(Example Picture of Bullywig)
(Example Picture of Fizzing Whizbees)
"Pinipigilan ko lang talagang itikom ang bibig ko para hindi ako matawa sa nakita ko kagabi sa Magna Hall."ngiting ngiti na saad ni Cheska habang naglalakad kami sa kakahuyan.
Naghahanap kami nila Cheska,Yuan,Mio at iba ko pang mga kaklase dito sa kakahuyan ng Bullywig na pinangungunahan ni Mr. Yabang.Ang Bullywig ay isang klase ng insekto na kung saan ay ginagamit sa paggawa ng ilang potion at sangkap sa isang masarap at napakatamis na Fizzing Whizbees.Natikman ko 'yan nang bigyan ako ni Yuan nung nakaraang araw.Naghu-hunting kami ng mga Bullywig dito sa kakahuyan ayon sa ibinigay na task sa amin ni Professor Mcwudgie.Ayon kay Professor,ang Bullywig ay mapanganib dahil sa sting nito.Kapag natusok ka ng napakatulis na sting nito,ay nakararanas ka ng panandaliang paglutang at pagkahilo kaya naman pinayuhan kami nito na mag-iingat para hindi ma-sting ng insektong iyon.
"Eh sino ba naman kaseng hindi matutuwa sa nasaksihan nating iyon?Dapat lang sa kanya 'yon!Ang sama-sama ng ugali niya!"natatawa kong tugon.
"Nakahuli na ko!"sigaw ni Mio nang makahuli nga siya nang isa g Bullywig na nakalagay sa kanyang net."Rowena!pwede mo bang iabot sa akin 'yong garapon na nasa loob ng bag ko?"utos ni Mio upang mailagay ang nauhili niyang Bullywig doon.Kinuha ko naman iyon at iniabot sa kanya.Binuksan niya ang garapon at marahang inilagay ang Insekto sa loob nito na kung saan ay maayos naman niyang nagawa.
Nagpatuloy na kaming maglakad at maghanap ulit sa gitna ng kakahuyan.Nakakainis ang mga insektong kumakagat sa aking katawan.
"Hayyss baka magpantal ang balat ko dahil sa mga nakakairitang insektong ito!"
"Wag ka ngang maarte!daig mo pa ang isang babae kung magreklamo."pagtataray ni Cheska kay Mio.Akala mo naman ay babae para umasta at magreklamo ng ganon!
"Bilisan niyong makahanap at humuli ng Insekto dahil magga-gabi na.Masyado nang mapanganib sa gubat na ito kapag inabot pa tayo ng dilim."seryosong saad ni Mr. Yabang hawak hawak ang garapon na halos mapuno na ng Bullywig.Samantalang ako ni-isang piraso ng bullywig ay wala pa akong nahuhuli.Hays!Porque magaling ka sa mga ganyan Mr. Yabang!
Sa bandang kanan ko ay may napansin akong lumilipad lipad na insekto,napansin kong isang bullywig 'yon kaya dali-dali akong tumalon at hinuli 'yon.Sa kasamaang palad ay lumagapak ako sa sahig ngunit hindi ako nabigo.
"Nakahuli na 'ko ng isa!"sigaw ko na siyang ikinangiti ni Cheska.
Dahan-dahan kong binuksan ang garapon.Napansin kong napakalaki pala ng nahuli kong Bullywig salungat sa mga nahuli ng iba.Tuwang-tuwa ako sa nahuli ko dahil kapag mas malaki ang Bullywig,ay mas malaki ang makukuha kong puntos kay Professor Mcwudgie!
"Wow Rowena!paniguradong mataas ang puntos na makukuha mo kay Professor dahil sa nahuli mo!"tuwang tuwa na sabi ni Cheska nang makita rin niya kung gaano kalaking Bullywig ang nahuli ko.
"Osya tama na 'yan,bilisan na natin para hindi tayo abutin ng dilim at makahanap pa ng maraming Bullywig."masungit na pag-singit ni Mr. Yabang.Inirapan ko naman ito nang magtama ang mga paningin namin ngunit umiwas nalang ito ng tingin at hindi ako pinansin.
