Chapter 21:Prophecy

1.9K 104 1
                                    


"Uhm Thrixcy,bakit parang may sumigaw sa kwarto niyo kagabi?ikaw ba 'yon?"tanong ni Yuan sabay higop ng mainit na kape.

"Ahh oo Yuan ako nga,narinig ko na naman kasi 'yung mga boses na narinig ko sa gubat."tugon ko.


"Teka nga,sabihin mo nga sa akin kung ano 'yung nga sinasabi ng mga boses na yon?"nakatitig at seryosong tanong nito sa akin.Napayuko ako sa narinig kong tanong nito sa akin.

"Papatayin daw nila ako Yuan."natatakot kong sagot.

"A-ano?"

"Papatayin daw nila ako."sambit ko pa at magsimula nang mangilid ang aking mga luha dahil sa takot.

"Teka lang Thrixcy,tumingin ka sa mga mata ko."saad niya sabay hawak sa mukha ko at iniharap niya sa mukha niya."Wag kang mag-alala,nandito lang ako,kaming mga kaibigan mo.Hindi namin hahayaang may manakit sa'yo."dugtong niya habang sapo sapo ng dalawa niyang palad ang aking pisngi.Pinunasan pa ng kanyang daliri ang luhang umaagos sa aking mata.

"Natatakot ako Yua--"

"Shhhhhhh.....Wag kang matakot,dahil walang pwedeng makapanakit sa'yo hanggat nandito ako sa tabi mo okay?"pagpuputol niya sa sinabi ko.

"Syempre hindi lang ikaw Yuan.Ako rin ay handang protekahan ang aking kaibigan."singit ni Cheska sabay yakap sa akin nang bumitaw ako sa pagkakahawak sa pisngi ko ni Yuan.

"Maraming salamat Cheska.Mahal na mahal ko kayo."bulong ko kay cheska habang yakap yakap ko siya.

"I love you too Thrixcy.Uhm este...We,WE LOVE YOU TOO!"nakangiting saad ni Yuan na siyang ikinangiti ko naman."Ayieee nangingiti na yaaaaaaaaaaaan...."pang-aasar pa niya na lalong ikinangiti ko.


"Maraming salamat sa inyong dalawa!Mahal na mahal ko kayo!"ani ko sabay yakap sa dalawa kong kaibigan.

Ilang saglit pa ay bumitaw na ako ngunit na freeze si Yuan sa kinatatayuan niya."Oh anong problema Yuan?Bakit parang nagyeyelo ka dyan?hindi ka makagalaw at nanlalaki pa yang mga mata mo?"nakangiti kong tanong dito.

"P-pwedeng i-isa pa?"tanong niya.

"Anong isa pa!?"

"Isang yakap pa at isang sabi na MAHAL MO AK- ESTE KAMI."tugon niya at kumuha ako ng isang nakarolyong dyaryo sa lamesa at ipinukpok sa ulo niya.

"Hindi ka talaga marunong makuntento!"pagtataray ko.

"Masakit 'yun ah!"pag-iinarte niya habang sapo sapo ang ulo niya.

"Gusto mo isa pa!?"sigaw ko sabay amba ng palo sa kanya.

"Dito naman."tugon niya sabay turo sa labi niya.

"Aba bastos kang bata ka!"sigaw ko ulit sa kanya pero deep inside ay kinilig ako sa ginawa niyang pag pout.Hmp!nakakainis ka talaga Yuan!

"Hindi na,hindi naaa.Masakit yaaaan."saad niya habang tinatakpan ang ulo niya sa gagawin kong pag palo sa kanya.Nakita ko namang tuwang tuwa si Cheska sa nakitang pang-aasar ni Yuan.Ipinatong ko na ang dyaryo sa lamesa.

"Mauuna na ako,baka malate pa ako sa first subject ko."pagpapaalam ko sa kanila.

"Teka lang iiwan mo ko?sabay na tayong dalawa!"pagtatampo ni Cheska pero nagpatuloy lang ako sa paglabas sa Houseroom at sumunod naman siya.

"Bakit ba parang nagmamadali ka yata?"tanong sa akin ni Cheska.

"Basta Cheska,maglakad ka nalang diyan."

"Uyyy kinilig ka lang kanina kay Yuan ehhhhh.Aminin moooooo!Kitang kita ko 'yung pamumula mo kanina!"pang-aasar sa akin ni Cheska.

