Nasa kabilang bahagi kaming lahat ngayon ng Maze na kung saan naroroon ang lagusan ng apat na manlalaro ngunit Mag-iisang oras na ang nakalipas mula nang nagsimula ang pangalawang pagtutunggali at hanggang ngayon ay wala pa kaming ideya kung ano na ang mga nangyayari sa loob ng nakakikilabot na maze.
Kitang-kita sa mukha ng mga ibang nanonood ang pagkainip pati na ang pagkatakot.
Maging si Cheska ay kinakabahan na dahil wala pa ding Mr. Yabang na lumilitaw mula sa loob ng maze.
Ang unang makakalabas sa maze ay siguradong makakakuha ng pinakamataas ng puntos sa lahat.
Ilang sandali pa ay nagulat kaming lahat sa malakas na hiyaw na narinig namin mula sa loob ng maze.
Mas lalo kaming nagulantang nang maghiyawan ang mga studyante ng Castelo Bruxo nang makita nila ang isang babae na lumabas sa isa sa mga apat na pinto.Sugatan at mukhang nanghihina ang babae na siyang nagrepresent ng Castelo.
Maraming ring nadismaya dahil sa nakitang pagtatagumpay na makalabas ng Castelo sa napakadelikadong Maze.
Agad na pinuntahan ni Headmaster maging si Mrs. Norris ang babae upang alalalayan ito.
Agarang nilapatan ni Mrs. Norris ng unang lunas ang mga sugat na tinamo nito mula na nakakatakot na maze.
Agad nabaling ang aking tingin sa natitirang tatlong nakasarang pinto at nagaalalang inaabangan kung si Mr. Yabang na ba ang susunod na lalabas ngunit nabigo ako nang iniluwa ng isa sa mga pintong ito ang isang matipunong lalaki mula sa Durmstrang Institute.
Umalingawngaw ang mga instrumento at mga sigawan sa nakitang paglabas ni Vector mula sa loob ng maze.
Agad agad nagtungo ang head ng Durmstrang maging mga mga kaibigan ni Vector upang batiin at salubungin ito ng yakap.
Tanging ang sugat sa ulo na nababalot ng dugo lamang ang natamo ni Vector.Malayong malayo sa kalagayan ng Castelo.
Kitang kita naman ang lungkot,inis at pagkadismaya nila Yuan at Cheska sa nasaksihang pangyayari.Di ko 'rin maiwasang manggigil nang dumako ang tingin ni Vector sa gawi namin na 'tila ba nagyayabang dahil sa kanyang matatalas na titig.
Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala dahil wala pa ring mayabang na lumalabas sa pintuan.Mas lalo na akong kinakabahan dahil dito.
Lumipas pa ang ilang minuto bago ulit bumukas ang isa sa mga pinto ng maze ngunit wala kaming nakitang kung anong lumabas kundi ang madilim na usok na nanggagaling sa loob nito.
Maya-maya pa ay napawi ang aking kaba nang iniluwa ng pintong iyon si Mr. Yabang kaya naman naghiyawan kaming Hogsmeade students ngunit gayon din ang beauxbatons.
Dahil sa paglabas ni Mr. Yabang sa pintuang iyon,ay buhat buhat niya ang pambato ng Beauxbatons Academy na walang malay.
Dahan dahang ibinaba ni Axcel ang babaeng buhat buhat ng kanyang mga bisig.
Agad rin naman 'tong tinungo ni Mrs. Norris upang tignan ang kalagayan nito
at kung bakit wala itong malay.Nakaaawang tignan ang babaeng nakahandusay sa lapag at walang malay ngunit mas nakaaawang tignan ang lalaking nagrepresent ng aming team na punong puno ng dugo at sugat ang kanyang katawan.
Di na namin napigilang tatlo na agad magtungo kay Mr. Yabang upang kamustahin ito.
"Ayos ka lang Axcel??kamusta ka???"nagaalalang tanong ni Cheska rito ngunit parang walang narinig ang lalaki at hindi ito pinansin.
Inabot ni Yuan ang kamay ni Mr. Yabang nang may nakita itong malaking paso sa kamay nito ngunit agad itong binawi ni Mr. Yabang at tinaliman ng titig si Yuan na siyang ikinagulat nito.