Tumayo na ako at nagpatuloy nang maglakad sa kagubatan.
Nakakamangha ang iba't ibang insekto at hayop ang mga nakikita ko dito sa kagubatan na kung saan ay hindi ko nakikita sa normal na mundo ng mga tao,o ang mga no-maj.
Habang naglalakad kami ay napatigil ako nang may narinig akong boses.Nagpalinga linga ako para hanapin kung sino ang nagsalita.Ngunit wala akong nakita na pinanggalingan ng boses.
"Rowena may problema ba?"tanong ni Cheska nang maiwan ako dahil sa pagtigil ko sa paglalakad.
"Ahm,wala naman Cheska."tugon ko at mabilis na tumungo sa kanila.Hindi ko na pinansin 'yong boses na narinig ko.
Ilang saglit lang ang nakalipas ay nakarinig ulit ako ng mga boses.Mas dumami sila at mas lumakas ang mga boses nito.Sa mga sandaling iyon ay nagsimula na akong kabahan dahil sa mga naririnig ko marahil iyon ay hindi rin naririnig nila Cheska at mga kasama ko.Nagpalinga-linga ulit ako ngunit hindi ko talaga makita kung saan nanggagaling ang mga boses na iyon.Hindi ko mawari ang mga simasabi ng mga bulong na iyon ngunit iyon ay nakakatakot.
Napapikit nalang ako at napatakip ng tenga sabay sigaw nang malakas.Pagdilat ko ay natigil sa paglalakad ang kasama ko at nakatingin sila sa akin.Lumapit naman sa akin si Cheska.
"Rowena anong problema?bakit ka sumigaw?"nag-aalalang tanong sa akin ni Cheska.Kinuha niya ang mga kamay ko.
"N-narinig mo ba 'yong mga b-boses?"
"boses?anong boses?wala naman kaming naririnig na kung ano mang mga boses."
"Rinig na rinig ko sila Cheska!para silang tumatawa at parang galit rin sila sa akin."
"Anong ibig mong sabihin Rowena?Wala naman kaming narinig?"Marahan akong itinayo ni Cheska at sabay niyakap.Nakita ko sa Mr.Yabang na nakasimangot at tumalikod na sa amin at nagpatuloy na naglakad.Sumunod na kami ni Cheska habang inaalalayan ako nito.Nanginginig na kasi ang mga tuhod ko matapos marinig ang mga nakatatakot na mga boses na iyon.
Maya-maya pa ay kumalma na ako at wala na rin akong narinig na kahit ano mang boses o bulong.Napapaisip pa rin ako kung ano ang mga narinig ko kanina.Ngayon lang kasi nangyari sa akin ang makarinig ng ganoong mga boses.Nakakatakot.
"Nakahuli ulit ako!"sigaw na Mio habang ngiting ngiti ang mga labi nito.Tulad ng nangyari kanina ay iniabot ko ang garapon kay Mio at binuksan ito.Marahan niyang inilapit ang hawak-hawak ang net na may insekto sa loob.
Sa hindi inaasahan ay nakawala ang insektong nahuli ni Mio at mabilis na lumipad patungo sa akin.
"Ahhhhhhhh!!!!"sigaw ko nang ma-sting ako ng bullywig!
Napahawak ako sa kaliwa kong kamay kung saan ako natusok ng bullywig na 'yon.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong unti-unti akong lumulutang at nakakaramdam ng sobrang hilo.Maya-maya pa ay bumagsak ako ngunit sinalo ako ng dalawang napakatigas at napakalaking mga bisig.Napaupo siya sa sahig habang buhat buhat ako.
Marahan kong idinilat ang mga mata ko upang makita kung sino mang lalaki ang sumalo sa pagkakabagsak ko mula sa ere at sa matinding pagkakahilo.
Parang tumigil ang mundo ko nang bumungad sa akin ang maamong mukha ng isang lalaki.Singkit na mga mata,makakapal na mga kilay,matangos na ilong,at reddish at kissable na lips nito.Ang gwapo mo pala,
Mr. Yabang.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...