Little Things: Sixty

38 5 0
                                    

"K-kamusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Jiena nang maabutang gising na at kausap nina Sandeul at Jinyoung si Gongchan.

Kadarating lamang niya mula sa trabaho at agad siyang dumiretso sa ospital upang dalawin ito. Naroon rin si Marikonsa isang sulok ng silid ng binata at tahimik na nagmamasid, inaalam kung maayos na ang kalagayan ng taong naging mahalagang parte ng kabataan nito.

"I'm okay, ikaw? Ayos ka lang ba?" mahina ngunit nakangiting tanong nito sa kanya.

"Bakit ako ang kinakamusta mo, ikaw nga itong nakahiga riyan at naritonsa ospital." tugon niya rito.

"Hay naku, Jiena. Ang maigi pa ay ikaw na muna ang magbantay sa isang iyan. Kanina ka pa hinahanap at tinatanong, pupuntahan na nga sana kita at susunduin dahil kanina pa iyan nangungulit." angil ni Sandeul patungkol sa nakababatang miyembro.

"Tama naman si Gongchan, kailangan nating mag-ingat lahat." Tapos ay tumingin siya sa gawi ni Mariko at pagtango lang ang natanggap niya mula rito.

"A-anong ibig mong sabihin?" ani Sandeul.

"Si Sammy Park ang may pakana ng pagkakaaksidente ni Gongchan.

"Si Sammy Park? Bakit naman niya gagawin ang bagay na iyon? Alam kong maimpluwensiyang tao siya at nakakatakot pero paanong nangyari na siya ang may kagagawan ng aksidente ni Channie?" nalilitong tanong ni Jinyoung sa kanya.

"Dahil kay Yuri." maiksing tugon ni Gongchan sa nakatatandang kiyembro ng grupo nila.
-----

Katahimikan, wala ni isa kina Jiena at Yuri ang nagsasalita. Pinasya niyang makipagkita rito nang tawagan siya ng huli habang nasa ospital siya kanina. Ngayon ay magkakaharap silang tatlo, siya, si Mariko at si Yuri habang tahimik at tila ba naghihintayan kung sino ang unang babasag ng katahimikan.

"Nandito ba si Mariko?" mahinang tanong ni Yuri sa kanya.

Tinignan niya muna ito at saka siya tumango sabay tingin sa katabi nitong upuan kung saan naroon si Mariko.

"Katabi mo siya ngayon."

"Ganoon ba? Mula noong komorontahin mo ako, hindi ko na ulit siya nakita. Hindi na ulit siya nagpakita sa akin,"

"Nakikita mo siya kanhit noon pa?"

Tumango lamang si Yuri. Huminto saglit upang uminom ng tubig at saka nagpatuloy.

"Palagi, nahihiya ako. Natatakot at naguguluhan. Tuwing nakikita ko siya, parang kahit hindi niya ako kinakausap palagi niyang pinapaalala sa akin ang lahat ng naging bunga ng mga ginawa ko noon. Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang lahat. Ang kismong mga bagay na gusto ko nang kalimutan."

"Y-Yuri."

"Nilamon ako ng galit, ng inggit at ng pansarili kong kagustuhan na makuha ang lahat ng bagay na meron ka, na meron siya," sabi ni Yuri sabay tingin sa gawi ni Mariko.

"Inagawan ko ng pagkakataon na mabuhay ka ng normal at masaya. Kinuha ko ang buhay mo dahil sa pansarili kong kagustuhan. Dahil ang akala ko ay magiging masaya ako doon, pero hindi ko inisip na aabot tayo sa ganito."

Nagsimulang maglandas ang mga luha sa mga mata ni Yuri. Bakas naman ang matinding lungkot kay Mariko na alam niyang kahit pa gaano kasama ang ginawa ni Yuri ay magagawa pa ring patawarin nito.

"Nagulo ang buhay nating lahat dahil sa kagagawan ko. P-pasensiya na kayo."

"M-may isa pang taong gustong kumausap sa iyo, Yuri."

Tumingin si Yuri kay Jiena nang buong pagtatakha. Nakita niyang rumehistro rito ang pagkalito na kalaunan ay ng pagkagulat nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya.

Napako ang tingin ni Yuri sa gawing likod ni Jiena, mula roon ay naglalakad papalapit sa kanila si Gongchan na may maliit na bandage na lamang sa noo na mula sa pagkakaaksidente nito.

"I think I deserve to know the truth too."

