Chapter 2:Portkey

4.3K 206 3
                                    

Biglang tumayo si Headmistress sa kanyang pagkakaupo dahil sa pagtataka at pagkagulat sa mga sinabi ni Ms. Norris.

"W-What do you mean Ms. Norris?Paano mo nasabing walang kasalanan si Ms. Salazar?Are you there noong nangyari ang insidente?"Pagtatakang tanong ni Headmistress.

"Wala po ako doon noong nangyari 'yun Headmistress,pero hindi si Rowena ang dahilan kung bakit nangyari ang insidente kay Mica."Mahinahong paliwanag ni Ms. Norris.

"Kung ganon,sino ang may gawa ng nangyari kay Mica?"Nagtatakang tanong nito.

Hindi na sumagot si Ms. Norris sa tanong ni Headmistress,agad lumapit si Headmistress sa kinatatayuan ni Ms. Norris at tinanong ulit ito.

"I'm asking you Ms. Norris,sino ang gumawa noon kay Mica?"kalmadong tanong ni Headmistress.

Hindi pa man nakakasagot si Ms. Norris ay biglang bumukas ang pintuan ng Head's Office at bumungad sa amin si Mica na siyang ikinagulat naming tatlo.

"Mica!"masayang tawag ni Lily sa kanya at nginitian naman nito ni Mica.

"Tama po si Ms. Norris Headmistress,wala pong kasalanan si Rowena.Ako po ang may gawa nito.Sinubukan kong saktan ang sarili ko dahil sa dami ng problema ko.Patawad po Headmistress,patawad din Rowena dahil nadamay ka pa ng dahil sakin."maikling paliwanag ni Mica na siya namang ikinangiti ng labi ko.

"Pero Mica bago ka pa man mawalan ng malay,may nakita ka bang kakaiba?"Tanong ni Headmistress na para bang ang tinutukoy ay yung sinabi ko kanina sa itim na usok na siyang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Mica.

"Ahhm,w-wala naman po akong nakitang kakaiba Headmistress."Tugon ni Mica.

"Pero ano yung sinasabi ni Ms. Salazar na itim na usok?"pagtatakang tanong nito kay Mica na ikinalaki ng mata ko.

Bakit hindi maalala ni Mica?bakit wala siyang nakitang itim na usok noong nangyari yun.

"I-itim na usok?"Nagtatakang tanong ni Mica.

"Sinabi ko naman sayo Headmistress,nagsisinungaling lang si Rowena.Wala namang itim na usok o kung ano man ang sinasabi niya.Wala naman akong nakitang kakaiba dun."paliwanag ni Lily kay Headmistress na ikinainis ko.

"Lily,walang kasalan si Ms. Salazar dito.Wag mo siyang ipagdiinan sa pangyayaring ito.Si Mica na rin ang nagsabi na siya ang may gawa 'non sa sarili niya.Pagod lang siguro si Ms. Salazar kaya kung ano ano ang mga nakikita niya."Pagpapaliwanag ni Headmistress.

"Pero totoo po lahat ng mga nakita ko Headmistress,maniwala po kayo."Pagpupumilit ko sa katotohanang nakita ko naman talaga ang itim na usok na 'yun.

"Ms. Salazar,marahil pagod ka nga lang kaya ka nakakakita ng kung ano ano at nagkakaganyan."Paliwanag sakin ni Ms. Norris kaya hindi na ako umimik na.Kahit ano namang sabihin ko at pagpapaliwanag walang naniniwala at walang maniniwala sakin.

"Mica,mabuti na ba ang pakiramdam mo?"tanong ni Headmistress

"Ayos na po ako Headmistress,pinainom na po ako ng gamot ni Ms. Norris at nilagyan na rin niya ang mga sugat ko ng lunas."masayang tugon ni Mica.

"Mabuti kung ganon,maaari na kayong bumalik sa kanya kanya niyong gagawin."

Tumango nalang ako at naglakad na palabas.Hindi pa man kami nakakarating ng pintuan ay nagsalita si Headmistress na siyang ikinaharap namin sa kanya.

"Mica,ayoko nang maulit ang nangyari,wag na wag mo nang tangkaing saktan ang sarili mo."Seryosong sabi nito na ikinatango naman ni Mica at lumabas na kami ng Head's Office.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now