Chapter 29:Quadroyal Tournament (First Task)

1.9K 84 3
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat,ngayong araw ay magaganap na ang Quadroyal Tournament.Hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan dahil sa mga magaganap mamaya.Kahit na wala pa akong ideya kung anong mga pagsubok ang mga magaganap ay may kaba pa rin ako.

"Uhm,Cheska.Na-nasaan na si Yuan?"pag-aalala ko dahil simula kahapon ko pa siya hindi nakikita.Nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya,kaya siguro hindi na siya nagpapakita sa akin."Bakit wala pa siya?malapit nang magsimula ang tournament ah."dugtong ko pa.

"Kaninang umaga pa nga namin siya hindi makita e.Nag-aalala na nga ako baka kung ano nang nangyari don,Hindi daw 'yon umuwi kagabi sa Houseroom ah?"

"A-ano!?"pagkagulat ko sa sinabi ni Cheska.Kaya pala hindi ko man lang siya nakita kagabi sa ating hapunan."Saan naman kaya nagpunta 'yon?"

"Wala akong ideya Rowena."tugon niya sabay may pumasok sa loob ng tent namin.

"Maghanda na kayo,ilang minuto nalang at magsisimula na ang Tournament."pagbungad ni Mr. Yabang nang makapasok siya sa tent."Teka,b-bakit?nasaan si Yuan?"kunot noo niyang tanong nang malaman niyang wala sa loob si Yuan.

"Hindi rin po namin alam,hindi pa namin siya nakikita simula kagabi."ani Cheska at nagmadaling lumabas ng tent si Mr. Yabang na animo'y alam kung saan naroroon si Yuan kaya naman nagkatinginan kaming dalawa ni Cheska.

Ilang saglit pa ay may pumasok ulit na lalaki sa loob ng tent namin.

"Hi Rowena."pagbati ni Vector sa amin.

Aba ang bastos ng lalaking 'to ah!Basta-basta nalang pumapasok ng walang paalam!

"Uso naman kumatok hindi ba!?"pagtataray ko agad dito.Aaminin ko na noong una kong kita sa kanya ay namangha agad ako sa kanya dahil sa gwapo niyang mukha at tikas ng kanyang katawan,pero malaman kong wala kang galang at basta basta ka nalang papasok!

"Pumasok na ako kasi wala namang pinto itong tent kaya bakit ako kakatatok?"

Aba namiloso pa ang loko!"Nang-aasar ka ba o wala ka lang talagang commonsense!?"sigaw ko at narinig kong natatawa na si Cheska.Natameme naman si Vector sa ginawa kong pagsigaw."Bakit ka pala nandito?Anong kailangan mo?"

"Ibibigay ko lang sana sa'yo 'to."ani Vector sabay abot sa akin ng kulay pula at hugis pusong lalagyan na may kasamang isang pirasong rosas.Inabot ko naman ito at marahang binuksan ang lalagyan upang malaman kung ano ang laman nito.Napatingin ako kay Cheska nang makita ko ang Chocolates at cupcakes na nasa loob.Na-realized ko kasi na baka doon nilagay ni Vector ang potion na ginawa nila kagabi sa tore.

Binalik ko ang aking mga tingin kay Vector at binigyan siya ng plastik na ngiti."Maraming salamat,pwede ka na umalis."saad ko at dahan-dahan naman siyang umatras hanggang sa makaalis na siya.

"Oh bakit mo naman tinapon?sayang naman 'yan oh."tanong ni Cheska nang makita niya ang pagtapon ko noon sa basurahan.

"Mag-isip ka nga Cheska!Hindi ba't may balak siyang paibigin ako gamit ang potion na ginawa niya kagabi?Malamang na nilagyan niya ng Potion 'yang chocolates at cupcakes!Kapal ng mukha niya!Hindi niya ako madadaya at mapapaibig dahil diyan!"nagngagalit kong saad dito at napaisip siya sandali at bago nakuha ang punto ko.

"Sabagay..."


Ilang minuto ang lumipas ay bumalik si Mr. Yabang sa tent at lumabas na daw kami dahil magsisimula na ang tagisan.

Hindi pa man kami nakakalabas ay rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga kapwa ko estudyante.

Nang makalabas na kami ay tumambad sa amin ang tatlong teams na makakalaban namin sa Tournament.Tulad namin ay nasa tapat ng tent ang bawat teams.Kulay berde ang tent ng Castelobruxo habang kulay pula naman ang sa Durmstrang Institute.Kulay Dilaw naman ang sa Beauxbatons Academy at kulay asul ang sa amin.Sa gawing kanan ng aming mga tent ay naroroon ang napakaraming estudyante na nagsisihiyawan.Nasa kaliwa naman naming bahagi ang kagubatan ng Hogsmeade.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now