Hindi makapaniwala si Jiena sa nakikita niya, pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng mga mata niya dahil doon. May ilang ulit niyang kinusot-kusot ang mga iyon ngunit ganoon pa rin ang nakikita niya mula noong dumating siya sa address na binigay sa kanya ni Yuri.
"I-imposib-" naguguluhang sabi ni Jiena habang nakakubli siya sa isang pader pagkapasok na aksidente niyanv natunton.
"May kailangan ka ba sa kanya?"
Nagulat siya nang may bigla siyang narinig na nagsalita sa bandang likuran niya dahilan upang mapaayos siya ng tayo at alisin ang paningin niya sa dalagang tinitignan niya kanina.
Sinilip ng kaharap niya ang babaeng kanina pa niya pinagkakaabalahang tignan tapos ay bumaling muli ito sa kanya bago ngumiti.
"Kaibigan ka ba niya?"
"H-ho?" Hindi alam ni Jiena kung ano ang isasagot sa tanong nito.
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya samantalang nakatinging nakangiti pa rin sa kanya ang madreng nasa harapan niya, sa tingin niya ay isa ito sa mga nangangasiwa ng ampunan kung saan siya naroon.
Nakatingin lang si Jiena sa papel na itinuro sa kanya ni Yuri. Nakapatong iyon sa mesa niya nang maabutan niya ang dalaga na nakatayo sa tabi nito. Agad niyang dinampot iyon upang tignan ang nakasulat sa piraso ng papel na nasa mesa niya, naroon at nakasulat ang isang address habang sa taas noon ay pangalan ng isang lugar na pamilyar na pamilyar sa kanya.
"Little Angels Orphanage." Tinignan ni Jiena ang ngayon ay paalis ng si Yuri. Pinigilan niya ito at agad naman itong huminto saka bumaling muki paharap sa kanya.
"A-alam ko kung saan ang lugar na ito."
'Mahahanap mo ang sagot sa lahat ng tanong mo sa akin sa lugar na iyan, Jiena. Puntahan mo ang lugar na iyan at makikita mo siya.'
"S-sino?"
Sa halip na sumagot ay tinalikuran lamang siya ni Yuri. Naglakad ito palabas ng nakasaradong pintuan at naglaho na lang sa paningin niya. Muli naman niyang ibinaling ang paningin sa piraso ng papel na hawak niya kasabay ng pagbangon ng kakaibang pakiramdam mula sa loob niya.
Hindi niya alam kung bakit bigla ay para bang may gustong sabihin si Yuri sa kanya ngunit hindi nito magawang ibulalas. Para bang may kung anong pumipigil dito na magsalita o mas tamang sabihing may pinoprotektahan ito.
Pero ano iyon?
"Hija, ang sabi ko kung kaibigan ka ba ni Mariko?"
"M-Mariko ho?" ulit na tanong niya sa madreng kaharap niya. Nakita niyang tumango ito at muling ngumiti.
Maaliwalas ang awra nito at mukha itong mabait, nakasuot ito ng isang puting abito na may mahabang manggas at hanggang talampakan ang haba. Mas matangkad siya ng kaunti rito at sa tingin niya ay nasa apatnapu hanggang apatnapu't lima na ang edad nito. Mababakasan ng tuwa ang maamo nitong mukha habang nakatingin ito sa kanya na para bang natutuwa ito sa presensiya niya.
"Iyong dalagang kanina mo pa tinitignan, Mariko ang pangalan niya."
"H-hindi po ba Yuriko?"
"Yuriko?"
Otomatikong lumungkot ang mukha ng mabait na madre pagkabanggit niya ng pangalang sinabi niya rito. Tinignan nito ng babaeng kamukhang kamukha ni Yuri na abala pa rin sa paglalaro kasama ang ilang bata sa ampunan.
"Matagal ng wala si Yuriko, hija. Ang nakikita mo ngayon ay ang kakambal niyang si Mariko."
"K-kakambal po?"
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things