"Hindi no!"

"Anong hindi!kitang kita ko kaya!Wag ka nang magmaangmaangan Rowena.At isa pa,wag mo nang tanggihan si Yuan eh tingnan mo.Gwapo siya,sweet,lovely,genius,at higit sa lahat,Isa lang naman siyang heir ng Paaralang 'to.Tapos irereject mo lang?"

"Hindi niyo rin ba alam na bawal ang magharutan kapag naglalakad sa hallway?"natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Mr. Yabang.Humarap ako sa likod at nakita ko si Mr. Yabang doon.

"Pati ba naman 'yon bawal?Hindi ka pa ba nakuntentong tinanggalan mo kaming dalawa ng Magic?"seryoso kong saad.

"Wala akong pakialam kung ilang beses kayong makatanggap ng parusa."walang emosyong sabi niya.

"Eh ano pa nga ba?Dyan ka naman masaya e,ang magpataw ng parusa sa kung sino mang gusto mong patawan."pagtataray ko.

Ilang saglit pa ay naglakad patungo sa akin si Mr. Yabang at napaiwas naman si Cheska nang dumaan ito sa kanya.Nagsimula na rin akong kabahan at umatras sa ginawa niyang paglapit sa akin.Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong."Rules are rules Ms. Rein Salazar,You don't have rights to break it."saad niya at napapikit ako sa init ng hangin na dumampi sa aking tenga.Pagdilat ko ay wala na siya sa harap ko,bigla nalang naglaho.

Napako naman ako sa aking kinatatayuan nang sabihan ako noon ni Mr. Yabang.Hayssss nakakainis talaga siyaaaa!

"Ms. Salazar?Maari ba kitang makausap?"tanong ni Professor Trelawney na kasalukuyang nasa likuran ko kaya naman hinarap ko ito at nag-Goodmorning.

"Magkita nalang tayo mamaya Cheska."saad ko kay Cheska at tumango naman siya.

Sinundan ko lang sa kanyang paglalakad si Professor Trelawney hanggang sa makarating kami sa kanyang Office sa hindi kalayuan.

"Maupo ka Ms. Salazar."nakangiting paanyaya ni Professor at umupo naman ako.

"So,kamusta naman ang mga nakaraang araw mo dito sa Hogsmeade?"tanong niya.

"A-ayos lang naman po."

"Wala ka bang napapansing kakaiba?"tanong pa niya.

"W-wala naman po Professor."pagmamaang maangan ko dahil meron naman talaga.

"Well Ms. Salazar,kilala mo naman siguro ako hindi ba?"

"Opo,ikaw po ang guro ko sa Divination."tugon ko.

"Exactly.At alam mo naman siguro kung ano ang nagagawa ko hindi ba?"

"Pwede po bang deretchuhin niyo na ako Prof.?Ano po bang kailangan niyo sa akin at bakit mo po ako isinama dito?"tanong ko dahil baka mahuli na ako sa aking klase kapag humaba pa ang usapan namin.

"Isa akong Seer Rowena."

"S-seer?"kunot-noo kong tanong.

"Kaya kong ipredict ang mga manghayari sa hinaharap iha.At ayon sa Propesiya ay ikaw ang nakatakdang magligtas sa Hogsmeade at maging sa buong Maggo World."saad niya na ipinagtaka ko ng husto.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"naguguluhan kong tanong.

"Nagbalik na sila Rowena,Magbahasik na sila ng kasamaan at ikaw ang nasa Propesiya na magliligtas sa buong Maggo World!"tugon niya nang nanlalaki at may kataasang boses.Natakot ako sa ginawa niyang pagkapit sa balikat ko naya naman napaatras ako.

"Uhm,S-sige po Professor Trelawney,mauuna na po ako."pagpapaalam ko sabay alis ng kwartong iyon ngunit hanggat sa paglabas ay sinundan pa rin ako ng tingin ng naglalakihan niyang mga mata.


Gulong gulo akong naglalakad sa hallway.Hindi ko mawari kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi.At saka ano ang sinasabi niyang ako ang magliligtas sa buong Maggo world.At ani ang sinasabi niyang Propesiya na ako ang itinakdang mailigtas ng buong Maggo World.

Kailangan ko bang maniwala o baka nababaliw lang si Professor Trelawney?Hays,hindi ko na alam!

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now