yung LINE Magazine, binigyan pa nila ako ng pagkakataong makapasok sa kanila."

"Talaga?" Ang kaninang naiinis na ekspresyon ni Miru ay napalitan ng tuwa matapos marinig ang sinabi niya.

Marahan siyang tumango, kumilos naman ang isang kamay ni Miru upang sapuin ang isa pa niyang pisnge tsaka eksaherada nitong pinisil ang mga iyon at buong lakas siyang pinanggigilan.

"Miru, tama na!" Awat niya rito, hindi naman siya nito oinansin at nagpatuloy pa rin sa ginagawang pagpisil sa magkabilang pisnge niya. Nang hindi na niya matagalan ay hinawakan niya ang magkabilang kamay nito at saka buong lakas na inalis ang kamay ni Miru sa mga pisnge niya.

"Akala ko kung napano ka na, naabala pa ang paliligo ko tapos iyan lang pala ang sasabihin mo." Tumayo ito matapos siyang bitawan tsaka muling naglakad pabalik sa kwarto.

"Teka, hindi ka ba masaya para sa akin?" Angil niya rito na may himig pagtatampo. Tila kasi hindi man lang ito natuwa sa ibinalita niya at parang wala lang rito ang sinabi niya.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon