Naglalakad ako sa hallway malapit sa canteen para magmeryenda.
Ang konti nalang ng tao sa Canteen dahil siguro late na rin akong kumain dahil sa dami kong tinapos na projects.
Nagpatuloy na 'kong maglakad nang may nakapukaw ng atensyon ko.
Dugo.
Nagtaka ako.
Bakit may patak ng dugo sa sahig?May dugo sa sahig kung saan malapit sa nilalakaran ko kaya naman sinundan ko yung mga patak ng dugo na 'yun.
Dinala ako nito sa likod ng isang building at nagulantang ako sa nakita ko.
Isang usok. Isang usok na parang tao.
Hinihigop nya ang kung ano mang usok na lumalabas sa nakahiga at walang malay na estudyante.
Nakakatakot ang itsura niya.
Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang pagkagulat at takot. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang lumingon sya sakin. Wala siyang mukha. Tanging ang kulay pulang mga mata nya lang ang makikita bukod sa maitim na usok.
Nakakatakot. Pumikit ako at sumigaw nang napakalakas. Lumakas ang ihip ng hangin. Ramdam ko sa aking katawan ang paghaplos ng bawat hangin, sobrang lamig.
Ilang segundo ang lumipas at ako'y nakapikit pa rin. Natatakot akong idilat ang mga mata ko dahil sa nakita ko kanina. Napadilat nalang ako bigla nang may sumigaw. Sobrang lakas ng sigaw niya na para bang gulat na gulat.
"Ro-rowena?" Banggit ni Lily sa pangalan ko na may kasamang takot at pagtataka.
"Anong ginawa mo kay Mica!?"
Galit niyang tanong sakin na para bang ako ang sinisisi kung bakit nakahiga at puro dugo ang katawang nakahandusay sa sahig.
"W-wala akong ginawa sa kanya Lily."
Pag-aalala at takot kong bigkas sa kanya.
Agad niyang pinuntahan si mica na nakahandusay sa sahig at sumigaw siya.Humihingi ng tulong.
"Maniwala ka sakin Lily wala akong kasalanan,wala akong ginawang masama sa kaibigan mo."Pagpapaliwanag ko pero parang hindi niya ako pinakikinggan.
Naramdaman kong nawawalan ng lakas at nanlalambot ang mga tuhod ko.
Maya maya pa ay nanlabo na rin ang mga paningin ko at nawalan ng kontrol.Bumagsak ako sa sahig at nawalan ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
***
Nagising akong nakahiga,agad akong umupo at tiningnan ang paligid.
Nasa clinic ako ng school.Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nang biglang may nagsalita.
"Gising ka na pala Rowena.Abutin mo tong gamot at inumin mo.Mas gaganda ang pakiramdam mo kapag ininom mo ito."
Inabot sa akin ni Ms. Norris ang kulay berdeng bote at kinuha ko naman ito.Binuksan ko ang bote at walang anu-ano at nilagok ko ito.
Siya si Ms. Norris,Ang caretaker ng Clinic ng school.Napakagaling niyang manggamot at gumawa ng mga gamot kaya may tiwala ako sa kanya.
"Pumpkin Juice?"
Banggit ko pagkatapos lagukin ang bote na may lamang gamot.
"Hindi lang yan basta basta Pumpkin juice iha"
Sabi niya na may ngiti sa mga labi na para bang may tinatagong kung ano man.Napakamisteryoso niya talaga.
Ilang sandali pa at nakaramdam ako ng lakas.Iba talaga 'to si Ms. Norris.Napakagaling!
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanficSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...