Holy Angels Orphanage
Nasa harapan si Jiena ng bahay ampunan kung saan niya nagsimulang maalala ang isang bahagi ng kabataan niya. Hindi niya alam kung bakit kakaibang pakiramdam ang ibinibigay sa kanya ng lugar na iyon tuwing madadalaw siya rito. Na para bang isa-isa na niyang naaalala ang mga bagay na akala niya ay nakalimutan niya.
Selective amnesia ang sinabi ng doctor na pinagpacheck-up-an niya noon sa kagustuhang makahanap ng mga sagot sa tanong niya. Ito rin ang dahilan kung bakit wala siyang maalala ni isa nangyaring pananatili niya roon matapos mamatay sa aksidente ng mga magulang niya.
"Selective amnesia po, Doc?"
"Yes, the type of amnesia where your brain si being selective of what to remember which mostly are good and happy memories. Your brain is eliminating traumatic memories or those that causes negative thoughts. Your brain and it's inability to remember those painful memories are what triggers your condition."
Nanatili lamang siyang nakatingin sa mukha ng doktor. Wala siyang maintindihan sa mga ipinapaliwanag nito maliban na lamang sa sinasabi nitong may amnesia siya. Dahilan para hindi niya maaalala ang bahagi ng kabataan niya noong nasa ampunan pa siya.
"Papaano ko pong maaalala ang mga bagay na nakalimutan ko na?"
"Ang tanong lang doon ay kung gugustuhin mo pa bang maalala ang mga bagay na iyon? Kalimitan ng mga nakakalimutan ng mga taong may kundisyong tulad ng sa iyo ay masasamang alaala. Iyong mga tipo na sa sobrang nakakatrauma ay pinipili na lamang kalimutan ng mga utak nila para na rin sa sarili nilang kapakanan."
Napaisip si Jiena sa sinabi ng doktor. Paano niya malalaman ang mga alaalang iyon kung wala nga siyang maalala. Para bang malaking parte ng buhay niya sa ampunan ang nawawala, malaking bahagi kung saan niya nakilala sina Gongchan, Yuri at Mariko.
"Pag-isipan mong maigi ang gusto mong mangyari, oras na magbalik ang mga alaalang nakalimutan na ng utak mo, hindi mo na ito mababago at maaring hindi mo magugustuhan ang mga magbabalik na alaala mo."
"Jiena, hija? Kanina ka pa ba rito? Bakit hindi ka pumasok?"
"Sister Marta, kayo po pala."
Otomatikong ngumiti si Jiena pagkakita sa madre habang naglalakad itong lumapit sa kanya. Nang tuluyang makalapit ito sa kanya ay hinawakan nito ang kamay niya at saka gumanti ng ngiti.
"Matagal ka nang hinihintay ng mga bata, hinahanap ka sa akin palage ni micmic at tinatanong ako kung kailan ka raw ulit dadalaw. Mabuti naman at napasyal ka."
"Ang totoo po niyan ay may gusto akong itanong sa inyo kaya po ako napunta rito."
"Itanong?"
Tumango siya bilang tugon dito, bago pa man siya magpatuloy na magsalita ay iginiya na siya ni sister Marta papasok sa loob. Dinala siya nito sa opisina ng mga madre na nasa loob ng ampunan at doon ay pinaupo siya ni sister Marta sa upuang katapat lamang ng mesa nito.
Inilibot ni Jiena ang tingin sa paligid, bigla niyang naalala ang araw na una siyang makarating sa ampunan nang dalhin siya ng tiya rito upang iwan. Doon sa opisinang iyon sila tinanggap ng mga madre ng ampunan sa pangunguna ni sister Marta ilang araw lang matapos mamatay ng mga magulang niya.
Ngayon ay para bang mas madali na sa kanya na maalala ang lahat, unti-unti ay nanunumbalik na ang mga iyon at habang tumatagal isa-isa na niyang naaalala ang mga pangyayari labinglimang taon na ang nakakaraan.
"Ayos ka lang ba, Jiena?"
"Sister, may nakwento po ba sa inyo si Mariko o nabanggit man lang nitong nakalipas na mga araw?"
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things