Ilang saglit pa ay biglang umalis si Yuan at nagtungo sa kung saan.Agarang sinundan ito ni Cheska dahil sa kanyang pagaalala.
Wala pa ring tigil ang hiyawan at palakpakan ng mga estudyanteng labis ang saya at tuwa.
"Ngayon students,malinaw naman sa ating ang naging resulta ng pangalawang tunggalian."Pagputol ni Headmaster sa matinding ingay na likha ng bawat estudyante.Sapat ang kanyang napakalakas na boses upang marinig lahat ng estudyante ito.
"Sa mga sandaling ito,Ang Castelo Bruxo ang nagwagi sa labang ito kaya naman,sila ang makakatamggap ng pinakamataas na puntos!"dugtong pa ni Headmaster na siyang ikinatuwa ng estudyante ng Castelo kaya naman ay naghiwayan at nagpalakpakan ulit ang mga ito.
...
Natapos na ang kaganapan kanina kaya naman nandito na kami sa loob ng Houseroom nila Yuan at Kambal,kumakain ng mga pwedeng kainin at naguusap tungkol sa naganap na labanan kanina.Malungkot dahil sa pagkatalo ngunit dapat tanggapin dahil parte ng laban 'yon.
"Hindi ba't nakapagtataka kung bakit si Axcel ang huling lumabas ng pintuan at siya ang may pinakamatinding galos.At isa pa ay bakit bitbit bitbit niya 'yung babae sa Beauxbaton?"nagtatakang tanong ni Yuan.
Ako rin ay nagtataka dahil sa nangyari.Hindi ko makakaila na malakas si Mr. Yabang kumpara sa apat,kaya naman nakapagtataka na sa kanilang apat ay siya lang ang may pinakamatinding natamong sugat.
"Hindi ko alam Yuan,masyadong matindi lang siguro ang nakaharap ni Axcel sa laban kaya ganoon ang nangyari sa kanya."tugon ko dito.
"Teka,nasaan nga pala si Cheska?"pagiibang tanong ni Yuan pagkatapos non ay biglang bukas naman ng pintuan at iniluwa nito si Cheska.Agad naman itong tumungo sa pwesto ko at tumabi sa akin.Takot at kinakabahan.
"Oh Cheska,bakit ngayon ka lang?Anong nangyari??May problema ba??"pagtutukoy ko sa mukha niyang takot na takot.
"Nandito na sila.B-bumalik na sila."takot na saad ni Cheska.
"H-ha?"kunot noo kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyayari kay Cheska at kung ako ang sinasabi niya nagbalik na.
"Teka,nagbalik ang alin?"singit na tanong ni Mio.
"Makinig kayo."takot na saad ni Cheska habang hawak hawak ang dalawa kong mga kamay."Ang D-duellum Group,n-nagbalik na sila."nauutal na dugtong ni Cheska na siyang ikinagulat ko.
"D-duellum group?ano iyon?"kunot noong tanong ni Gio na halatang walang alam sa kasaysayan ng Hogsmeade.
"Sila ang mga Dark Maggo.Nandito na ulit sila upang kunin ang lahat sa atin."halos maiyak na dugtong ni Cheska.
"B-bakit?Paano mo naman nalaman?"tanong ko dito sabay abot ni Yuan sa akin ng panyo at pinunasan ko naman agad ang luhang dumadaloy na sa mata ni Cheska.
"Si Axcel mismo ang nakakita kanina habang nagaganap ang Tournament sa maze.Hindi ko alam pero ang sinabi niya sa amin ni Headmaster ay sigurado siyang ang mga Black Maggo ang umatake sa kanila sa loob ng Maze kaya napakaraming natamong sugat ni Axcel dahil prinotektahan niya ang tatlong manlalaro at nagawa niyang matalo at mapaalis sa Hogsmeade ang mga Black Maggo."pagpapaliwanag ni Cheska at kami ngayo'y gulat sa mga sinabi nito.
"Ayoko nang maulit ang nangyari noon Rowena,Ayokong may mawala pa sa akin.Ayokong mawala kayo."umiiyak na saad ni Cheska kaya naman agad ko itong niyakap.
"Shhhh...wag ka mag alala Cheska.Hindi kami mawawala.Wag mong iisipin 'yan.Hinding hindi tayo matatalo ng mga Black Maggo,dahil lalaban tayo."pagpapalakas ko ng loob ni Cheska.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...