Little Things: Fifty

38 4 0
                                    

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?"

Marahan siyang tumango, matapos ang ilang araw na pananahimik ay nagsabi na rin si Jiena kay Miru tungkol sa ilang mga lalake na sumusunod sa kanya sa tuwing lumalabas siya mula sa trabaho hanggang sa pag-uwi.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Binalaan ka na ni DK, pero hindi ka nakikinig. Ang tigas ng ulo mo."

"Hindi naman nila ako ginagalaw, sumusunod lang sila."

"Malamang iyan kumukuha lang sila ng tiyempo. Ano ba naman kasi napapala mo diyan sa pag-iimbestiga mong iyan? Nilalagay mo lang sa kapahamakan ang sarili mo." Nagtaas na ng boses si Miru marahil dahil sa inis sa kanya.

"Malapit ko nang malaman ang totoo."

"At malapit ka na ring mapahamak diyan sa pinag-gagagawa mo.

"Mir-"

"Jiena, wala akong sakit sa puso pero sa ginagawa mo sa buhay mo ngayon pa lang gusto ko ng atakihin eh."

"Malapit ko nang malaman ang la-"

Hindi pa man siya natatapos magsalita ay natigilan na si Jiena dahil sa pagtunog ng telepono niya. Lalo pa siyang natigilan nang makita kung kaninong pangalan ang rumehistro roon.

Sammy Park calling...

"Bakit? Natigilan ka diyan. Sino ba iy-," mabilis nitong hinawakan ang kamay niya lara pigilan siya sa gagawing pagsagot sa tawag na iyon, tinignan lamang ni Jiena si Miru tapos ay marahang pinalis ang kamay nito para sagutin ang tawag ni Sammy Park.

Isang malalim na buntong hininga na lamang habang umiiling ang naging tugon ni Miru sa kanya.

"Hello,"

Tumahik siya upang pakinggan ang sasabihin ng kausap sa kabilang linya, napatingin pa siya kay Miru nang marinig ang lahat ng iyon tapos ay kusa na nitong ibinaba ang linya.

Busy tone na lamang ang naririnig ni Jiena ngunit nakatapat pa rin sa tenga niya ang cellphone niya, napatulala siya saglit at nabalik lang sa reyalidad matapos siyang tanungin ni Miru at hawakan sa kamay.

"Aalis muna ako,"

Ang paghawak ni Miru sa kamay niya ay naging pagpigil dahilan para mapahinto siya.

"Saan ka pupunta? Anong sinabi sa iyo ni Sammy Park?"

"Mamaya ko na sasabihin sa iyo ang lahat, Miru."

"Jiena!"

Ngunit hindi na niya pinasin pa ang sigaw na iyon ng kaibigan dahil tuluyan na niyang tinungo ang direksyon ng pintuan at saka mabilis na lumabas doon. Pagkalabas ay agad niyang pinara ang taxi na eksaktong papalapit sa direksiyon niya. Wala pang tatlumpung minuto ay narating na niya ang lugar na pupuntan.

"Nandito na po tayo, Ma'am." Mahinang sabi ng taxi driver matapos ihinto ang sasakyan.

Napatingin si Jiena sa labas ng bintana, kinakabahan at nag-aalangan niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan matapos iabot ang bayad sa driver nito. Wala sa loob na naglakad siya patungo sa opisina ng taong tumawag sa kanya kanina, sa opisina mismo ni Sammy Park.

Nang marating ang pintuan ng opisina nito ay muli siyang nakaramdam ng kaba,mas malakas iyon kaysa kaninang papasok pa lamang siya ngunit sa huli ay kinumbinsi at pinakalma na lamang niya ang sarili niya. Doon lang niya naisip na tama sina DK at Miru, maging si Gongchan. Kakaiba ang kabang nararamdman niya ngunit sa tingin niya ay huli na para umatras pa siya.

Halos ayaw hawakan ng kamay niya ang door knob, hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa likod ng nakasaradong pintuan at alam niyang isa lang ang paraan para malaman kung ano iyon. Marahan niyang pinihit ang knob ng pinto.

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon