Sabay sabay na kaming lima na lumabas ng House Room para magtungo sa Magna Hall ng Hogsmeade.Haysss bakit ba kase kailangan pang pumunta doon para kumain,pwede naman siguro sa House Room nalang 'diba?
"Cheska,bakit kailangan pang doon tayo kumain?bakit hindi nalang sa House Room?"pagtatanong ko kay Cheska.
"Ganun talaga Rowena.Madalas kasing may inaannounce si Headmaster William habang kumakain.At 'yun lang rin 'yung oras na sama-sama ng estudyante kaya kapag may kailangan sabihin ang Headmaster o kung sino mang mga Professors ay doon na sinasabi."tugon niya.
Kaya naman pala.
"Teka,nasaan si Yuan?kanina lang kasama natin 'yun paglabas ah?"tanong ko habang nagpapalingon-lingon ako sa paligid at hinahanap siya."Alam niyo ba 'kung saan siya nagpunta?"tanong ko naman sa kambal na si Gio at Mio.
Umiling lang ang dalawang kambal.
"Bakit mo 'ko hinahanap?"bigkas ng 'kung sinong nilalang.Leche!boses 'yun ni Yuan ah!?
"Yuan pwede ba!"sigaw ko at tumigil sa paglalakad.May pagkapilyo talaga 'tong lalaking 'to!Ginamit niya na naman 'yang Charm niya at nag-Invisible pero sumusunod pala siya sa amin.
"Easy Thrixcy."sabi niya sabay sulpot sa harapan ko.
Piningot ko naman 'yung tenga ni Yuan at inikot ko ito.
"Hindi ba sabi ko sa'yo wag na wag mo na akong tatawagin sa pangalang 'yan."sabi ko na may halong panggigigil habang pinipingot siya kaya naman napaaray 'to sa sobrang sakit.
"Araaaaaaaay!masakit 'yun ah!"sabi niya habang hawak-hawak ang kanan niyang tenga.
Tinarayan ko lang ito at nagpatuloy na akong maglakad.Natatawa naman 'yung tatlo dahil sa ginawa ko.
Ilang saglit pa ay nakarating na kaming apat sa sinasabi nilang Magna Hall.
Pagbukas ni Yuan sa malaking pinto ng Magna Hall ay tumambad sa amin ang apat na napakahabang lamesa at nakaupo naman 'doon ang mga estudyante ng Hogsmeade.
Pagkabukas ng pinto ay napatingin sa amin ang lahat ng Estudyante.Mukhang na-late 'yata kami ng konti dahil marami nang estudyante 'doon at kami nalang ang kulang.
Pumunta kami sa pinakagilid ng apat na malalaking lamesa at umupo sa may bakanteng upuan.
Katabi ko si Cheska habang si Yuan naman ang isa pa niyang katabi.Nasa harapan naman namin ang kambal.
Napakaraming pagkain ang nakahanda sa apat na mahahabang lamesa para sa hapunan ng mga estudyante.
Sa harapan ng Magna hall ay may mga lamesa pa na 'kung saan nakaupo ang mga Professors at Staffs ng Hogsmeade.Nasa gitna naman nakaupo si Headmaster William.
Sa kabilang lamesa ay natanaw ko si Mr. Yabang na kumakain.Napaiwas ako ng tingin nang makita niya akong tinitignan ko siya.
"Kumain ka na Rowena."pag-aaya ni Cheska sakin.
"Sige salamat."tugon ko at kumain na ako.
Halos maubos ko na 'yung pagkain ko sa plato ko nang biglang nagsalita si Headmaster kaya naman napatingin ang lahat ng Estudyante sa kanya.
Rinig na rinig ang kanyang boses kahit na medyo malayo kami.Dahilan sa quadradong hugis ng Hall kaya rinig na rinig ito bawat sulok.
"Goodevening students.Inaanyayahan ko ang lahat na makinig sa aking sasabihin.Ngayong gabi ay isang panibago na namang espesyal na gabi.Dahil kahapon ay dumating dito ang panibagong estudyante ng paaralang ito.Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang bagong estudyante ng Hosmeade Academy na si Ms. Rowena Salazar!"pagsasalita ni Headmaster na ikinagulat ko at siya namang pagpalakpakan ng mga Estudyante.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanficSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...