"I-ikaw ang Heir ng Water Charm!?"pagkagulat ni Cheska nang makita ang isang estudyante na nakatayo saloob ng Praxi.
"P-pero papaano?"dugtong niya na may halong pagtataka.
Pumasok si Cheska sa loob ng Room of Praxi at pinuntahan ang isang estudyante na kanina pa hindi makapaniwala sa nangyari kaninang pagbaha ng tubig.
"Sa-samantha,paano mo nagawa 'yung bagay na 'yon?"seryosong tanong ni Cheska dun sa babaeng estudyante.
"H-hindi ko alam Cheska,hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yon."sagot ng babae na at kitang kita sa mukha niya na natatakot at nag-aalala.
"Hindi kaya i-ikaw ang Heir ng Water Charm?"naguguluhang tanong ni Cheska rito.
"H-hindi ko alam Cheska."takot at nag-aalala pa rin nitong sabi.
"Di 'bale na,aalamin ko kung ano ang totoo."seryoso paring bigkas ni Cheska at talikod sa babaeng estudyante.
Nilinis ni Cheska ang sahig gamit ang spell na ginamit niya noong nangyari rin ang aksidenteng ito sa akin.
Lumabas na si Cheska sa Room of Praxi at niyaya na akong umalis doon.
Nagpatuloy lang maglakad si Cheska kaya naman sinundan ko ito ngunit masyado siya mabilis para maglakad kaya binilisan ko rin ang lakad ko.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.Una sa akin,hindi ko naman sinasadyang magbaha kanina sa Room of Praxi.Pero ngayon ay 'yung babaeng estudyante naman na nan 'doon na tinawag ni Cheska sa pangalang Samantha.
Ano bang meron 'kung bumaha ng tubig gamit ang spell na 'yon?Hindi ba na-mispronounce lang 'yung exact spell kaya nagkaganon?oh dahil may kakaiba nga talaga.
"Teka muna Cheska,pwede ba bagalan mo muna 'yang paglakad mo?hindi kita mahabol sa bilis mo at bakit ka ba nagmamadali?may humahabol ba sa'yo?"pagtatanong ko dito pero hindi man lang ako nakarinig ng sagot mula sa kanya.Mukhang ang lalim ng iniisip niya kaya naman di ko na 'yun pinansin at sinundan nalang siya kung saan naman siya patungo.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay narating namin ang isang silid.
Ang Library.
Dahil maraming libro kaya baka ito ay Library ng Hogsmeade.
"Cheska bakit tayo nandito?Magbabasa ba tayo?"tanong ko.
"Pumasok tayo sa loob at meron tayong kailangan malaman."ang tanging imik ni Cheska at siya namang pagpasok sa Library kaya naman sinundan ko ito.
Pumunta si Cheska History Section ng Library na 'yon at nay hinanap na 'kung anong libro.
Sandaling minuto ang ginugol ni Cheska para mahanap 'yung librong hinahanap niya.
Umupo na kaming dalawa ni Cheska sa Reading corner at sinimulan na niyang buklatin ang librong kinuha niya sa History Section.
"Hogsmeade Students"ang nakalagay sa cover ng librong iyon.
Bakit niya 'yun kinuha?anong kailangan niya sa Estudyante ng Hogsmeade?
Agad niyang hinanap ang pahinang gusto niyang buksan at nahanap naman niya ito.
"Samantha Edlyn,She's the only daughter of James and Margarette Edlyn,both of her parents are Pure Maggo.Her mother Margarette is a former Heir of Water Charm."pagbasa ni Cheska sa pahina ng librong iyon.
"Nanay niya si Margarette Edlyn?Ang isa sa mga Heir ng Water Charm!?"may kalakasang boses na sabi ni Cheska na siyang ikinatingin ng mga ibang estudyante na nasa loob ng library na 'yon.Maging ang Librarian ay napatingin at tinitigan kami nito sabay lagay ng hintuturong daliri nito sa bibig.Para bang sinasabi niyang bawal ang maingay.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...