Little Things: Fifty-Seven

35 5 0
                                    

Nabungaran ni Jiena ang gulat na si Yuri nang makapasok siya sa gate ng Holy Angels, hindi nakaligtas sa kanya ang pag-iwas nito ng tingin maging ang mabilis nitong pagtalikod upang hindi sila magkasalubong.

"Yuri!"

May tatlong beses niyang tinawag ang pangalan nito habang sinusundan ngunit ni isa roon ay tila ba wala itong narinig. Nagpatuloy lamang si Yuri sa paglalakad ng mabilis hanggang sa abutan niya ito sa malaput sa opisina ni sister Marta.

"Sandali!" mabilis niyang nahablot ang isa sa mga braso ni Yuri at saka ito hinila.

Gulat man ay nanatili ang inis sa mukha ng dalaga lalo na nang harapin siya nito at palisin ang kamay niya.

"Bitawan mo ako, at huwag mo akong tawaging Yuri. Mariko ang pangalan ko at iyon ang itata-"

"At sinong niloko mo? Alam nating pareho kung sino ka." matigas na sabi ni Jiena sa kaharap ngunit balewala iyon dahil katigasan din ang isinukli ng mga tingin ni Yuri.

"Iyan ang alam mo pero may maniniwala ba sa iyo? May maniniwala ba sa iyo kapag nagsabi ka ng totoo? Paano mo patutunayan? Sasabihin mo sa kanila na nakikita mo ang multo ng totoong Mariko?" nanunuyang sabi nito sabay pagak na tumawa.

"Itigil mo na 'to, Yuri."

"Huwag mo akong diktahan, Jiena. Umalis ka na bago pa ako may gawin na hindi mo magugustuhan." akma ulit itong tatalikod ngunit mabilis niya iting pinigilan.

"Anong gagawin mo? Papatayin mo rin ako? Tapos kukunin mo ang pagkatao ko?"

"Tumahimik ka!"

"O hindi ba at ganoon ang ginagawa mo? Magpapanggap kang ibang tao para makuha mo ang gusto mo. Makasarili ka, dahil pati kapatid mo pinahamak mo para lang makuha para sa pansarili mong kasiyahan."

"Tumigil ka na!" pasigaw na na sabi ni Yuri. Hindi naman natinag si Jiena at kahit pa sing talim na ng kutsilyo ang mga titig nito sa kanya ay nagpatuloy pa rin siya.

"Sarili mo lang ang niloloko mo dahil hinding-hindi ka magiging masaya."

"Anong pakial-"

"Sabihin mo kay Gongchan ang lahat."

"Nababaliw ka na ba? Bak-"

"Sabihin mo sa kanya kung sino ka, iyong totoong ikaw." Siya naman ngayon ang nagmatigas at matalim itong tinignan. "Sabihin mo ang totoo na si Mariko at hindi ikaw ang madalas niyang kausap at kasama noon sa ampunan. Tama na ang pagpapanggap Yuri. Patahimikin mo na si Mariko."

"Umalis ka na."

"Sabihin mong lahat ang katotohanan, Yuri."

"Manigas ka, manigas kayong dalawa." sabi nito sabay turo sa kanya at sa gawi niya.

Naroon si Mariko na nakatingin ng diretso sa kakambal nitong galit na galit na dinuduro silang dalawa.

Hindi niya namalayan ang pagdating nito, marahil ay dahil nakatuon ang atensyon niya kay Yuri kaya hindi niya napansin na nasa tabi na niya ito kanina pa.

"Ikaw! Kayong dalawa, palage na lang kayong dalawa!"

"Huwag mong isisi sa ibang tao kung bakit naging miserable ka. Paano ka nabubuhay sa katauhan ng kapatid mo at agawin ang lahat sa kanya? Paano ko naatim ns magpanggap na siya kahit alam mong ikaw mismo ang dahilan ng pagkamatay niya?" nagsimula nang manginig ang boses ni Jiena. Bahagya niyang nilapitan si Yuri at saka ito tinignan sa mga mata. "Nakakatulog ka pa ba ng mahimbing? O ni minsan ba naisip mo ring baka kasalanan mo nga ang lahat at oras na para itama lahat 'to."

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon