Little Things: Thirty

52 6 23
                                    

"Anong ibig mong sabihin?" Bulalas ni Miru matapos marinig ang sinabi niya.

Ilang beses siyang tumango bilang pagsang-ayon. Ito naman ay ilang ulit ring umiling, para silang nagkokontrahan dahil sa magkasalungat na ginagawa nila.

"Anong ginawa niyo?"

"Ano namang gagawin namin Miru? Para namang may pwedeng mangyari."

"Bakit, may gusto ka bang mangyari, Jiena?"

Naramdaman niyang pinamulahan siya ng mga pisnge nang mapagtanto ang sinasabi ni Miru sa kanya. Kasabay noon ay ang pagbalik ng alaala niya nang nangyari kagabi habang magkasama sila ni Gongchan sa bahay nila ni Miru.

Ramdam ni Jiena ang brasong naunanan niya pagkabagsak niya. Agad siyang napadilat nang makarinig ng mahinang daing mula sa nagmamay-ari noon. Walang iba kung hundi si Gongchan.

Malapitan niyang nakikita ang maamong mukha ng binata habang bahagyang nakapikit ang isang mata na tila ba iniinda ang pagkakadagan niya rito. Hindi kaagad siya nakakilos upang tumayo dahil wala pa rin siyang makita at brown out pa rin dala ng malakas na buhos ng ulan.

"A-ayos ka lang ba?" Mayamaya ay narinig niya ang boses nito. Hindi naitago ng dilim ng paligid ang katotohonang sadyang napakagwapo ng binata sa malapitan.

Ang magaganda at singkit nitong mga mata, mapupulang labi na animo'y pagmamay-ari ng babae at ang mabangong hininga nitong nalalanghap na niya sa lapit nila sa isa't isa.

Wala sa loob na napabalikwas ng bangon si Jiena sa isiping ngayon na isa-isang pumapasok sa isip niya. Mabilis pa sa alas kwatro na humiwalay siya sa binata at hindi na ininda pa ang dilim ng kapaligiran.

Pagtayo nito kasunod niya ay napansin kaagad ni Jiena na hawak ng binata ang braso nito, nag-alala siyang baka nasaktan ito ng aksidente noyang madaganan ang braso nito kaya wala sa loob na nilapitan niya muli ang binata at hinawakan ito sa braso.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya rito. Sa halip na sumagot ay nari ig niyang tumawa lang ang binata na siya namang pinagtakha niya.

"B-bakit ka tumatawa."

"Inulit mo lang kasi 'yong tanong ko sa iyo kanina. Ako ang unang nagtanong kung ayos ka lang ba." Sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Bigla ay nagkaroon na ng kuryente, nagliwanag ang buong paligid dahilan upang makita ni Jiena ng mas malinaw ang mukha ni Gongchan. Nakita niya sa mukha nito anh isang magandang ngiti habang nakatingin sa kanya, hawak pa rin niya ang braso nitong nasaktan matapos niyang madaganan.

Lalayo pa sana siya ng bahagya dahil sa pagkailang na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit mabikis siyang nahawakan ni Gongchan sa braso nito at niyakap.

Ikinagulat ni Jiena ang ginawang iyon ni Gongchan. Sandaling hindi siya makakilos habang yakap siya nito. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya sa init ng pakiramdam na dala ng hiya niya sa binata at sa sitwasyon nila.

"Thank you," mahinang sabi nito sa kanya.

Para saan? Sabi naman niya sa sarili niya. Mabilis naman siyang humiwalat sa pagkakayakap at pagkakalapit rito ng mapansin si Yuri na nakatingin sa kanila. Blangkp ang ekspresyong pinapakkta ng mga mata nito ngunit hindi naman inaalis ang paningin sa kanila.

"A-ah, m-may kurynte na. Tara na sa salas, magpahinga ka na dahil mukhang hindi titigil ang ulan." Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang binata. Mabilis niyang iniwan ito at nagpunta kaagad sa sala.

Si Yuri ay nananatiling nakatingij kay Gongchan habang si Gongchan naman ay hinabol lang siya ng tingin habang napapakamot sa ulo.
----

Mag-aalas dose na ng hating-gabi ngunit gising pa rin si Jiena, binabagabag siya ng imahe na nakita niya habang nakatingin si Yuri kanina sa kanila ni Gongchan. May kakaiba sa mga tingin nito sa kanya habang yakap siya ng binata na ngayon lang ulit niya nakita.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon