Little Things: Forty-Four

42 4 0
                                    

"Aalis ka? Saan ka pupunta?"

Natigilan si Jiena sa ginagawang pag-aayos ng ilang laman ng bag na dadalhin niya nang marinig ang kaibigan niyang si Miru na nagsalita sa tabi niya. Marahil dahil sa abala siyang ayusin ang gamit niya ay hindi niya na namalayang nasa tabi na niya si Miru at tahimik lang na pinagmamasdan siya.

"Oo, sa ampunan." Sabi niya rito at saka muling nagpatuloy sa ginagawa.

"Mukhang napapadalas na ang pagpunta mo roon ah."

"Sinabi ko naman sa iyo, may kailangan akong maalala at malaman kaya bumabalik ako roon."

"Alam ko, alam ko. Si Yuri pa rin ang dahilan hindi ba."

"Hindi na lang ito basta tungkol kay Yuri."

Saglit lang at natapos na si Jiena sa pag-aayos ng bag niya. Umayos siya ng upo at saka muling diretsong tinignan si Miru habang ang huli naman ay para bang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi niya. Kung dati ay puro si Yuri lamang ang bukang bibig niya sa tuwing pag-uusapan nila ang tungkol sa ampunan, ngayon ay tila ba nag-iba na ang ihip ng hangin.

Maraming alaala ang pilit na bumabalik sa kanya simula nang matunton niya ang lugar na iyon, marami pa siyang gustong malaman at maraming pangyayaring nagbabalik sa isip niya na hindi niya alam kung parte ba ng nakaraan niya o dala lang nang mga nangyayari nitong huling araw. Marami pa siyang mga bagay na gustong malaman at alam niyang ang patuloy na pagtungo niya sa ampunan ang siyang magiging susi sa lahat ng iyon.

Alam niya na rin ngayon na si Yuri at Mariko ay magkapatid. Nakumpirma niya ang bagay na iyon nang dalhin siya ni Gongchan sa Holy Angels at ipakilala si Mariko bilang kapatid ni Yuri. Mula nang araw iyon ay patuloy na ang bihlaang pagsulpit ng mga alaala niya lalo na ang mga pangyayaring ang hula niya ay nangyari noon sa ampunan habang naroon siya.

Tama ang hinala niya at alam niyang iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit inadiya nitong magtungo siya roon umpisa pa lang.

"Anong ibig mong sabihin."

"Alam kong may iba pang dahilan kung bakit ako napadpad sa Holy Angels. Kung bakit natunton ko iyon at kung bakit nagsimulang bumalik ang mga alaala ko. May hinala akong may koneksyon ang ampunan sa akin at sa nakaraan ko. Ngayong alam ko nang nanggaling doon si Yuri, iniisip kong baka may posibilidad na nagkasabay kami sa pananatili sa ampunan noon. May posibilidad na may koneksyon kaming tatlo. Ako, si Yuri at ang kambal nitong si Mariko."

"Teka, Teka, teka lang." awat nito sa kanya habang sapo ang ulo at halatang nalito sa sinabi niya. "Ang ibig mong sabihin, ikaw at iyong dalawang sinasabi kong magkapatid eh nakilala mo na noon sa ampunan? Si Yuriko Nam? Nag-stay siya sa ampunan at may kakambal siya?"

"Malakas ang hinala ko na ang dalawang batang nakasama ko noon at nakapalagayan ko ng loob ay walang iba kung hindi sina Yuri at Mariko."

"So tingin mo kaya ikaw ang nilapitan nga kaluluwa ni Yuri dahil may pinagsamahan kayo? At alam niya ang kakayahan mo?"

Marahan siyang tumango bilang tugon at saka inilabas ang ilang larawan sa bag niya.

"Ibinigay iyan sa akin ni sister Marta, sinabi niya sa akin na noong bata pa ako, walang ibang batang gustong makipaglaro sa akin dahil natatakot sila. Lalo na tuwing sinasabi kong may mga bagay akong hindi nakikita ng mga irdinaryong mata. Walang batang gusto akong lapitan dahil sa takot sa akin, maliban sa kanilang dalawa." Sabay turo niya sa dalawang batang babaeng katabi niya at tila pinagbiyak na bunga.

"Ang ibig mong sabihin, ang mga batang ito ay sina Yuri at Mariko?"

"Kung ganon, totoo ngang may koneksyon kayo sa isa't isa. Pero paanong nangyari na natunton ka ni Yuri? Napaka-coincidental naman noon na sa dami ng may kakayahan na tulad ng sa iyo, ikaw pa ang hahanapin niya."

Little Things (Gongchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon