Kasalukuyan akong nakikinig sa tinuturo ni Professor Norman sa kanyang Defense against the dark arts.Kaya naman pala hinahanap nila si Professor Norman nung araw na si Professor Michael ay marahil mas magaling ito magturo.Magaling nga si professor ngunit mas angat para sa akin ang kay Professor Norman.Hindi naman siguro sa galing 'yun,nasa estudyante rin naman kung paano nila mai a-adopt yung lessons na tinuturo.
Nagpalingon lingon ako sa loob ng kwartong ito dahil ngayon ko lang napansin na wala pala dito sa loob si Cheska.Hindi ko alam kung saan siya nagpunta dahil ang huli kaming nagkita ay kaninang umaga bago kami pumasok sa una naming klase.
Lumingon ako sa kaliwa ko ngunit wala siya,at nang lumingon naman ako sa kanan ay saka ko lang siya ulit nakita,mukha siyang pagod dahil tagktak ang pawis niya sa mukha.
"Oh Cheska nandyan ka pala?bakit parang hindi kita nakitang pumasok ng silid na 'to?"nagtataka kong tanong.
"Kung saan saan ka kasi nakatingin kaya hindi mo ako nakita."
"Ah ganun ba."saad ko."Teka,saan ka ba nanggaling?bakit late ka nang pumasok dito?"kunot noo kong tanong.
"May ginawa pa kasi ako."tugon niya at sabay iwas ng tingin.Hindi ko na pinansin yun at nakinig nalang kay Professor Norman na kasalukuyang nagtuturo.
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay patungo na kaming lahat sa Magna Hall upang maghapunan.
"May mahalaga daw sasabihin si Headmaster William mamaya sa hapunan,may ideya ba kayo kung ano 'yun?"kunot noong tanong ni Yuan habang kami'y naglalakad sa hallway.
"Malalaman rin natin 'yan mamaya."tugon ni Cheska.
"Okay."
Nagpatuloy lang kaming lahat maglakad sa hallway nang makasalubong namin si Professor Trelawney,binigyan niya ako ng matatalim na titig ngunit umiwas lang ako ng tingin.Hindi ko alam kung ano bang meron sa guro'ng ito.Hindi ko siya maintindihan magmula kaninang umaga nang sabihin niya ako raw ang magliligtas sa mundo ng mahika.Paano naman mangyayari 'yon eh isa lang naman akong ordinaryong maggo.Hindi naman kapani-paniwala ang mga sinabi niya sakin kanina.Sa hitsura niya eh mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya,pero feeling ko eh may hindi na magandang nangyayari sa kanya o kaya'y pinagtitripan niya lang ako.
Binilisan ko nalang ang aking paglakad upang makaiwas kay Professor Trelawney at baka kung ano pang gawin o sabihin sa akin 'nun.
"Rowena,bakit ganun nalang kung makatitig sa'yo si Professor Trelawney?Teka,may nangyari ba kaninang umaga noong tinawag ka niya?Tungkol saan ba ang pinag-usapan niyo?"nanlalaking mga matang tanong ni Cheska.
"Uhm,pinag-usapan lang namin kanina 'yung tungkol sa nakita sa tea cup ko."pagsisinungaling ko dito.
"Talaga?anong sabi niya?"
"Wala naman,sabi niya lang eh mag-iingat daw ako palagi."pagsisinungaling ko pa.
"Ah ganun ba.Siguro tama siya Rowena.Miski ako eh natatakot na rin sayo,baka kung anong mangyare sayo dahil sa tea cup mo,at sa mga boses na naririnig mo nitong mga nakaraang araw.Mag-iingat ka palagi Rowena."Pagpapaala ni Cheska sa akin at tumango naman ako.
Ilang saglit pa ay nakarating na nga kami sa Magna Hall at naupo na sa aming lamesa.Mabilis na nilantakan ni Gio ang mga masasarap na pagkain na nakahain na mahabang lamesa.Ilang saglit pa ay nagsalita si Headmaster William sa unahan.
"Goodevening Students."saad niya at tumigil ang lahat sa pagkain at binigyang pansin si Headmaster na nagsalita sa unahan."Ngayong gabi ay nais kong ipaalam sa inyo na sa susunod na linggo ay meron tayong mga bisita na darating dito sa ating paaralan upang dito ganapin ang isa sa pinakamalaking event ng bawat paaralan sa Maggo World."dugtong niya at nagsimula nang magbulungan ang mga estudyante dahil sa kanilang narinig na balita.Kitang kita sa kanilang mukha ang saya at tuwa dahil sa kanilang narinig.Ngunit bakit kaya?Ano kayang event yon at bakit andaming sabik sa event na yon?"Sa susunod na linggo ay darating ang ating mga bisita mula sa tatlong kilalang eskwelahan dito sa Maggo World.Marapat lamang natin itong paghandaan dahil isang beses lang ito magaganap sa loob ng napakaraming taon.Bibisita sila dito para lumahok sa gaganaping Quadroyal Tournament."
Marami talagang natuwa sa nasabing event ngunit wala pa rin akong ideya kung ano nga talaga ang magaganap na iyon.
"Gaya ng ating kultura,ang Quadroyal Tournament ay isang paligsahan na kung saan ay magtatagisan ang apat na Eskwelahan kabilang ang Hogsmeade sa larangan ng Mahika.Ito at may apat na grupo at apat na miyembro.At gaya ng nakagawian,ang ating Heirs o ating Royals ang makikilahok sa nasabing event."nakangiting paliwanag ni Headmaster na siyang ikinagulat ni Cheska na siyang nasa tabi ko at si Yuan na nasa harap ko.Marahil sila'y mga Heir ngunit bakit parang ngayon lamang nila nalaman ang tungkol dito.Maraming estudyante ang nagpalakpakan at kabilang na ako doon.
Napadako naman ang tingin ko kay Mr. Yabang na nasa unahan rin malapit kay Headmaster.Parang wala lang sa kanya ang sinasabi ni Headmaster dahil wala ni anong ekspresyon ang mukha ni Mr. Yabang.
"Excited na ako sa mga magaganaaaaaaaaap!"bulalas ni Yuan.Bakas na bakas sa mukha nilang dalawa ni Cheska ang saya dahil sa naturang event.
"Goodluck sa inyong dalawa Cheska!saad ko cheska sabay yakap sa kanya.
"That's all students,ituloy niyo na ang hapunan niyo."nakangiting saad ni Headmaster at dumako na ito sa table nito sa unahan kasama ang mga Professors.
Napadako naman ulit ang tingin ko kay Mr. Yabang at di ko inaasahan na nakatingin rin pala siya sakin.Umiwas nalang ako ng tingin sa nakita kong pagtitig niya.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...