"Nawiwirduhan na talaga ako sa'yo Jiena? Minsan gusto na kitang ipatawas dahil diyan sa mga kinikilos mo." Bulalas ni Miru sa kanya habang nasa salas silang dalawa. Nakita ni Jiena na nakatingin ito sa kanya na tila ba totoo ngang nawiwirduhan ito habang tinitignan siya. Tsaka naman niya biglang naalala ang sinabi nitong ginawa niya noong nasa ospital pa siya.
"Miru," nakatulalang sabi ni Jiena sa kaibigan, tapos ay bigla niya itong binalingan para tignan. Gusto niyang sabihin nito sa kanya na hindi totoong sinabi niya ang lahat ng iyon sa taong itinuturing niyang mortal na kaaway. Hindi niya lubos maisip na hinayaan niya ang isang kaluluwa na i-take over ang katawan niya. "Sabihin mong hindi totoo ang lahat ng iyon."
"Ang alin?"
"Na sinabi kong namimiss ko siya at na masaya ako na makita ulit siya. Sabihin mong hindi mo naman narinig na sinabi kong namimiss ko siya, hindi ba?"
"Sino?"
Hindi siya kumibo, ni hindi niya mabanggit ang pangalan ng lalakeng uminsulto sa kanya kaya hindi niya lubos maisip ang ginawa niya habang wala siya sa huwisyo at nasa loob ng katawan niya si Yuri.
"Yung gwalong lalake ba? Si Gongchan?" Nagtatakang tanong nito, sapat na ang katahimikan niya bilang tugon sa mga tanong ni Miru. "Sinabi mo naman talaga 'yon sa kanya, Jiena." Deklara nito na tila ba hindi nito nakuha ang sinabi niya. "Gusto mo bang ulitin ko sa'yo kung paano mo sinabing na-miss mo siya?"
Akma namang aarte si Miru upang ipakita sa kanya ang ginawa niya noon sa ospital siya habang kausap si Gongchan ngunit mabilis niya itong pinigilan. Kasabay ng pagpigil niya rito ay ang kagustuhan niyang hampasin ito ng unan dahil mukhang inaasar pa siya nito.
"Huwag mo ng ituloy. Parang-awa mo na, Miru."
"Alam mo ikaw," muli itong bumalik sa pagkaka-upo sa tabi niya tsaka siya tinignan. "Lately parang ibang tao ka, tsaka may mga pagkakataong nakikita kitang nagsasalitang mag-isa. Umamin ka nga, Jiena? Nagdadrugs ka ba? Epekto ba yan ng pinaghalong stress at pagod, huh?" Nagpatuloy ito sa pag-usisa na kanya.
"Drugs? Baliw ka ba, Miru? Ikaw ata itong nagdadrugs dahil diyan sa mga pinagsasasabi mo? What makes you think na weird ako, ganito mo naman na talaga akong nakilala hindi ba? Isa pa, pagod lang ako nitong mga nakaraan kaya ganoon lang siguro 'yon." Sinubukan ni Jiena na gawing kapani-paniwala ang tono ng boses niya. Ayaw niyang lokohin ang kaibigan pero hindi naman niya alam kung paano sasabihin dito na may isang kaluluwa na humihingi ng tulong sa kanya. At na sumanib ito sa kanya.
Kilala niya si Miru at sa tono at sinasabi nito ay sigurado siyang hindi siya tatantatanan nito ng kakatanong kaya minabuti niyang putulin kaagad ang usapan nila. "Maliligo na ako."
"Teka, saan ka pupunta? Diba wala kang pasok sa restaurant ngayong araw, isa pa kalalabas mo lang ng ospital."
"Kailangan ko maghanap ng subject para sa fortfolio ko." Huminto si Jiena at hinarap muli ang kaibigan. "Kailangan ko din iyon para makapasok ako sa LINE."
"LINE? Yung magazine na sinabi mong naghahanap ng photographer?"
Tumango siya bilang tugon dito. "Iyon nga, gusto kong magka-experience kaagad at magkamatinong trabaho, hindi yung puro part time jobs lang ang ginagawa ko."
"O eh paano yung trabaho mo sa restaurant?"
"Itutuloy ko pa rin naman yun pero temporary lang. Isa pa ayoko ng makita pa yung lalakeng iyon na-" natigilan siya sa mga sasabihin pa niya nang mapansin niyang nasa tabi na ni Miru si Yuri. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya gamit ang malalamlam nitong mga mata. Saglit siyang napatanga sa gawing iyong ni Miru dahilan para mapatingin din ang huli sa tagiliran nito.
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things