Nandito na kaming dalawa ni Cheska sa loob ng Room of Praxi kung saan dito trinitrain ang mga baguhang estudyante.May pagkamalawak 'tong kwarto at kung ano anong mga bagay ang mga nandito.
"Ilapag mo na 'yang gamit mo at kunin mo 'yung Book of Spells."utos ni Cheska at sinunod ko naman.
"Kapag magpapakawala ka ng spell,siguraduhin mong kontrolado mo ito dahil kapag mali ang galaw mo ay baka mapahamak ka."paliwanag niya na ikinatango ko.
"Ang kailangan mo lang gawin para maging maayos ang pag cast ng spell ay focus.Isipin mo lang at magfocus ka sa spell na pakakawalan mo sa iyong kamay nang sa gayon ay magawa mo iyon ng maayos."sabi niya habang may kinukuhang gamit sa box.
"Ang unang spell na ituturo ko sayo ay ang Aguamenti.Buksan mo ang unang pahina ng libro at basahin mo ang nakasulat kung ano ang ibig sabihin ng spell na 'yon."seryoso niyang utos na siya namang buklat ko ng libro at binasa kung ano ang nakalagay doon.
"Aquamenti-produces a jet of water from the caster's hand."malinaw na pagbasa ko sa nakasulat doon.
''Exactly.Ngayon,panoorin mo ang gagawin ko."sabi ni Cheska at itnaas niya ang basong babasagin na hawak niya kung saan kinuha niya doon kanina sa box.Itinapat niya ang kanyang kanang kamay sa baso at nag cast ng spell.
"Aguamenti."banggit nito na siyang ikinamangha ko dahil nagkaroon ng tubig 'yung basong hawak hawak niya dahil sa spell na 'yon.
"Woah."pagkamangha ko sa ginawa niya.
"Ngayon Rowena,subukan mong gawin 'yung nakita mo."utos nito sabay abot sa akin ng isa pang baso galing sa box.
"Uulitin ko Rowena,focus lang ang kailangan para magawa mo ng maayos maliwanag?"seryoso nitong sabi.
"Maliwanag."tugon ko at inangat ko na ang baso at itinapat ang kamay ko dito.
"Aguamenti."bigkas ko sa spell na siya namang ikinatuwa ko dahil nagkaroon ng tubig 'yung hawak kong baso.
"Konting focus pa Rowena,mapeperfect mo rin 'yan."nakangiti niyang sabi dahil konti lang ang tubig na nasa basong hawak ko kumpara sa baso niya na halos mapuno na.
Itinapat ko ulit ang kamay ko sa baso para mag-cast ulit ng spell.
"Aguamenti."may kalakasang boses kong sabi na ikinagulat naming dalawa ni Cheska dahil halos nagkaroon na ng Fountain sa sobrang daming tubig na lumabas na siyang dahilan ng pagkabasa naming dalawa.
"Dahan dahan lang Rowena,hindi mo kailangang madaliin at isigaw ang spell.Sabi ko Focus,tingnan mo ang ginawa mo?halos bumaha na dito sa Loob."paguutos nito na ikinatungo ko.Para akong bata na ang hirap makaintindi.Na-excite lang naman akong banggitin 'yung spell e."P-pero bakit?p-paano mo nagawa 'yun?"tanong nito.
"Ang alin?"kunot noo kong taon.
"Yun spell,yung ginawa mo kanina.Ngayon pa lang ako nakakita ng isang kaedad mong Maggo na nakagawa niyan.Hindi kaya ikaw ang...Hayst hindi!imposible."pagtataka nito.
"Anong ako kaya?ang alin?"kunot noo ko pa ring tanong sa kanya.Anong ibig sabihin niya?At ano ang tinutukoy niya?
"Wala 'yun Rowena.Di bale na,lilinisin ko nalang 'to.Panoorin mo at tandaan ang gagawin ko."dugtong nito at itinapat niya ang kanyang kanang kamay sa sahig.
"Deletrius."Bigkas ni Cheska na siyang ikinawala ng tubig sa sahig na para bang nilinis niya.Ang astig!
Agad kong binuklat ang libro at hinanap ang spell na 'yon.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...