Kasabay ng malakas niyang pagsigaw ay ang pagbalikwas ng bangon ni Jiena. Hingal na hingal at habol niya ang kanyang hininga nang maalimpungatan at pili na inaalam kung nasaang lugar siya.
Mabilis naman siyang dinaluhan ni Gongchan mula sa kinauupuan nito ilang hakbang lang ang layo sa kanya papunta sa kama kung nasaan siya. Hinawakan siya nito sa kamay at saka hinaplos ang mukha at buhok niya kasabay nang pagrehistro ng matinding pag-aalala sa gwapong mukha nito.
"Jiena," malumanay na tanong nito sa kanya.
Sa kabila ng ipinapakitang pag-aalala ni Gongchan ay siya namang pagkakaramdam niya ng kapayapaan. Lihim siyang nakahinga ng maluwag lalo na at alam niyang maayos ang lagay ng binata. Hindi ito napahamak at ngayon ay nasa tabi niya, kahit papaano ang umayos na ang pakiramdam niya.
Inilibot niya ang paningin sa paligid at nakitang puro puti lamang ang nasa paligid niya, may mga abalang tao na nagpapasalit-salit sa ilang magkakatabing mga kama sa paligid. At may ilang mga pasyenteng tulad niya ay nakahiga roon habang namamahinga.
"Nasa ospital ba tayo?" Tinignan ni Jiena si Gongchan matapos niyang suriin ang buong paligid ng kinaroroonan niya.
"Nasa emergency room tayo," mahinahon ngunit buong pag-aalala na sagot ng binata. "dinala kita rito kanina dahil bigla ka na lang hinimatay. Natakot akong baka kung napano ka kaya sa taranta ko, dito na kita nadala."
"Hinimatay? Nawalan ako ng malay kanina?"
Marahan itong tumango bilang tugon sa tanong niya. "Bigla kang hinimatay kanina nang makita mo si..."
"Sino?"
"Si Sammy Park, nakasalubong natin siya kanina kasama iyong mga tauhan niya sa agency nila. May event ata silang pinuntahan sa themed park na pinagdalhan ko sa iyo, pagkatapos mo siyang makita bigla ka nalang nawalan ng malay."
Napaisip siya sa huling sinabi ni Gongchan sa kanya. Inilibot muli niya ang paningin sa buong paligid, nagbabakasakali siyang makikita niya si Yuri ngunit hindi niya ito mahanap kahit saan niya ibaling ang paningin niya.
Nagpasya siyang tumayo, akma pa lamang siyang bababa mula sa kama ay bigla naman siyang inawat ni Gongchan at saka pigilan.
"Hintayin lang natin ang sasabihin ng doctor bago tayo umalis. Isa pa, baka hindi ka pa maaayos." Nananaway ang tonong sabi nito sa kanya.
"Ayos lang ako, ayos na talaga ako kaya pwede na tayong lumabas." Nagpumilit si Jiena sa gusto niyang gawin ngunit sa huli ay hindi rin siya nagtagumpay na mapapayag si Gongchan.
Nakumbinsi siya nito na maghintay at sa halip na magpilit umuwi ay sinabihan siya nitong matulog muna at magpahinga. Ilang beses pa silang nagtalo bago tuluyang sumuko si Jiena at sumunod na lamang sa binata.
Nakahinga naman ng maluwag si Gongchan nang ilang saglit pa ay makitang nahihimbing na si Jiena na nakahiga sa kama. Siniguro niyang hindi magpapasaway ang dalaga, minabuti niyang pagpahingahin muna ito dahil bakas sa mukha nito ang labis na pagod sa hindi niya alam ba kadahilanan.
Habang nahihimbing ang dalaga ay hindi niya napigilan ang sarili na titigan ito. Hindi niya napapansing napapangiti siya sa tuwing naiisip niya kung paano sila nag-umpisa, ngunit seseryoso rin naman kalaunan sa tuwing maaalala niya ang dahilan kung bakit sila nagkakilala.
It was because of Yuri.
Kung hindi dahil sa nangyari sa kaniya, he will never meet Jiena. Naalala niyang bigla ang dalaga at nakita na lamang niya ang sarili na kinakausap ito sa isip niya
Yuri, alam kong may malalim na dahilan kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon. Gusto ko pa ring mahanap ang sagot sa mga tanong ko at gusto ko pa ring malaman ang lahat-lahat ng nangyari pero hindi na para sisihin lalo ang sarili ko.
Tinignan niya ang nahihimbing na si Jiena at saka hinaplos ang pisngi nito bago muling nagpatuloy sa tila ba pagkausap kay Yuri sa isip niya.
Alam kong hindi na maibabalik pa nang lahat ng nangyari ang buhay mo, hindi na rin maibabalik pa ang mga nawalang oras ko at ang mga oras na nasayang dahil sa pagsisi ko sa sarili ko. Pero gusto kong sabihing okay na ako, gusto kong malaman mong magpapatuloy akong mabuhay ng maayos at malaya mula sa mga nangyari noon para sa mga taong nasa paligid ko.
Para sa mga taong nagmamalasakit at minamahal ako.
Sana maintindihan mong hindi ko gustong kalimutan ka at wala akong planong gawin ang bagay na iyon. Gusto ko lang piliin ang umusad, ang mabuhay ng normal at malaya sa lahat ng sakit ng nakaraan. Gusto kong tuluyan na akong makalaya sa mga masasamang panaginip ko simula noong mawala ka.
Mananatili kang isang mahalagang parte ng buhay ko, isang mahalagang bahagi ng kung ano ako ngayon at hindi na iyon magbabago pa. Mananatili kang isang magandang alaala para sa akin, my angel perhaps. I don't want to lie anymore, gusto kong malaman mo na gusto ko nang mag-umpisa ulit at gusto kong gawin iyon ng kasama siya.
And she was there, narinig ni Yuri ang lahat ng sinabi ni Gongchan at nakita niya kung paano ito mag-alala para kay Jiena.
She was there when Jiena collapsed, maging hanggang sa pagdala ni Gongchan sa dalaga sa ospital. Nakita niya kung paanong halos mataranta ito nang mawalan ng malay si Jiena. Bagay na huli niyang nakita noon sa rooftop bago pa niya kunin ang sariling buhay niya.
Sari-saring pakiramdam ang nag-uunahan bumayo sa dibdib niya nang mga sandaling iyon, kasabay ng mga damdaming matagal niya nang kinimkim para sa binata, na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin siya ng pagkakataong sabihin dito ang lahat.
Pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya dahil sa lakas ng pagtibok niyon. Bigla ay nakita niya ang lahat ng mga alaalang meron sila noon, lahat ng mga alaalang ginawa at pinagsaluhan nila na ngayon ay mananatili na lamang na mga alaala. She decided to end her life, iyon lang ang gusto niyang gawin noon. Without realizing the consequences of her action and without realizing the amount of pain it will cost her and Gongchan.
Pinili niyang tumakas sa mga multong humahabol sa kanya, pinili niyang takasan ang mga bagay at pinili niyang maging duwag. Taking her life is the easiest way to escape, she thought everything will be finish but it only gotten worst at aala siyang masisi kung hindi sarili ang sarili niya.
Tumayo siya at kumilos, kahit hindi siya nakikita ni Gongchan ay may ilang ulit niyang binalak na hawakan ang kamay nito, ngunit katulad ng mga nauna niyang pagtatangka kahit noon pa ay nananatili siyang bigo. Mistula siyang hangin na kahit anong paramdam niya ay hinding hindi siya nito makikita pa. Hanggang sa nagkasya na lamang siyang titigan ito.
Sa kabila ng lahat ng lungkot na nararamdaman niya ay naroon rin ang kapayapaan.
Sa mga sinabi ni Gongchan kanina, kahit papaano ay nakaramdam siya ng kapanatagan at masaya siyang malaman na umuusad na ito. Na nag-uumpisa na si Gongchan na ayusin ang mga piraso ng sarili nitong nabasag nang dahil sa kanya. Ngunit kasabay ng kasiyahan iyon ay ang lungkot na dala ng mga huling salita nito sa kanya.
I don't want to lie anymore...
Gusto kong malaman mo na gusto ko nang mag-umpisa ulit at gusto kong gawin iyon ng kasama siya.
At alam niya nang mga sandaling iyon na ang siya na tinutukoy nito ay hindi na siya.
Wala iyong iba kung hindi si Jiena.
-----
#LittleThings
jhieramos
121618
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things