"Y-yuan!buti naman at gising ka na!"pagbalikwas ko nang dumilat ang mga mata ni Yuan.
Simula kanina pa kasi siya hindi nagigising matapos siyang hampasin ng buntot ng napakalaking dragon.
Parang bigla nalang nawala ang galit ko kay Yuan habang nakikita ko siya na nakahiga sa kama dito sa loob ng Hospital Wing.Nakabenda ang kanyang kaliwang braso at pati na rin ang kanyang ulo.Matindi ang nangyaring paghampas ng dragon na siyang ikinabali ng kanyang braso.Maluha-luha kong hinawakan ang kanyang kamay dahil sa aking pag-aalala.
"Don't worry,I'm fine.I'm fine as long as I'm living with you thrixcy."mahinang boses na saad ni Yuan sa akin.Bigla nalang akong napayakap kay Yuan nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
"Ahrg,araaaaaaaaaay!"
"Ah p-pasensya na,m-masakit pa ba 'yang bali mo?"paghingi ko nang pasensya matapos kong madaganan ang kanyang kaliwang braso dahil sa aking pagyakap.
Napatango nalang si Yuan at idinako ang kanyang tingin sa kisame.Namuo ang katahimikan sa loob ng silid marahil wala manlang nagsasalita sa amin at maging kami lang ang naroroon.Ilang sandali pa ang nakalipas at nagsalita na ako bago pa man maging awkward sa loob ng silid.
"Uhm,Y-yuan?"saad ko at nagtanong naman siya ng bakit nang hindi man lang ako nililingon."P-pasensya nga pala sa mga nangyari noong nakaraang araw."
"Wag mo nang isipin 'yon Thrix,ayos lang sa akin."tugon niya.Maya-maya pa ay biglang napakunot ng noo si Yuan at biglang lingon sa akin."Teka,ako dapat ang humihingi ng pasensya sa'yo.At saka isa pa,natural lang sa taong nagmamahal ang masaktan dahil part ng love 'yon."
"Basta Yuan,sorry.Sorry kasi hindi ko kayang suklian 'yong pagmamahal na pinaparamdam mo sa akin.Sad to say na hanggang magkaibigan lang talaga tayo."saad ko ngunit bigla nalang akong nakaramdam ng hiya dahil sa mga sinabi ko,ang ganda ko naman para i-friendzone ang gwapong lalaking 'to.Pero wala e,alam kong may mas deserving na babae para sa feelings niya.
"Don't say sorry thrix,rerespetuhin ko naman ang nararamdaman mo.Pero lagi mong tatandaan na nandito ako lagi sa tabi mo,hindi ko hahayaang may manakit sa'yo,tandaan mo 'yan."nakangiting saad ni Yuan kahit na may mga luhang umagos sa kanyang mga mata.Tuluyan na 'ring ngumilid ang luha sa aking mga mata sa nasabi niyang iyon.
"Rowena!Yuan!"sigaw ni Cheska nang makapasok siya sa loob ng silid.Agad naman akong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kamay ni Yuan.
"B-bakit Cheska?May nangyari ba?bakit parang natataranta ka?"
"Kailangan 'mong sumama sakin Rowena,si Axcel!"tugon ni Cheska sa tanong ko.
"A-anong nangyari kay Mr. Yabang!?"napatayo ako sa aking pagkakaupo nang banggitin niya ang pangalan ni Mr. Yabang.Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pag-aalala sa kung anong nangyari sa kanya at ga-noon nalang ang pag-aalala ko.
"Sumama ka sakin."pag-aya ni Cheska at sabay lumabas ng pinto kaya naman sinundan ko ito.Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ay tinawag agad ako ni Yuan.
"Take a rest Yuan,babalik ako."
Dali-dali kong sinundan sa pagtakbo si Cheska at nagtungo sa kinaroroonan ni Mr. Yabang.Sa mga sandaling iyon ay namayani sa aking isipan ang pag-aalala ko sa kanya dahil na rin sa 'di-mapakaling si Cheska.
Nang nakarating na kami sa hallway na kinatatayuan ni Mr. Yabang ay laking gulat ko na nakayakap ito kay Vector.
"Hoy ikaw!"pagtutugon sa akin ni Vector."Pwede bang alisin mo sa akin 'tong kaibigan mo!Bakla 'yata 'to e!"nagngangalit na sigaw sa amin ni Vector.Ilang saglit pa ay dumami na ang estudyante na nakapaligid sa kanila na mga nagsisitawanan dahil sa kanilang nasasaksihan.Hindi ko alam kung matatawa ba o magagalit ako sa nakikita ko.
"Babe!isang kiss lang pleaseeeee!"paglalambing ni Mr. Yabang este ni Mr. Lambot kay Vector.Halos masuka na kaming estudyante sa ginagawang paghaplos ni Mr. Yabang sa matikas na katawan ni Vector.
Rinig na rinig naman ng aking tenga ang mga babaeng naghihiyawan dahil sa romansang nasasaksihan nila."Yieeeee bromaaaanceee!!"sigaw pa ng isang estudyante.
"Damn!"bulong ni Vector sabay siko sa tyan ni Vector at tadyak dito na siyang ikinabagsak nito sa sahig.Agad-agad naman naming nilapitan ni Cheska si Mr. Yabang upang tulungan ito.Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam na ako ng awa dahil sa ginawang iyon ni Vector.
Nagulat kaming dalawa ni Cheska nang makita namin ang hugis pusong lalagyan na yakap-yakap ni Mr. Yabang.Nagkatinginan kaming dalawa ni Cheska na animo'y iisa lang ang nasa isip naming dalawa.Oo tama,kinain ni Mr. Yabang 'yong mga chocolate at cupcake na binigay sa akin kanina ni Vector.
Agad-agad naming binuhat at inakay si Mr. Yabang hanggang sa siya ay makatayo.Hindi man lang siya dinamdam ang sakit dahil sa ginawa ni Vector bagkus ay hinahanap hanap pa rin nito si Vector.Napakabisa nga ng Love Potion na iyon.Ultimo kahit lalaki ay kayang tablan nito kahit na lalaki rin ang nagbigay dito.
Dinala namin ni Cheska si Mr. Yabang kay Professor William upang ipaalam sa kanya ang nangyari at isa na rin marahil na magaling siya sa mga potions kaya naman painugarong alam niya ang dapat gawin upang mapawalang bisa ka-agad ang epekto nito.
"Hindi ba niya naisip na ikapapahamak ng kanyang paaralan ang kanyang ginawa!?"galit na galit na saad ni Headmaster matapos naming ikuwento ang lahat sa kanya.Agad-agad naman siyang kumuha ng gamot sa loob ng cabinet at dali-dali nitong ipinainom kay Mr. Yabang.
Ilang saglit pa ang nakalipas ay biglang nabago ang awra ni Mr. Yabang at bumalik na ito sa dati.
"A-anong nangyari?"gulong gulong isip na tanong niya sa amin.Bigla nalang niyang itinapon ang hugis pusong lalagyan nang makita niyang nay litrato ito ni Vector."Anong ibig sabihin nito!?b-bakit nasaakin ang bagay na 'yan!?"galit na tugon sa hugis pusong lalagyan.Natawa nalang kaming tatlo ni Headmaster sa mga nangyaring iyon kay Mr. Yabang.
Naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari habang kami ay patuloy pa rin sa pagtawa.
Hindi na napigilan ni Mr. Yabang na magalit kaya naman biglang nag-apoy ang nasa lapag na lalagyan gamit lamang ang kanyang isip at galit na lumabas ng Headmaster's Office.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...