Little Things: Two

396 50 308
                                    

Kalalapag lang ng eroplano sa airport kung saan nakasakay si Gongchan. Tumingin siya sa paligid at huminga ng malalim bago tumayo sa kinauupuan niya upang lumabas. Kaa-announce lang din ng piloto na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan nila at matapos ang ilang paalala ay nagsimula nang magsikilos ang mga pasahero upang isa-isa bumaba.

Ito ang unang beses na bumiyahe siya nang mag-isa at na hindi niya kasama ang mga Hyung niya. Kadalasan, ang mga biyahe nila ay tuwing may commitment sila sa ibang bansa o hindi kaya ay kailangan sa trabaho, pero ngayon ay iba ang dahilan ng pagbiyahe niya.

Matapos ng ilang ulit na pakikipagtalo sa mga ka-miyembro ay nakumbinsi siya sa wakad nina Jinyoung, Shinwoo, Baro at Sandeul na imbes na bumitaw sa grupo ay magpahinga muna at magbakasyon. Iyon ngayon ang kasalukuyan niyang ginagawa kaya siya nasa Japan.

Alam ng mga ito ang pinagdadaanan niya, ang lahat ng nararamdaman niya at alam din niya na lahat na ng pang-unawa ay ibinigay ng mga ito sa kanya, kaya rin hindi na siya nakatanggi pa sa mga ito at pumayag sa kahilingan ng mga ito sa kanya. Naaalala pa niya kung paanong nagdiskusyon silang lima bago siya umalis. Apat laban sa isa ang nangyari at kahit alam niyang wala siyang laban sa mga ito ay pinilit pa rin niya ang gusto niya, sa huli ay nadaig pa rin siya ng mga ka-miyembro niyang alam niya na kabutihan lang ang hangad para sa kanya.

"Gongchan!" humahangos pa si Sandeul ng lapitan siya. Ito ang pinakahuling dumating sa practice room nila kaya marahil ay ito ang huling nakaalam sa plano niyang pagbibitiw, samantalang nauna lamang dito ng ilang minuto sina Baro at Shinwoo. Si Jinyoung naman ay kanina pa niya kasama at ni hindi siya nilalayuan simula nang magkita sila.

Hinawakan siya ni Sandeul sa magkabilang balikat at saka siya niyugyog habang nagsasalita. "Totoo ba? Totoo ba ang sinabi ni Jinyoung-hyung sa akin?"

"Huminahon ka nga muna Sandeul, pabayaan mo siyang magsalita. Saan ka ba kasi galing at ngayon ka lang dumating?" Singit ni Baro na nakaupo hindi kalayuan sa kanila.

Inilibot ni Sandeul ang paningin sa paligid at nakita nitong seryoso ang lahat. Nakita nitong nakatingin ang mga itonsa kanya kaya naman bumaling itong muli kay Gongchan bago ito binitawan.

"Hyung," panimula niya.

Isa isa pa niyang tinignan ang mga ito na para bang humihingi ng simpatya at pagsang-ayon sa magiging desisyon niya. "Gusto ko ng mag-quit. Ayoko ng maging pabigat pa sa inyo, kina Manager Lee, Morgan-hyung at sa buong kompanya. Kapag hindi ko ginawa iyon ay makakaladkad ko lang kayo sa eskandalo at kahihiyan, iyon ang hindi ko kayang sikmurain kaya naman gusto kong hilingin na bitawan na ninyo ako."

Bumuntong hininga muna si Shinwoo bago ito nagsalita. "Hindi lang desisyon no ang importante rito Channie. This isn't all about you. Alam namin kung gaano naging mahirap ang sitwasyon mo is simula nang mangyari ang insidenteng iyon one year ago, pero I think... we think quitting is too much, hindi iyon ang solusyon at lalong wala kaming balak na bitawan ka." Narinig niyang ipinagdiinan pa nito ang salitang 'we' para mas i-emphasize na lima silang dapat na nagdedesisyon at hindi lamang siya.

"Why don't you think things through. Magpahinga ka, magbakasyon. Lumayo ka muna at mag-isip. You don't have to quit, alam mong hindi kami papayag na mag-quit ka." sabad ni Baro habang nakatingin sa kanya.

Si Sandeul at Jinyoung ay nanatili lamang na tahimik, pero sapat na ang katahimikan ng mga ito para ipaintindi sa kaniya na hindi rin sang-ayon ang mga ito sa desisyon niya.

"We know it's hard, you've been through a lot but you have to know that it's not your fault. Lahat ng iyan ay may proseso, kaya nga dapat ay hindi ka nagpapadalosdalos ng desisyon." Si Sandeul naman ang nagsalita. "Alam mo na kahit na anong mangyari sa iyo ay nandito lang kami. Hindi ka namin pababayaan at iiwanan na mag-isa, kaya sana naman ay ganoon ka rin." Nagsimulang magkaroon ng himig ng pagtatampo ang boses nito at halata iyon matapos nitong magsalita. "Alam naming hindi biro ang pinagdadaanan mo at naiintindihan ka namin. Of all people, dapat alam mo na kami ang higit na makakaintindi at iintindi sa 'yo. Kaya bilang mga kuya mo, gusto naming pag-isipan mo ang lahat ng bagay na pagdedesisyunan mo, lalo na ang mga bagay na iniisip mong gawin."

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon