"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?"
Halos naghihisterya na tanong ni Miru sa kanya matapos niyang sabihin dito na muntikan na siyang mabangga pagkalabas niya sa ampunan."Teka, Miru!" awat niya rito sabay tingin kay Hongbin na nasa likuran lamang niya. Matapos nilang magkape ay nagpresinta naman itong ihatid siya at hindi na siya nakatanggi pa. "Kumalma ka, pwede?"
"Paano ako kakalma, Jiena? Sige nga! I-explain mo sa akin kung paano ako kakalma sa mga ginagawa mo?" Walang nagbago sa tono ni Miru, tila ba wala itong pakialam kahit na may ibang tao pa at patuloy lang sa pag-usig sa kanya.
"Sinabi ko na sa iyo, wala namang nangyari. Okay lang ak-"
"Walang nangyari kasi iniligtas ka ni Hongbin. Paano na lang kung wala siya sa lugar na iyon? Paano na lang kung napahamak ka kakapunta mo diyan sa ampunan na iyan."
"Wala ngang nangya-"
"Noong una may mga sumusunod sa iyo na hindi mo kilala, ngayon naman muntik ka ng masagasaan. Ano na ang mangyayari sa susunod? Matutuluyan ka nang masaktan? Ganoon ba ang gusto mo?"
"Pero hindi nam-"
"Ibig sabihin ay hindi ito ang unang beses na kamuntikan ka nang mapahamak, Jiena?" singit ni Hongbin sa usapan nila ni Miru. Nilapitan pa siya nito dahilan upang lalo siyang hindi makapagsalita.
"Oo, tama ka ng dinig. Ilang beses na siyang muntik mapahamak at malakas ang kutob ko na may kinalaman pa rin ito sa ginagawa noyang pagtulong kay Yuri."
"Yuri? Si Yuriko? Nakikita mo pa rin ba siya?"
Pansamantalang napipi si Jiena at hindi nakapagsalita pa. Pakiramdam niya ay sumasailalim siya sa isang interogasyon ng dalawang nasa harapan niya sa klase ng mga tinging ipinupukol ng mga ito. Maging ang tono ng boses nila Miru at Hongbin at halos magkapareho na rin.
"Teka lang, pinagtutulungan niyo ba ako?"
"Kailan ka ba matatauhan? Just let that stupid promise go dahil baka hindi mo alam, iyan pa ang ikapahamak mo."
"Alam mong hindi ko pwedeng gawin ang bagay na iyan, Miru. Napag-usapan na natin 'to at iyon pa rin ang desisyon ko."
"Alam ba ni Gongchan ang lahat ng ito, iyang mga nangyayari sa iyo?"
"Alam niyang hanggang nagyon ay tinutulungan ko pa rin si Yuri,"
"Pero hindi niya alam na ilang ulit ka nang muntik na mapahamak dahil diyan. Jiena, do you understand the risks and consequences ng mga ginagawa mo?"
"She was abused,"
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Hongbin matapos marinig ang sinabi niya.
"Malakas ang kutob kong naabuso talaga siya at na may kinalaman doon si Sammy Park."
"Woah! Wait, Sammy Park? The Sunshine Entertainment CEO?
"Ang dating agency ni Yuri, siya mismo ang kumumbinsi kay Yuri na gawin ang lahat ng gusto niya kapalit ng kasikatan na ibibigay niya rito."
"Sigurado ka ba diyan? How did you know all of this?"
"Hindi na mahalaga ang bagay na iyon, ang importante ngayon ay ang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Yuri at mapagbayad ang taong responsable sa pagkamatay niya." determinadong sabi niya rito.
"Hongbin, pakikumbinsi naman siya. Hindi ko na alam ang gagawin sa babaeng iyan." Halata sa mukha ni Miru ang inis nang maglakad ito palayo sa kanila ni Hongbin.
Wala nang nagawa pa si Jiema kung hindi sundan ng tingin ang kaibigan. Naiintindihan niya ang pinanggagalingan nito ngunit naroon pa rin sa puso niya ang kagustuhang tapusin ang nasimulan niya, lalo na ngayon at alam niyang parte ng nakaraan niya si Yuri at ganoon rin ang kapatid nitong si Mariko.
-----
BINABASA MO ANG
Little Things (Gongchan)
Romance"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako at magulo nanaman ang mundo ko." - Gongchan , Little Things