Ich wollen zu eingeben
Hogsmeade Akademie'Yan ang mga salitang magpapabago sa aking buhay.Mga salitang dadalhin ako sa mundong dapat kong kalagyan.
Mundo na kung saan matatagpuan ko ang tunay na ibig sabihin ng pamilya, kaibigan, at pagmamahal. Mga bagay na hindi ko nakita at naramdaman dito sa mapanghusgang lipunan.
Ayoko na sa mundong ito. Sa mundong hindi tanggap ang kakayahan ko. Hindi ko na kayang mabuhay kasama ang mga taong pinaparamdam na hindi ako kabilang sa mundong ginagalawan ko.
Pero paano nga ba ako dadalhin ng mga salitang 'yan sa sa mundong tinatamasa 'ko?
Paano?
***
Mangkukulam!
Anak ng bruha!
Maligno!
Demonyo!
Salot!
Yan ang mga masasakit na salita na naririnig ko sa mga tao. Sobrang sakit, hindi ko matanggap.
Bakit ba kase may ganito akong kakayahan?
Ayoko sa mundong 'to! Ayoko sa mundong hindi ko ramdam na kabilang ako.
Ako si Rowena Salazar.
Ako'y may kakayahang magpagalaw ng mga bagay. Minsan, hindi ko sinasadyang mapagalaw ang isang bagay na ikinasasanhi ng insidente. Hindi ko minsan nakokontrol ang kakayahan kong ito. Kaya ganun nalang ang tingin sakin ng mga tao.
salot, mangkukulam, demonyo, at kung ano-ano pa.
Gusto ko nang makalaya sa mga kadenang salita na nakagapos sa akin. Nais ko na rin mawala itong kakaiba kong kakayahan na hindi ko alam kung bakit at saan nagmula.
...
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...