Chapter 24:Truth

2K 105 5
                                    



"Walang hiya talaga yang Samantha na 'yan!Napakadesperada niya para gawin ang bagay na 'yon!Nagpipigil lang ako ng galit kanina,kung hindi nako baka napatay ko pa 'yang bruhang yan!"nanggagalaiting saad ni Cheska.


"Bakit naman kaya niya ginawa ang bagay na 'yon?"tanong ko.

"Kilala naman natin si Samantha,lahat ng gustuhin niya ay kinukuha niya kahit na masama pa ito.Napakawalanghiya."nanggagalaiti pa ring tugon ni Cheska nang makasalubong namin sila Mark bago pa man kami makapasok ng Magna Hall.Napatigil kaming tatlo nang masalubong namin siya.Nagkatitigan naman si Cheska at Mark dahil sa ginawang plano ni Cheska.Naunang umiwas ng tingin si Cheska at dumeretso na kami sa loob ng Magna Hall.

"Cheska,bakit nga pala pumayag si Mark sa plano mo?Hindi ba't kasintahan niya si Samantha?Bakit niya 'yon ginawa?"mahinang boses na tanong ni Yuan habang kumakain.

"Yuan makinig ka.Pumayag si Mark dahil hindi niya na kinakaya ang ginagawang kasamaan ni Samantha.Actually,hindi naman ginusto ni Mark na maging kasintahan niya ito.Naging magkasintahan lang silang dalawa dahil merong malaking utang na loob si Mark kay Samantha.Kaya nangyaring kinasabwat ko siya sa mga plano ko.Alam niyang mali ang ginawa niya sa mga mata ng kasintahan niya,ngunit mas gusto niyang manatili sa katotohanan."

"Kaya pala sarap na sarap 'tong si Yuan kanina sa potion na ininom niya dahil sa kabutihang loob ni Mark."saad ko at bigla nalang ako nakaramdam ng awa kay Mark.Ginagawa niya ang bagay na yon para mabayaran ang utang na loob nito kay Samantha.Napakasama talaga ng babaeng 'yon.



"Eh ano nang plano natin?Paano natin ipapaalam kina Headmaster ang tungkol dito?"kunot noong tanong ko.

"Ako nang bahala."tugon ni Cheska at nagpatuloy na kaming kumain.


Nakalipas ang aming hapunan sa Magna Hall at narito na kami ngayon sa loob ng aming Houseroom upang magpahinga.Nagbabasa ako ng libro habang nagi-isip pa rin si Cheska ng paraan kung paano ibubunyag ang mabahong sikreto na aming natuklasan kay Samantha.

Makalipas ang sandali ay nadako ang pansin ko sa pintuan nang may kumatok dito.Agad naman akong tumayo at tumungo dito upang buksan at alamin kung sino ang kumatok.Ngunit laking gulat ko nang si Mr. Yabang ang bumungad sa akin.

"Uhm,m-may p-problema ba?"nauutal at nahihiya kong tanong dito.

"Dinalhan ko ng pagkain yang alaga mo."tugon niya sabay taas ng hawak hawak niyang supot na may lamang mga gulay.

"H-ha?"

"Di mo ba narinig?dinalhan ko ng pagkain yung binigay kong alaga sayo at baka mamaya hindi mo yan pinapakain."seryoso nitong saad."Ayaw mo ba?sige aalis nalang ako."pagbabawi niya ngunit hinawakan ko ang braso niya para pigilan ito.Napatingin naman siya sa ginawa kong paghawak sa braso niya kaya naman inalis ko ito kaagad.

"Akin na."saad ko at sabay kinuha yung hawak niyang Supot."Salamat."ngiti ko namang saad at isinara na ang pinto kahit na may iba pa syang sasabihin sa akin.

"Ano bang nangyari don at naisipang dalhan ng pagkain tong si Little Mr. Yabang?Anong sa akala niya hindi ko pinapakain!eh halos tumaba na nga tong alaga ko!"naiinis ngunit mahina kong saad.Bumalik na ako sa sofa'ng inuupuan ko at ipinagpatuloy ang aking pagbabasa.



"Sino 'yong kumatok?"tanong ni Cheska.

"Ahh si Axcel,binigay 'tong pagkain,ewan ko nga don kung bakit niya naisipan yon."tugon ko at hindi na kumibo si Cheska.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now