Chapter 31:Cheers!

1.3K 63 4
                                    




"Sana naman hindi lang itong unang task ang maipanalo natin,Sana maging ang pangalawa at ang pangatlong task ay maipanalo rin natin."nakangiting saad ni Yuan sa amin.

Nandito kami ngayon nila Cheska,Yuan at ng kambal sa sala ng aming House Room at umiinom ng masasarap na inumin dito sa Maggo World.

"Aba syempre naman Cheska!Sa lakas 'kong 'to malamang sa malamang ay maipapanalo natin ang lahat ng tasks at tayo ang magwawagi sa Quadroyal Tournament no!"malakas at mayabang na saad ni Yuan habang kapit kapit ang kaliwang braso nya.

"Nako tumigil ka nga 'dyan sa kayabangan mo!"pangaasar ni Mio dito sabay bato sa kanya ng isang Chip na kinuha nya sa lamesa."Eh hindi niyo naman mapagtatagumpayan 'yang unang task 'nyo kung hindi mo kasama 'tong si Cheska at Rowena,pati na rin si Axcel no!"dagdag pa nito sabay kuha ng chips sa lamesa at nginuya.

Natatawa nalang ako sa kakulitan nitong dalawang 'to eh.

"Nako tumigil na nga kayong dalawa dyan,mabuti pa eh mag cheers nalang tayo,okay?"paniningit ni Cheska sabay itinaas nito ang basong may laman ng alak.

Ginawa rin naman naming lahat ang katulad ng ginawang pagtaas ng basong babasagin ni Cheska at sabay sabay sinabing

"Cheers!!"sabay lagok ng likidong nakalagay sa aming mga baso.Masarap naman 'tong inuming iniinom namin 'yun nga lang ay may pagkamapait dahil nga isang itong alak.

Kitang kita sa mukha ng mga kaibigan ko ang tuwa at saya sa aming pagdiriwang ng aming pagkapanalo,syempre mas masaya ako hindi lang dahil nanalo kami sa unang laban kundi dahil mayroon akong kaibigang katulad nila.Mga kaibigang ni minsan ay hindi ako nagkaroon sa kabilang mundo.Mga kaibigang tinuring akong pamilya.

Hinding hindi ko hahayaang mawala pa sakin ang mga taong ito dahil sila lang ang nagparanas sa akin ng tunay na saya at hinding hindi ako makakapayag na may makakapanakit sa kanila dahil sisiguraduhin kong ako ang makakalaban nila.


"Yuan,sigurado ka bang hindi tayo malalasing sa alak na 'to?hindi kasi talaga ako umiinom ng alak eh."kunot noo at nahihiya kong tanong kay Yuan.Napailing nalang si Yuan dahil inulit ko na namang tinanong sa kanya 'yon.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Thrixcy na limang porsyento lang ang tama nyang alak na yan.Hindi ka talaga malalasing dyan.At isa pa,hindi naman ipinagbabawal dito sa Hogsmeade ang ganitong inumin kaya malaya tayong uminom nito.At isa pa,nanalo tayo sa ating unang task kaya dapat lang na mag celebrate tayo."Nakangiting pagpapaliwanag sa akin ni Yuan na para bang nangaasar pa sa awra ng kanyang mukha.


"Oo na naniniwala na ko.Dami mo naman sinabi."pagtataray ko rito at sabay napailing na lang sya sa ginawa ko.

"Ah Rowena sya nga pala,anong sabi ni Headmaster?nalaman na ba nya na para sayo talaga 'yung Chocolates and cupcakes na galing kay Vector at binigay nya 'yun sayo para kapag napaibig ka nya ay madaya nya tayo?"pagiiba ni Cheska sa aming usapan at dumakot ng pagkain sa lamesa at kinain.


"Oo Cheska,nadismaya nga si Headmaster kanina nang malaman nya ang katotohanan kaya nagdesisyon syang idesqualified ang Durmstrang.Ang kaso lang,pinilit ng Head ng Durmstrang si Headmaster para bigyan pa ng isang chance para makapaglaro pa sila hanggang sa nakumbinsi niya si Headmaster."

"W-hat!??That's so unfair!Hindi nila dapat ginawa 'yon!At isa pa,bakit naman pumayag si Headmaster.Nakakainis"pagkadismaya ni Cheska sa aking isinaad.

"Wala na tayong magagawa Cheska,as long as lumalaban tayo nang patas at hindi nandaraya ay mananalo tayo.Tingnan nalang natin ang tapang nyang Vector na 'yan kapag natalo na naman sila sa mga susunod sa tasks."Pagyayabang pa ni Yuan.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now