Lalo namang lumandas ang mga luha ni Yuri nang makita ang binata na papalapit sa kanila.
-----

"Kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng matinding kontroberiya ang buong Sunshine Entertainment, ang management nito at ang mismong CEO na si Sammy Park dahil sa lumabas na video ng pang-aabuso at pananamantala nito sa dati nitong trainee at singer na si Yuriko Nam. Sa video ay makikitang tuwang-tuwa pa ang nasabing CEO habang pinagsasamantalahan si Yuri, napag-alaman din namin na ang video ay galing mismo sa biktima na si Yuri-" bahagya pang natigilan ang reporter bago nagpatuloy, marahil dahil sa nabasa nitong kay Yuri mismo galing ang video. Sa taong mismong inakala nilang namatay na.

"Galing mismo ang video sa biktima na lumantad matapos itong mapabalitang nagpakamatay mahigit dalawang taon na ang nakaraan. Narito po at panuorin natin ang panayan kay Sammy Park at sa biktimang si Yuriko.

"Wala akong kasalanan, lahat ng iyan ay gawa-gawa lang ng nga taong gusto akong sirain. Paano kayo maniniwala sa taong mismong lumoko sa atin, nagpanggap na nagpakamatay tapos ngayon ay buhay pala? How credible is that?" natatawang pahayag ni Sammy Park nang interview-hin ito ng nga reporter sa T.V.

"Pasensiya na po kung natagalan bago ako lumabas, hindi ko po intensyon na lokohin kayo. Tama po kayong lahat, ako nga po si Yuriko Nam at hindi po ako ang namatay twonyears ago. Kakambal ko po iyon, si Mariko. Siya po ang namatay at hindi ako. Pero dahil sa takot ko na lumabas ito at masira ang career ko ay nagpanggap akong siya at sinabing namatay ako. Kinuha ko ang pagkatao niya at namuhay bilang siya nang malayo sa gulo."

"Finally, natapos na ang lahat." Boses ni Miru ang pumukaw sa atensyon ni Jiena mula sa T.V.

"Tama ka, Miru. Tapos na ang lahat."

"At tapos na rin ang responsibilidad mo sa kanilang lahat. Oras na para sarili mo naman ang intindihin at isipin mo."

"Tama ka."

"Matagal na akong tama, Jiena. Ayaw mo lang makinig sa akin." pairap na sabi ni Miru ka naya.

Natawa na lamang si Jiena at sa huli ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag. Totoong tapos na ang lahat, pero ano na ang susunod.

Ngayon lang niya nagsisimulang ma-realized na tapos na ang lahat. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Mariko at ang huling beses na nakausap niya si Yuri ay nang magpaalam ito sa kanya.

"Salamat, Jiena. Salamat sa lahat ng tulong mo at pasensiya na."

"Wala ka namang kasalanan sa akin, hindi mo kailangan humingi ng tawad."

"Meron, nadamay ka ng husto sa problemang ako mismo ang may gawa, muntik ka nang mapahamak nang dahil sa amin, sa akin. At dahil dito..." sabay abot nito sa kanya ang isang maliit na kahon. "Para sa iyo ang mga ito."

"A-ano 'to?"

"Buksan mo,"

Sinunod niya ito at binuksan ang kahon. Doon ay tumabad sa kanya ang ilang mga sobre at sulat na hindi niya masiguro kung ilan basta ang alam lang niya ay marami iyon.

"Mag sulat iyan galing kay Gongchan at Mariko. Noong nawala ka ampunan, nagpapadala pa rin si Gongchan ng mga sulat o hindi kaya ay sumusulat siya at binibigay niya iyon kay Mariko. Inipon iyang lahat ng kapatid ko sa pag-asang isang araw ay magkikita kayo para ibigay iyan sa iyo ng personal. Nawala ka man sa ampunan noon, gusto kong malaman mong hindi ka nila nakalimutan. Si Mariko at Gongchan."

"S-salamat."

"Dapat noon ko pa ibinigay iyan sa iyo. Noong unang punta mo pa lamang sa Holy Angels matapos ng naraming taon. Pasensiya ka na."

Umiling lamang si Jiena, isinaradong muli ang kahon at mabilis na niyakap si Yuri. Gumanti na rin ng yakap ang huli bago tuluyang magpaalam sa kanya at saka umalis.

Tapos na ang lahat, Jiena.

Pwede ka nang gumising.

Pwede ka nang dumilat...

-----

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon